Chapter 9
----
Shen's POV
Nagising ako sa init ng sinag sa araw mula sa bintana. Minulat ko yung mga mata ko at tumingin sa paligid. Andito na pala ako sa kwarto ko. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama ko. Hindi ko pa rin maiiwasan alalahanin yung nangyari kagabi. Kung hindi siya dumating siguro andun pa rin ako sa loob ng room na yun. Na takot na takot at umiiyak pa din ako.
Teka? Ano naman ginagawa niya dun sa eskwelahan na ganoon oras ng gabi? Wag mong sabihin na security siya dun? Pero impossible naman. Wala sa itsura niya no. Pero bakit nga ba siya andoon ? At anong ginagawa niya dun sa university? Hays, hayaan na nga.
Pero..
Pero..
Waaaaahhh. Naramdaman ko naman namumula yung pisngi ko. Naalala ko kasi yung inakap niya ko habang umiiyak. Feeling ko, safe na safe ako pag nasa tabi ko lang siya. Waahh. Ano bang nangyayari sakin? Ghaadd.
* TOK!! TOK!! TOK!! *
" Baby girl, gising kana ba dyan? Bumaba kana para kumain. ” si kuya Diel. Tinignan ko muna mini clock sa side table ko. 10:45am na.O_ o
Waaahh. Malapit na tanghali. Supeeeerr Duuppeeeerr late nako!!! Huhu! T_T
" Kuya Diel!! Opo, gising nako. Baba na din ako pagkatapos maligo!! " medyo pasigaw kong sabi sa kaniya. Pagkasabi ko noon ay dali-dali nakong pumasok sa cr para maligo.
* FASTFORWARD *
Pababa nako ng hagdan papuntang kusina. Nang makapasok nako sa kusina ay nakita kong si kuya Diel na kumakain na. Si kuya Niel naman ay nangtimpla ng juice.
"Oh Shen? andito kana pala. Halika na at kumain na tayo." seryosong sabi ni kuya Niel.
Kaya umupo na rin ako sa katapat na upuan ni kuya Diel at nagsimula na kaming kumain. Kain lang kami ng kain. Wala sino man ang nagsasalita sa amin. Hinayaan ko na lang sila. Subo lang ako ng subo dito. Nang biglang nagsalita si kuya Diel.
" Sino yung lalaki kagabi? Yung naghatid sayo rito. " seryosong tanong ni kuya Diel sa akin. Kaya napatigil ako sa pagkain ko at tumingin sa kaniya na nakatingin din sakin. Ganun din si kuya Niel na seryosong nakatingin sa akin. Kaya pala tahimik. Sobrang higpit kasi nila kuya sakin. Simula nung nabawasan kami ng isang membro sa pamilya. Kaya ganyan sila sa akin ngayon.
" Xenon po, Xenon Blood. " sagot ko naman sa kanya.
" Blood. " sambit ni kuya Diel. Kaya napatingin ako sa kaniya. Napansin ko rin yung kanang kamay niya na may hawak na kutsara ay sobrang higpit ang pagkakahawak niya rito.
Malapit na mabali yun. Galit yung nakikita ko sa mga mata ni kuya Diel ngayon. Nakakatakot siya tignan sa mga mata niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. At yan ang pinagtataka ko.
" B-bakit p-po k-kuya? " tanong ko sa kaniya na may takot. Grabe, nakakatakot naman talaga siya e.
" Lumayo ka sa lalaking yun. " sabi ni kuya Diel na may diin ang pagkakasabi niya.
Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. Naguguluhan na din ako, "Pero bakit kuya? " tanong ko sa kaniya na may halong pagtataka.
" Basta layuan mo siya o lumayo ka sa kaniya! " medyo pasigaw niyang sabi sakin. Uminit din ang ulo ko sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
" Bakit nga-- "
* BLAG!! *
Naputol yung pagtatanong ko ng hampasin niya ng malakas yung mesa. Kaya medyo nagulat kami pareho ni kuya Niel na kanina pa tahimik sa may tabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm With You Season 1: Gangsters Reunite (UnderREVISION)
AcciónI'm With You Season 1: Gangsters Reunite (COMPLETED) Four group of gangsters will rebuild and reunite as one. Started on June 28, 2018. Ended: November 26, 2020.