Chapter 57
---
Tahimik kami buong byahe. Hanggang sa huminto ang kanyang kotse. Sumilip naman ako sa bintana, andito kami sa park. Ano naman kaya gagawin namin dito? Maglalaro ng habul-habolan? Magtagu-taguan? Ganun?
Nakita ko syang lumabas kaya lumabas na rin ako. Padabog kong isara ang pintuan ng kanyang kotse. Napatingin naman siya sakin, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nakangiti syang umiiling-iling sakin. Baliw ba siya? At nakangiti na, kahit wala namang dapat ikinakangiti.
"Ano bang gagawin natin dito? Maglalaro?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang batok. Saka lumapit sakin. Tinaasan ko na naman siya mg kilay at tinignan siya na may halong pagtatanong. Tumabi siya sakin at humarap sa park. Nagtaka akong pumalakpak siya ng tatlong beses kasabay nun ang pag-ilaw ng buong paligid.
Halos malaglag ang panga ko sa nakita ko. Madaming Christmas lights ang nakapalibot sa park.. Parang nagsilbi itong bituin saking mga mata. Diko maiwasan ang pansinin ang Christmas lights na naka-form ito ng letters. Naka-display ito sa tapat ng fountain, sa gitna ng park na ito. Five letters, in one word. S-O-R-R-Y.
Nag-walk out ako kaagad nang mabasa ko yan.
"Shen, please." Sabay hawak sa braso ko. Hinawi ko agad ang kanyang kamay. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"STOP IT, XENON!!!" Sigaw ko.
Hindi ako tanga para magpadala diyan, hindi nako magpapaloko ulit.
"Listen to me first, please…" Pagmamakaawa niya.
Listen? Ano paba gusto nyang sabihin?
"Listen? Nagpapatawa kaba? Ako ba pinangkinggan nung araw na yun. Diba, nilagpasan mo lang ako nun." Sabi ko sa kanya nang pabalang.
"Shen, umalis ako kasi-"
"Umalis ka kasi, gusto mo munang oras na magkapag-isip." dugtong ko sa kanyang sinasabi.
"Oo nga, ganun nga ang ginawa ko." Napanganga ako sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi.
Tumatawa ako na habang umiiling.
"Talaga ba? Oras na makapag-isip, o oras na sa panloloko mo!" Mariin kong sabi sa kanya.
"Hindi kita niloko, Shen. Lasing lang ako nung gabi na yun. Nung nagising ako akala ko ika-" PAK!
"Tama na! Tama na pang-uuto, Xenon!" Sigaw ko sa kanya nang matapos ko syang sampalin.
Ano pabang pang-uuto ang sasabihin niya sakin? Ano? Lalasunin na naman niya ang utak ko. Lolokohin? Uutuhin?
Nakayuko siya saking harapan. Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Inangat niya ang kanyang ulo sakin. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Umiiyak siya. Damn!
Inaamin ko, kumirot ang puso ko saking nakita. Nanghihina ang mga tuhod ko at nanginginid din ito. Bahagya kong kinagat ang aking labi, para pigilan ang pagtulo ng aking luha. Ayoko! Ayokong umiyak. Ayoko nanghihina ako. Ayoko. Ayoko sa harapan niya mismo… Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Shen, please… pakinggan mo naman ako, oh… Please… Maniwala ka naman sakin." Pagmamakaawa nyang sabi, habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.
Hinawi ko ito, pero hinawakan niya lang uli ang kamay ko.
"Ta-tama na, Xenon. W-wala ng tayo. Kaya useless lang kung pagpapaliwanag kapa." Utal na saad ko. Tinignan ko siya, tinapangan ko ang tingin sa kanya. Masyado nang naninikip ang dibdib ko ngayon.
Puno ng luha ang kanyang mukha. Pumiyok ako, pumiyok ako kasabay ng pagtulo ng mga luha… Mabilis ko iyon pinahiran.
"Shen, please. Give me a chance, please…" Umiiling-iling ako nang sabihin niya yan.
"A-ayoko na, Xenon." Pinilit kong wag mautal. Pero shit! Hindi ko kaya.
Pinilit kong tanggalin ang mga kamay na nakahawak sa kamay ko.
"Tama na, Xenon. Tama na. AYOKO NA!!!" Sigaw ko sa kanya.
Tatalikod na sana ako, nang bigla syang lumuhod sa harapan ko. Nanlaki ang mata kong tinignan siya.
"Shen, please… Please… Give me another chance. I still love you…" sabi niya na habang umiiyak.
Hindi ko akalain na magagawa niya to. He's a bad boy, a gangster king. Pano na lang kung may makakakita sa kanya rito. He looks like gay. I don't know. Drop with that tougth, Louise. The scene is so serious. Ipinilig kona ang ulo ko. Para akong baliw dito.
"No. Xenon. Stop this. Wala na tayong pag-asa." Mariin saad ko sa kanya.
Umiiling-iling siya.
"No! Alam kong mahal mopa ako. Alam ko--"
"Nagbabago rin ako, Xenon!" Medyo pagsigaw ko sa kanya. Umiiyak na kasi ako, kaya naging mahina na yung sigaw ko.
"No~"
"Hindi na kita mahal, wala nakong nararamdaman sayo kundi ang galit at puot na lamang." Mariin na saad ko pa sa kanya. Pinilit kong wag pumiyok at wag mautal. Para maramdaman niya na wala na talaga akong pagmamahal sa kanya.
Pero bakit ganun? Parang ako ang nasasaktan sa mga sinasabi ko. Mas lalo lang kumirot ang puso ko. Totoo naman yun, wala nako nararamdaman sa kanya. Kaya nga ako nagbago, diba? Gusto kong makaganti sa kanila. Gusto ko gantihan silang lahat. Yun ang plano ko. Hindi pwede mabaliwala lang yun.
"Hindi ako naniniwala sayo, Shen. You are not good at lying. So, stop this, please…" Tumayo na siya as he cup my whole face at hinalikan ako.
Una, nagulat pako sa kanyang ginawa. Kaya di ako makareak kaagad, pero nang marealize ko. Sinubukan ko syang itulak, pero hindi n'ya ako binigyan ng pagkakataon na makawala sa kanya. Tumigil na lang ako, nang napagod nako sa kakatulak sa kanya. Kinagat niya ng bahagya ang ibabang labi ko, dahilan ay ngumanga ako na may kasamang daing. Ipinasok niya agad ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Nadala nako sa aming halikan kaya tumugon ako sa mga halik niya.
Isinabit ko ang aking dalawang braso sa leeg niya. Para mas lalong lumalalim ang aming paghahalikan. Mas lalo pa nyang idinikit ang katawan namin sa isa't-isa. Kaya ramdam ko ang init ng kanyang katawan ngayon. Napapamura na lang ako sa gitna naming paghahalikan. Damn this guy! Bakit di ako matanggi sa kanya. I hate it! Parang may sariling utak ang mga braso ko. Nang idiniin kopa lalo ang ulo niya sakin. Shit! Am I crazy?
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras kami na naghahalikan. Pero siya na mismo ang tumigil nun. Halos pareho namin habol ang hininga sa isa't isa. Pinagdikit niya ang noo namin pareho.
"See, you responded to my kisses." Sabi niya, habang habol-habol pa ang kanyang paghinga.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Alam kong namumula na ang pisngi ko ngayon. Ano ba kasi, bakit ba ang traydor ng katawan ko. Bwiset! Kailangan kong malulusotan to.
"Hindi-" Naputol ang dapat kong sabihin nang bigla niya akong hinalikan uli. Malalim at mapusok ang ginawa niya kaya nadadala ako kaagad. Tutugon na sana ako nang tinigil niya na ito. Damn! He makes me crazy!
"Kokontra kapa talaga, e, halata na nga." Sabi niya na nakangisi pa. Damn this guy! Darn it!!!
Hanggang ngayon ay nahuhulog parin ako sa kanya. Damn! Nakalimutan ko na ang mga plano ko. Ano nga yun? Ano nga yung mga plano ko?
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
ActionI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.