Chapter 35

200 7 0
                                    

Aloney POV

“Doon naman tayo!” aya ko kay Royce habang tinuturo ang Space shuttle.

“Tara na.” nakangiting wika niya at hinila ako doon.

Nandito kami ngayo sa Amusement park. Kagaya ng nakagawian ko nakasumbrero at shades ako. Magkahawak kamay naming pinuntahan ang space shuttle.

Wala akong ginawa kung hindi sumigaw habang siya naman ay tawa lang ng tawa. Halos nasakyan na namin lahat ng rides at ang iba ay inulit na lang namin.

Wala kaming pinag usapan na kahit ano at tawa lang kami ng tawa.

Pagkababa namin sa space shuttle ay umupo muna kami sa isang bench.

“Gusto mo ng ice cream?” tanong niya kaya mabilis akong tumango.

“Vanilla flavor.” nakangiting wika ko kaya mabilis siyang tumango at umalis.

Tinignan ko lang ang palayo niyang bulto at mabilis na naglaho ang ngiti ko.

‘Sana ganito na lang tayo.’ naibulong ko at mabilis na pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko.

***

“Dugyot.” wika ni Royce ng makita niyang pinampunas ko ng kamay ang suot kong pantalon.

Napanguso na lang ako. “Nakalimutan ko kung magdala ng panyo. Wala na rin akong tissue.” sagot ko at muling kumain ng ice cream.

“Tss.” sagot niya at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya.

“Yung iba hinahalikan nila ang mga girlfriend nila kapag may ice cream o sauce sila sa gilid ng labi.” sabi ko na ikinangisi niya.

“Gusto mong halikan kita?” tanong niya kaya namula ang mukha ko.

“Sinasabi ko lang.” sagot ko at iniwas ang tingin sa kanya.

Tumawa siya kaya napalingon ako sa kanya. “Anong nakaktawa?”

“Ikaw? Manyak ka, nagmana ka kay Pooh.”

“What? Bakit nasali si Pooh? At isa pa anong manyak? Ikaw nga diyan e.”

“Tss. Totoo naman e. bakit ba shortless si Pooh? Pwede namang topless muna.”

“Why not ask his creator? Bakit ako ang tinatanong mo?” nakasimangot na sagot ko sa kanya.

“Because you like Pooh.”

Sumimangot ako at inirapan siya. Pero mabilis ding nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong hinalikan.

“Yan na ang kiss mo. Huwag ka ng sumimangot.” nakangising wika niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

“HEH!” irap ko sa kanya at tumayo na.

“Saan mo gustong pumunta?” tanong niya at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako doon at napangiti.

“hmm. Gusto kong… Magbike!” nakangiting wika ko.

***

Napatampal sa noo niya si Royce at napabuntong hininga. Kanina pa kami dito sa park at pilit niya akong tinuturuang mag bike. Ngayon palang ako nakasakay sa bike kaya hindi talaga ako marunong.

“Why don’t you get it? Look at them kaya nila? They can do it?” parang nauubusan ng pasensyang wika niya at tinuro pa ang mga batang nagbabike.

Napanguso ako at inirapan siya. “First time kong sumakay ng bike.”

Hinawakan ko ang manibela ng bike. Nakaupo pa rin ako doon habang si Royce ay nasa gilid ko.

“Yeah first time mo pero ilang oras na tayo dito at hindi mo pa rin nagagawa.”

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon