Chapter 44

585 37 17
                                    

Chapter 44

----

Alexa's POV

Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Shen ngayon. But andito lang ako sa tabi niya if she needs a help. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya ngayon. But, i can feel her aura is turning dark.

" Oh? natameme kana? Diba totoo yung mga sinasabi ko? " sabi ng babaing malditang na mukhang unggoy na to. Ang sarap talaga sampalin ng left and right ang mukha nito.

Hindi kumibo si Shen, bagkus ay deretso lang ang tingin niya. Wala rin akong mabasa na expression sa kanyang mukha. Habang ang nasa harapan niya ay tawa ng tawa lang.

Biglang tumalikod si Shen at naglakad nang walang pasabi. Kung kaya't mas lalong tumawa ang mga malditang babaing to. Sana mapasukan yan ng langaw ang mga bunganga nila.

" Hahaha! Ang hina talaga, " sabi ng babae na nasa gitna.

" Paniguradong iiyak na naman yun sa isang sulok. " sabi ng isang babae pa.

Hindi nako makapagpigil pa at bigla kong hinaklit ang braso ng babae nung nasa gitna.

" Hoy! ikaw! at kayo! magtigil nga kayo sa mga sinasabi ninyo. " i said in baritone voice.

" Ouch! Sino kaba? Bat ka ba nangingialam ha? " tanong niya habang iniinda ang sakit ng braso niya. Dahilan sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko rito.

"Ako lang naman ang guardian's protector nya. Kaya subukan ninyo syang saktan. Buburahin ko yang pagmumukha ninyo sa mundong ibabaw. " pagbabanta ko sa kanila. Nakita ko naman ang takot nila sa kanilang mukha kaya napangisi ako dun. Saka ko at agad binitawan ang braso niya. Bago pa man yun ay inilapit ko muna ang bibig ko sa tenga niya, " Noted my words. " dagdag ko pa na hindi nawala ang ngisi ko sa aking mga labi.

Pagkatapos ay umalis nako at sinundan si Shen. Saan na kaya yun?

***

Shen's POV

Tumalikod ako sa kanila kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Tama naman si Erica. Hindi ko alam kung pano ko ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko alam kung pano lumaban sa kanila. Ang hina ko.

" Stop crying Shen. They are not worth it of your tears. " sabi ni Alexa sa likod ko.

Oo nga pala, iniwanan ko lang siya doon. Buti, nakasunod pa siya sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi ko bago humarap sa kanya. At pinilit ngumiti sa harapan niya.

" Ano kaba! Hindi ako umiiyak no,"sabay hampas ng mahina sa braso niya.

" Stop lying, nakita kona." sabi niya at tumabi sakin sa pag upo.

Andito kami sa may beanch dito sa may Garden ng University. Nakaharap kami sa magandang view, sa Flowers Garden. Tahimik lang kami at wala ni isa nagsalita samin dalawa. Habang nakatingin sa magandang view.

Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko sya bumuntong hininga. Kaya napatingin ako kay Alexa. Nagyon ko lang sya nakitang seryoso. Ano kaya iniisip niya?

" Bakit mo yun ginawa? " tanong niya habang nakatingin pa rin sa harapan niya.

Napakunot naman ang noo ko sa tanong nya, " Yong bigla kang umalis sa harapan nila na walang sinabi. " sabi niya.

Oo nga, bakit nga pala akong umalis? Hindi ko rin alam ang sagot. Pero gusto ko lang naman umiwas sa gulo eh.

Sasagot na sana ako nang magsalita ulit siya, " Alam mo ba, na iniisip nila na mahina ka. "sabi niya.

" Kasi yon naman ang totoo-- "

" No Shen, Hindi ka mahina. At yan ang wag mong ipapakita sa mga taong gusto kang saktan at siraan,"sabi niya habang nakatingin na sa mga mata ko." Dahil pagpinakita mo pa rin na kung gaano ka kahina. Hinding-hindi ka nila titigilan hannga't ikaw na mismo ang tatapos sa buhay mo."dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bat di ako makasagot sa mga sinabi ni Alexa.

Dahil tama ang kanyang sinabi lahat.

" Shen, marunong kang lumaban. Ayaw mo lang gawin yun. " oo nga, tama na naman siya. Ayaw ko lang gawin. Takot ako eh.

Napayuko ako at iniisip ang lahat ng mga sinabi niya.

" Wag kang matakot na ipagtanggol ang sarili mo. Ipinagtanggol mo lang ang sarili mo, ayon sa mga taong gustong mananakit sayo. " seryosong sabi niya.

Napatingin ako sa kanya. At ganun din siya. Ngumiti siya sakin. Pero pansin ko may iba sa ngiti na yon.

" Alam ko yang iniisip mo, naranasan ko din kasi yan," sabi niya. " Wag kang matakot lumaban Shen. Hangga't alam mong wala kang inaapakang tao. "dugtong niya pa.

Tama siya, hindi dapat ganun ang iniisip ko. Hindi dapat ako tumakbo sa isang laban na hindi kopa sinusubukang lumaban.

Ngayon, lalaban nako hindi para sa ibang tao. Kundi para sa sarili ko.

******

"Salamat Alexa, sa pag cheer up mo sakin kanina. " sabi ko.

Naglalakad na kami palabas sa gate ng University. Pauwi na kami ngayon. Pagkatapos ng nangyari kanina. Napagpasyahan namin na pumasok sa klase namin pareho. Kaya hindi nako nakapagpasalamat sa kanya kanina.

" Ano kaba, no problem. Friends naman tayo diba? " sabi niya na may ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sa tanong niya.

Kasi yung tinuturing kong kaibigan noon ay sinaksak ako sa likod ko.

Kaya ngumiti na lang ako sa kanya na bilang sagot sa tanong niya. Saka umuna sa kanya sa paglalakad.

Kakalabas lang namin sa gate. Nang may biglang huminto na van sa harapan ko at lumabas ang naka mask na apat na lalaki. Papunta ito sakin kaya kinakabahan ako.

"A-alexa!! " sigaw ko, nang hinawakan ng mga lalaki ang magkabilang braso ko.

"Darn!! Shen! " sigaw ni Alexa nang makita niya ko. Dali-dali syang tumakbo papunta sakin.

" Bitawan n'yo siya!! " sigaw niya at pilit na pinipigilan ang mga lalaki nakahawak sa braso ko.

" Wag kang mangi-alam dito!! " sabi nung lalaki at sabay tulak kay Alexa. Kaya napadapa sa lupa si Alexa.

Pilit akong pinapapasok ng mga lalaki sa Van. Kaso nahihirapan sila ipasok ako kasi malikot ako. At pilit nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanila.

" Pakawalan n'yo ko!! Ano bang kailangan nyo sakin ha?!!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa kanila.

Tumayo si Alexa at bigla nyang sinipa ang isang lalaki na malapit sa kanya. Lumapit naman ang isa pang lalaki sa kanya. Susuntukin na sana siya pero nakailag agad si Alexa at hinuli ang kamay nung lalaki saka ito binabalibag ang kamay sa likod. Kung kaya't napasigaw sa sakit yung lalaki.

Hindi ko alam na marunong din pala tong makipaglaban si Alexa. Sa liit nyang yan kaya nyang suntukin ang isang lalaki na mas matangkad pa sa kanya. Hindi naman ako nagulat ng sobra sa ngayon. Kasi nakakita nako ng mga tulad nyang mga babae na marunong makipaglaban.

Nakapagtaka lang na marunong syang lumaban. Membro rin kaya siya ng mga gang?

*****

Enjoy reading 😘

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon