Chapter 26:

265 15 0
                                    

CHAPTER 26

Aloney POV

Kanina ko pa hinihintay si Grim Reaper dito sa may waiting shed malapit sa university. Malakas kasi ang ulan at sinabihan niya ako na mag-hintay muna dito at may kukunin lang daw siya.

Limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa din siya. Lumalakas na din ang ulan at may iilan na din akong kasama na dito na rin nagpapatila. Nababasa na din ang damit ko dahil sa ihip ng hangin na tumatama sa akin na may kasamang ulan.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. Pinunasan ko ang screen gamit ang panyo ko dahil nabasa din ito.

Grim Reaper

Nasaan ka na?

Sent

Tumingin ako kaliwat kanan upang tignan kung paparating na ba si Grim Reaper. Napa buntong hininga nalang ako dahil hindi ko pa rin siya matanaw.

“Aloney?”

Napalingon ako sa  likod ng biglang may tumawag sa akin.

“Aloney right?” tanong niya muli.

Napatango na lang ako kay Fhiarra. Oo si Fhiarra ang nasa likod ko. Basa na din ang damit niya pero hindi kagaya ko na basang basa lalo na at uniform ang suot ko. Nakacivilian pa kasi siya dahil first week niya palang sa university.

Ngumiti siya at tumabi sa akin. “Bakit mag isa ka lang? Where are your friends? Also Royce?”

Lihim na napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. ‘Bakit pati si Royce tinatanong niya? Maka Royce pa naman siya parang close sila. Close teh?’

“Mamaya pa ang uwian nina Caleesha.” sagot ko at binalewala ang huling tanong niya.

‘Ako nga hindi alam kung saang lupalop nagpunta si Royce eh.’

Feeling ko ang sama sama ko na dahil pinag iisipan ko siya ng masama pero ewan ko ba may pakiramdam kasi ako na may tinatago siyang masamang ugali.

‘Well pakiramdam ko lang naman yon. I shouldn’t make any judgement.’ Hoo! English!

“I see. Diba kayo din ang nakita ko sa mall the other day? Destiny really works well. Biruin mo pinagtapo ulit kami ni Royce noong isang araw. I cant believe it! Pinagtatagpo talaga ang mga landas namin!” Bulalas niya kaya hindi ko na napigilang magtaas ng kilay.

Inalis niya ang malaki niyang salamin at pinunasan iyon gamit ang panyo niya.

Pa destiny destiny pa siya! Hindi ba niya napansin ang couple shirt na suot namin noon ni Grim Reaper?! Sa laki ng salamin niya sa mata hindi niya pa napansin yon?!

“Destiny? Sapalagay ko hindi destiny yon.” sagot ko sa kanya.

“What do you mean?” tanong niya at hindi na muling ibinalik ang kanyang salamin sa kanyang mga mata.

“What I mean is-”

“I told you! Destiny really works for me and Royce!” bulalas niya habang nakatanaw sa lalaking ngayon ay kakababa lang ng sasakyan at may hawak na payong.

‘What I mean is hindi destiny iyon. Ang tawag doon ay assumera na feelingera! Lantod! Boyfriend ko yan uy!’

Napakunot ang noo ko sa sasakyang nilabasan niya. ‘Saan naman niya nakuha ang kotseng gamit niya?’

Sports car ito na kulay pula. Mukha palang ay mamahalin na. ‘I wonder kung saan na naman dumekwat ng sasakyan ang Grim Reaper na ito.’

Lagi nalang niya akong ginugulat sa mga pasabog niya. Baka mamaya ay anak na pala ito ng Presidente ng pilipinas!

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon