Chapter 13

969 55 1
                                    

Chapter 13

-----

Shen's POV

Andito ako ngayon sa isang kwarto. Tapos nako maglinis ng katawan ko at nakapagbihis na rin. Umupo muna ako sa kama at inilibot ang paningin sa buong kwarto. Maganda ang kwarto na ito Sky blue at white ang kulay ng dingding kaya ang linis tignan sa mata. 

Mesa naman sa gilid ng kama at may lamp at may drawer pa. Yumuko ako para buksan iyon. Nang may nakita akong kahon na andoon kaya sa curious ko ay kinuha ko iyon. 

Hmmm. Ano kaya laman nito?? Nakita kong may nakasulat ng mga letra sa ibabaw ng kahon na ito.

SL???

Ano naman kaya ibig sabihin nito? Aahhh, bahala na nga, bubuksan ko na lang to. Nang bubuksan ko na sana ay may biglang kumatok sa pinto.

" Miss Shen. Pumunta napo kayo sa Dinning Area, sabi po ni Master. Kakain na raw po. " tuloy-tuloy na sabi nung babàe sa labas ng pinto.

"Sige po, susunod po ako. " sagot ko naman. Ibinalik ko na lang tong kahon sa drawer kung saan ko ito kinuha at lumabas na ng kwarto.

***

Naglakad ako sa mahabang pasilyo ng baha--- este mansion pala. Muntikan na nga ako maligaw eh. Sa laki ba naman nito na parang palasyo. Papunta ako ngayon sa Dinner Area at syempre no, may sinusundan ako. Mahirap na baka maligaw na naman ako. base sa kanyang sinusuot ay maid siya rito. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa gilid kaya napahinto na rin ako.

Humarap siya sàkin na may ngiti, "Pumasok napo kayo Miss Shen. Kanina papo naghihintay si sir Xenon sainyo. " sabi niya na may hands gesture pa.

 "Sige po. " sabi ko naman tapos nginitian ko siya.

At pumasok na sa loob. Unang bumungad sakin ang pinakamahabang mesa nito at Chandelier sa gitna sa ibabaw ng Dinner Area nato. Grabi! ang laki talaga ng Dinning Area nila dito at ang ganda pa.

" Hello po, miss Shen. " biglang may nagsalita sa may gilid ko.

 "Ay butiki!! " hiyaw ko dahil sa pagkagulat, "Ano ba yan ate, nakakagulat ka naman po. " sabi ko habang napahawak sa bandang dibdib ko. Bahagya syang natawa sa sinabi ko.

"Pasensya kana po miss Shen. " sabay bow sa akin. Hays.. Bakit ba napakapormal nila. Naiilang tuloy ako.

" Naku po, ok lang yun. Pwede po bang Shen na lang tawag mo sakin. Kasi kanina papo kayo kaka 'Miss Shen' ' Miss Shen'. Nakakailang po kasi eh. Hindi po ako sanay nyan. " sabi ko sa kaniya.

Tumango naman siya, " Sige po, Miss She-- este Shen lang pala. " sabi niya sabay bow pa. Hays. Sige na nga pabigyan na lang natin yang 'bow' 'bow' na yan. 

" Halikana po Shen. Naghihintay na po si Sir Xenon. " sabi niya sabay talikod sakin at naglakad kaya sinundan ko na lang siya.

Tumigil kami sa pinakadulo ng mesa nato. Kung saan andoon na si Xenon na nakaupo na at nakaharap sa napakamaraming at masasarap na pagkain sa mesa. Napalunok ako ng bahagya. Hmmmmm. gutom nako. Gusto ng kumawala ng mga alaga kong bulate sa tyan ko.

" Dito na po siya sir. " narinig kong sabi ni ate. 

"Sige, makaalis kana. " rinig kong sabi rin ni Xenon. Grabi! hindi ko maialis yung tingin ko sa pagkain, napapadila nako rito sa rami ng pagkain sa harapan ko. At mukhang masasarap pa.

" What are you waiting for? Umupo kana dyan. " sabi niya kaya agad kong hinila ang upuan para umupo na.

Nang makaupo nako. Agad kong binaliktad ang nakahandang plato sa harapan ko at nilagyang ng kahit anong pagkain. Naghiwa ng karne tapos tinusok ko sa tinidor. At isusubo kona...

" Who told you to eat? " napahinto ako sa pagsubo ng karne at tumingin sa kaniya habang nakabuka pa yung bunganga ko. Seryoso syang nakatingin sakin kaya dahan-dahan kong ibinibaba ang tinidor na may karne. Shit. Nakakahiya naman.

Oo nga naman. Ang sabi lang niya umupo ako. Kaya umayos ako ng upo.

" Eh anong ginagawa ko rito kung hindi pala ako kakain? " tanong ko.

" You just watch me there." maanghang na sabi nya sakin.

" Ahh okeeyy. " sabi ko na lang sabay tango. Panoorin lang naman pala siya kuma---- Teka??? O_0

" WHAT??!!!! " sigaw ko.

" Pfftt hahahaha! Your ffaaccee.. Pffftt soo.. Hahahahaha!! Epic hahahahaha pffftt." Ehhh.

Embis na mainis ako sa tawa niya. Napanganga na lang ako. Bakit parang namangha pako? Ang ganda ng tawa niya. Ang sarap sa tenga. Nakatitg lang ako sa kaniya. Ang gwapo niya. 

Tumigil siya sa pagtawa at tumingin sakin. Shit. Nagkatitigan kami. Hindi ko maialis ang titig ko sa kaniya. Dahan-dahan syang lumapit sakin at hinawakan ang baba ko. Waaah, ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi nako makahinga. Sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Hahalikan niya ba ako? Ay!! No ! No ! No ! N-O ! NO !!!

Ipinikit kona yung mga mata ko. Naramdam ko na ang init ng hininga niya na tumatama sa mukha ko. Inilapat niya ang hinliliit sa gilid ng labi ko kaya mas lalong kinakabahan ako.

" Laway mo. Tumutulo na. " sabi niya. 

Pagbuka kopa lang ng aking mga mata nakita ko na agad yung nakakainis na ngisi niya. Naramdàm ko na ngayon nag iinit ng mukha ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

" Bakit? Akala mo ba hahalikan kita? " mas nag init yung mukha ko sa sinabi niya kaya mabilis ko siya naitulak.

 " Tse!! Dyan ka na nga!! " tatayo na sana ako ng magsalita siya, "Saan ka pupunta? " tanong niya.

" Uuwi napo master. Gabi na ohh, baka hinahanap nako ng mga kuya ko. Baka nag alala na yun sakin. " sarcastic kong sabi sa kaniya.

" Kumain ka muna. Ako na maghahatid sayo pauwi " mahinahon nyang sabi. 

"Wag na. Sa bahay na lang ako kakain at kaya ko na yung sarili ko." malamig na sabi ko. Aalis na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

" Sorry. " mahinang sambit niya.

One word. Two Syllables.

" A-ahhh okeyy lang yun. " sabi ko. Bakit parang nakokosensya ako?? 

" Sige, ihahatid na kita ngayon sa bahay nyo. " sabi niya. Tumango na lang ako. 

Bakit may napansin ako sa mga mata niya?? Hays baka namalikmata lang ako. Pero anong ibig sabihin nun ??

****

Enjoy Reading.

Edited.

Keep love and Shine.

I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon