Chapter 14:

397 28 8
                                    

ROYCE POV

Bakit wala pa ang babaeng yon? Magsisimula na ang klase pero wala pa siya. Dati rati ay maaga siyang pumapasok.

Wait. Why am I thinking about her? Doon nalang siya sa mukhang manyak na kahawak kamay niya kahapon. They suit each other. Tss.

Kinuha ko ang Cellphone ko at nagbasa ng mga text hanggang sa mahinto sa isang pangalan ang paningin ko.

Binuksan ko iyon at binasa ang mga conversation namin. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako habang nagbabasa ngunit bigla din iyong mawala nang mabasa ko ang unang text niya sa akin.

WEIRDO

Bakit ako magpapaganda sayo? Sino ka ba?! Hindi kita gusto no!
(Yung chapter 11. Back read kung nakalimutan niyo na.)

Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik ang Cellphone sa bulsa ko. Hindi nagtagal ay dumating na ang prof at nagsimula ng magturo. Wala sa pagtuturo ng Prof ang atensyon ko kung hindi nasa katabi kong upuan na ngayon ay bakante.

Damn! Bakit ba naiisip ko ang weirdong yon? Ano ngayon kung hindi siya pumasok? Like I care.

*****
Natapos ang klase na wala akong ibang naiisip kung hindi ang weirdong iyon.

“Kuya!!”

Napabuntong hininga ako nang marinig ang matinis na boses na iyon. Bakit ba ang ingay ng kambal na ito?

Huminto ako at lumingon sa kanila. Hinintay ko silang magsalita at blangko silang tinignan.

“Kuya nasaan si Aloney? Kanina pa namin siya tinetext pero hindi siya nag rereply.” tanong ni Caleesha at kumapit pa sa braso ko.

“Absent.”

“Ha? Bakit absent siya?”

“I don’t know.” sagot ko. Totoo naman na hindi ko alam. Malay ko ba kung bakit siya nag absent. Wala akong pake sa dahilan niya.

“Ha? Diba magkaklase kayo? Bakit hindi mo alam ang dahilan?” katniss.

“So? Kailangan ba alam ko lagi kung bakit wala siya?” Iritang tanong ko sa kanila.

Tinignan ako ng masama ni Katniss at sinimangutan naman ako ni Caleesha at humiwalay sa akin.

“Bakit hindi pumasok si Aloney? Anong ginawa mo sa kanya kahapon?” sabay na tanong ng kambal at pareho pang nakataas ang kilay sa akin.

Are they serious? Anong gagawin ko sa weirdong iyon?

‘Nag usap na kaya sila? Anong sabi kaya ni Kuya sa hairstyle ni Aloney?’ Caleesha.

‘Ano kayang ginawa ni Kuya kahapon at mukhang dahil doon kaya hindi pumasok si Aloney?’ Katniss.'

Binasa ko kung ano ang nasa isip nila dahil parang nakagawa ako ng malaking kasalanan kung makatingin silang dalawa sa akin.

Tss. Dahil doon kaya hindi siya pumasok? Tss.


Aloney POV

Linggo.

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong mag usap kami ni Grim Reaper. Sa loob ng dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kung hindi magkulong sa kwarto ko.

Napagpasyahan ko ding wag nang pumasok noong Friday at dinahilan ko na lang kay mama na masakit ang ulo ko.Totoong masakit ang ulo ko pero bukod doon ay ayoko munang makita si Royce. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.

Sa loob ng dalawang araw na iyon ay mga text lang ng kambal at ni Vicente ang narereceived ko na puro pangungumusta. Hindi ko pa kasi sinabi sa kanila ang nangyari.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon