Chapter 19

360 23 0
                                    

(Flashback sa nangyari noong pagkatapos mareject ni Aloney. Per scene ito.)

ROYCE POV

“I-I c-can’t because I already f-fall for y-you.” mahinang wika niya habang nagpipigil na mapahikbi.

“You fall for me? Pwes kalimutan mo na yan. Wala kang aasahan sa akin. I cant fall for you and I will never fall for someone like you.”  Parang balewala lang na wika ko kahit na sa loob loob ko ay  gusto ko siyang yakapin at sabihin na gusto ko rin siya.

I know she's hurting pero mas masasaktan lang siya kapag nalaman niya ang tungkol sa katotohanan.

“Kalimutan mo na lang ako. Move on and find another man to love.”

While saying those words, I want to cry. Those words are like knives that slowly killing me. Isipin pa lang na may iba na siyang magugustuhan ay parang gusto ko nang magwala. Parang sinasakal ang puso ko dahil sa sakit.

“Sana nga kasing bilis ng pagkahulog ko sayo ang pag momove on para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero hindi e, dahil kung gaano kita kabilis minahal ganon naman kahirap na alisin ka sa puso ko.”

Sana nga ganon nalang kabilis para hindi na din ako masaktan ng ganito.

“Just leave me alone. Masasaktan ka lang.” I said and left her in agony.

I left her because I dont know if I can control my emotions anymore. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ba ang kagustuhan kong yakapin siya.

I dont want to walk away from her but if its the only way to keep her from hurting, then be it.

******

Pagkatapos kong iwanan si Aloney ay pumunta na ako sa bahay ko. Yes I have my own house. Mula nang umalis ako sa bahay ni Tanda ay dito na ako nanirahan.

Pumunta ako sa likod ng bahay at doon nanigarilyo. Nakatingin lang ako sa kawalan habang inaalala ang mukha ni Aloney kanina.

"Fuck!" sigaw ko ng hindi ko na matiis ang galit na narardaman ko.

Galit ako dahil napaiyak ko si Aloney. Galit ako dahil hindi siya pwedeng maging akin. At higit sa lahat ay galit ako sa sarili ko dahil anak ako ng taong pumatay sa ina ni Aloney!

I am fucking mad!

"Royce."

Hindi ko nilingon si Diego na tumawag sa akin. Hindi na ako magtataka na nakapasok siya sa bahay ko. Meron siyang sariling susi dito dahil hati kami sa bahay na ito.

Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Inalok niya ang isa sa dalawang kopita na hawak niya kaya kinuha ko iyon.

"Anong problema?" tanong niya at bahagyang sumimsim sa kanyang wine.

Hindi ko siya kinibo at nagpatuloy sa pag hithit sa sigarilyo ko. "I think I knew it. Its about that girl right?" tanong niya ulit kaya napalingon na ako sa kanya.

Nakatingin siya sa kawalan at bahagya pang iniikot ikot ang kopita na hawak niya para mahalo ang wine.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at yumuko. "I love her." wala sa sariling wika ko.

Naramdaman ko ang pagluluha ng mga mata ko kaya mabilis kong kinusot iyon gamit ang kamay ko.

Muli akong umayos ng upo at humithit ng sigarilyo.

"And that is the problem?"

Dito ako nabibilib kay Diego. Sa loob ng 15 years naming pagkakaibigan ay alam niya kung kailan ako may problema. He is my best buddy and also a brother to me.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon