Chapter 1:

1.2K 51 14
                                    

CHAPTER 1

Looney POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. As usual madilim ang kwarto ko at hindi mo talaga malalaman kung umaga na ba dahil parang laging gabi dito.

Tumayo ako sa pagkakahiga sa kama at kinuha ko ang isang libro. Its better to read than to hang out. Linggo ngayon kaya walang pasok.

Muli akong bumalik sa kama at kinuha sa side table ang headlamp na nakapatong sa mesa. Sinuot ko yon sa noo ko at binuksan ang ilaw nito. Inayos ko ang buhok ko para matabunan ang mukha ko. Tama lang ang siwang sa pagitan ng buhok ko upang lumitaw ng bahagya ang mga mata ko.

Hindi ako makakapagbasa kung walang ilaw. Ayoko namang buksan ang kurtina ng kwarto dahil sumasakit ang mata ko sa sobrang liwanag. Ayoko din namang buksan ang ilaw ng kwarto ko mas gusto kong makita lang ng tama ang binabasa ko. Kinuha ko din ang earphone ko at pumili ng kanta.

Ako si Patricia Aloney always alone. Kilala ako sa tawag ng mga kaklase ko na Sadako. Pero hindi kagaya ni Sadako na kinatatakutan bagkus ay isa akong katatawanan para sa mga kamag aral ko. Ang ibang tao na hindi naman nakakakilala sa akin ay nagugulat at natatakot kapag nakikita ako.

Tinawag akong sadako dahil parang ako si Sadako. Laging nakalugay ang mahaba kong buhok at nakaharang sa aking mukha dahil lagi akong nakayuko.

I am the epitome of Weirdness.

Nagsimula na akong magbasa. Nasa kalagitnaan na ako ng aking binabasa ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng kwarto ko. Inalis ko ang earphone ko at tumingin kay Mama.

"Ano ba Aloney?! Gusto mo bang maatake ako sa gulat?!" wika ni Mama habang sapo ang kanyang dibdib.

Tinignan ko ang ayos ko kung may ka gulat gulat ba. Ah! Alam ko na! Sino bang hindi magugulat kung makakakita ka ng isang babae na nakasuot ng mahabang tshirt na kulay puti at nakasabog ang mahabang buhok sa kanyang buong mukha at bahagya lang kita ang kanyang mga mata na namumula?

"kanina pa kita tinatawag! Wala ka bang ibang balak gawin sa buhay kung hindi magkulong dito sa kwarto mo?!" naiinis na tanong ni Mama habang pinupulot ang mga kalat sa sahig noong makabawi siya.

"Wala ka ng ibang ginawa kung hindi magkulong dito! Ano bang trip mo sa buhay na bata ka? Para kang bampira! Ang dilim dilim dito sa kwarto mo katanghaliang tapat! Lagi ka nalang diyan sa kama mo at kung ano ano ang binabasa mo . May natututunan ka ba diyan? Abay naku naman! Bakit hindi mo subukang lumabas sa kwarto mo at gumala sa kung saan. Baka naman magkakalyo ang likod mo sa kakahiga?!" Litanya niya habang binubuksan ang kurtina ng kwarto ko.

"Ma! Isarado mo yan nasisilaw ang mata ko!" reklamo ko sa kanya at iniharang ang kamay ko upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa mata ko at mabilis na lumusot sa ilalim ng kama at pinatay ang headlamp na nasa ulo ko.

"Tama lang yan at ng magkakulay ang balat mo! Ang putla putla ng balat mo Aloney! Dinaig mo pa ang may anemia. Magbilad ka naman sa araw kahit konti lang!" wika niya at humarap sa gawi ng kama.

"Aloney? Nasaan ka? Anak?" natatarantang wika ni mama nang hindi niya ako Makita sa kama.
Mabilis siyang pumunta sa gawi ng CR upang tignan ako doon.

"Andito ako mama." Mahinang wika ko at binuksan muli ang headlamp at gumapang ng bahagya palabas sa ilalim ng kama upang Makita niya ako.

"AHHHHHH!"

"Ma bakit ka sumusigaw?" tarantang wika ko at gumapang papunta sa kanya dahil napaupo siya sa sahig.

"Ikaw bata ka! Papatayin mo ba talaga ako sa gulat?! Bakit nasa ilalim ka ng kama? Akala ko Multo na talaga!" wika niya at kinabog kabog pa ang kanyang dibdib.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon