Chapter 11:

390 31 3
                                    

Dedicated to Saschiaaa

Aloney POV

Nalate akong nagising ngayon dahil napuyat ako sa paulit ulit na kakatitig sa mga text message ni Grim Reaper. Kahit mga walang kwenta ang mga text niya ay hindi ko parin maiwasang hindi mapangiti kapag binabasa ko iyon.

Adik na nga ata ako dahil pati password sa cellphone ko ay pinalitan ko. Dati ang password ko ay Aloney123 ngayon ay alam niyo kung ano ang pinalit ko?

hehe..

GrimReaper143

Hihi.. Para akong tanga kapag naiisip ko iyon. Kulang nalang ay maglupasay ako sa sobrang kilig dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko talaga iniexpect na dadalhan niya ako ng gamot. Kaya ang kilig ko ay umabot hanggang sa 10 th level. Para na rin akong nanalo sa lotto haha.

Hanggang ngayon ay wala pa ako sa sarili ko. Five minutes na lang at mag iistart na ang klase pero heto ako at parang lutang na naglalakad habang nakayuko upang matakpan ang ngiti sa mga labi ko. Para pa akong baliw na inikot ikot ang ilang hibla ng buhok ko.

Ano bang magagawa ko e kinikilig talaga ako.

Napahinto ako sa paglalakad nang may pares ng paa ang humarang sa daraanan ko. Napaangat ako ng tingin upang makita kung sino iyon. Akala ko maganda na ang araw ko pero mukhang may espasol na sisira nito.

Si Abby. Ang kasama kahapon ni Angelica sa pambubully sa akin.

Tinignan ko siya at akmang lalagpasan nang bigla niyang higitin ang braso ko.

"Matapang ka na ba Sadako?" bulyaw niya sa akin at marahas akong iniharap sa kanya.

'Lalagpasan lang siya matapang na agad? Hindi ba pwedeng ayoko lang siyang kausap? O kaya naman ay umiiwas lang ako sa gulo?'

Napabuntong hininga nalang ako at  hinarap na lang siya. "Ano na naman bang kailangan mo?" sumusukong tanong ko sa kanya.

"Hoy!Hindi porket may nagtanggol sayo kahapon ay may magtatangol ulit sayo ngayon! Intayin mo ang mga pulis sadako! Baka hindi mo alam, nireport na ka namin kasama ang lalaking may dalang baril kahapon! Tignan lang natin kung makakalusot ka pa ngayon!" tuloy tuloy na wika niya at nameywang pa sa harapan ko.

Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Ano daw pulis? Bakit kami ang ipapapulis? kung tutuusin ay dapat ako pa ang magreklamo dahil sa ginawa nila sa akin.

"Bakit kami ang ipapapulis mo? Nasisiraan ka na ba ng utak? Kayo ang nagsimula ng pananakit sa akin kahapon at ni dulo ng daliri namin ay hindi dumampi sa balat niyo tapos ikaw pa ang may ganang ipapulis kami?" Hindi ko napigilang isaad.

Naiinis ako dahil pati si Royce ay madadamay sa pangbubully sa akin. Naiinis ako dahil sila ang may kasalanan pero kami ang gusto nilang pagdusahin. Ano ba ang trip nila sa buhay?

"You bitch! Kami pa ang may kasalanan?! Tinutukan kami ng baril ng kasama mo! Dapat lang na makulong kayo! I'm sure illegal ang baril na dala niya kaya intayin niyo ang mga pulis para mahuli kayo!"

Alam ko na wala kami sa teleserye at normal lang na matakot ang kahit sino lalo pa at kung tutukan sila ng baril pero tanga ba siya? Siyempre sila ang may kasalanan kaya nangyari iyon. At ano ang sinasabi niyang baril?Yung water gun?

"Edi hintayin natin ang mga pulis na sinasabi mo at tignan natin kung sino talaga ang dapat makulong!" sabi ko at nilagpasan siya ngunit sadya talagang makulit ang nasa harap ko at muli na naman niyang hinigit ang braso ko.

"Bitch! Huwag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita! Magpasalamat ka nga sa amin at kami lang ang nagtyatyagang kausapin ka!"

Oo sila lang ang kumakausap sa akin pero lahat naman ng sinasabi nila ay mga walang kwentang bagay.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon