CHAPTER 3:

673 37 3
                                    

            Dedicated bipoblogger

CHAPTER 3

Nandito ako ngayon sa Garden dahil lunch break na. Minsan bumibili lang ako ng pagkain sa canteen pero madalas ay nagbabaon na lang ako kaya dito na ako madalas kumain.
Matapos ang nangyari kahapon ay  umuwi na ako dahil wala naman akong dalang extrang uniform.
Kinuha ko ang sandwich na binili ko at kinagat iyon. Sunod sunod ang naging subo ko dahil sa nagugutom na ako.

“Hey! Weirdo!”

*cough* cough* cough* sunod sunod akong napaubo dahil sa gulat.

‘Ano na naman ba ang ginagawa ng Grim reaper na ito dito? Sinusundan niya ba talaga ako?’

“Tss. Wag kang assumera! Dito lang ang nakita kong lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng mga estudyante.” wika niya at inabot sa akin ang bote ng tubig.

Kinuha ko naman iyon at ininom. Nang makabawi ako ay tinignan ko siya ng masama.

“Why?” bored na tanong niya.

Obvious bang dahil sa kanya nabulunan ako? Pa why, why pa siyang nalalaman.

Inirapan ko siya at napatingin sa boteng hawak ko.

‘Teka-- bakit konti na lang ang laman ng bote? Ininom ko ba lahat ng tubig?’

“Tss nainuman ko na yan.” bale walang wika ni Grim Reaper at tumabi ng upo sa akin.

“Huh?!” gulat na naiusal ko.

Tumingin ako sa bote pagkatapos ay sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko.

‘Oh my gracious God! Nag indirect kiss ba kami? Waaaahhhh.’

“Tsk. Pwede ba Weirdo wag kung ano ano ang iniisip mo. Baka nakakalimutan mo nababasa ko ang nasa isip mo.” sabi niya at humarap sa akin at kinuha ang boteng konti nalang ang laman at nilagok iyon.

Napapalunok ako habang nakatingin sa kanya na iniinom ang laman ng bote. Parang wala lang sa kanya ang indirect kiss namin.

‘Huhu  my gracious God bakit ba ayaw akong tantanan ni Kamatayan? Kinuha na nga niya ang first kiss ko nakipag indirect kiss pa siya sa akin! Ano bang ginawa ko sa past life ko at parang pinaparusahan ako ng kadiliman!’

Umusog ako palayo sa kanya at tinignan siya ng masama.

“Huwag mo akong panlisikan ng mata. Nakakatakot.”  wika niya at nilingon ako ng konti bago nginisian.

“Bakit ba nandito ka?”

“Sinagot ko na kanina pa yang tanong mo.” walang pakialam na sabi niya at inihagis ang bote sa Basurahan.

“Shoot!” Grim Reaper.

‘Bakit ba kasi dito niya pa naisipang pumunta? Wala na ngang privacy ang utak ko pati ba naman sa lugar mawawalan din ako ng privacy?’

“Tss. Pwede bang manahimik ka kahit saglit lang? Ang dami mong side comment sa utak mo nabibingi na ako dahil sayo.” sabi niya at sumandal sa puno bago pumikit.

Napabuntong hininga nalang ako at tinapos ang pagkain ko. Gusto ko pa sanang kausapin ang utak ko kaya lang ay baka sabihin niya na hindi ako makaintindi. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko nalang ang earphone sa bag ko at magmumusic na lang ako kahit labag sa loob ko.

Dahil kakaconcert lang naman ni Celine Dion dito sa pilipinas kaya kanta na lang niya ang pinili ko. Sinuot ko na ang earphone at sumandal din sa may puno.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon