Chapter 30

249 7 0
                                    


Aloney POV


Kanina pa ako yuko ng yuko dito habang ang tatlong kasama ko ay kanina pa sigaw ng sigaw.

Paano ba naman kapag nakakasagot si Grim Reaper ay todo ang ginagawang pagsigaw nina Vicente kaya nakakaagaw talaga kami ng pansin. Kanina pa nagsisimula ang IQ test at nakakalamang si Grim Reaper sa mga kalaban niya. Kapag nagtuloy tuloy ito ay siya na ang magiging official Representative ng University para sa IQ Challenge.

Masama na rin ang tingin sa amin ng mga kaklase nila dahil instead na kaklase nina vicente ang chinicheer nila ay pangalan ni Grim Reaper ang sinisigaw nila.

“The United states animal is a bald eagle but in this context, “Bald” doesn’t mean “Hairless”. The “Bald” part of the bird’s name comes from an old English word meaning what? You have one minute to answer the question.” tanong ng emcee sa mga naglalaban.

Nakakabilib nga si Grim Reaper e. Ang mga tanong kasi na tinatanong sa kanila ay kahit ako ay hindi nasasagot.

Naalala ko tuloy ang deal namin kanina ni Grim Reaper.


Flashback

Lumapit sa akin si Royce at bumulong. “I want to kiss you. Pero maraming tao. Later babe.” sabi niya at ramdam ko pa ang pagdampi ng labi niya sa tenga ko.

‘oh my holy gracious God. Sinusumpong na naman ng kamanyakan ang grim reaper na ito!’

“Tss. Talking to yourself babe. Mas manyak ka.” tumatawang sabi nito kaya napairap ako sa kanya.

“Abnormal. Tara na nga sa gym.” pag iwas ko.

Pakiramdam ko ay pulang pula ang mga pisngi ko dahil sa kanya. Kailangan ba talagang sabihin na gusto niya akong halikan? Hindi naman pagshoot ng bola ang paghalik. Hindi yon pinagiisipan at pinaghahandaan. Timing yon.

“Tss. Namumuro ka na Weirdo.” nakakunot noong sabi niya kaya napatakip ako sa bibig ko.

“Hehe. Sorry hindi na kita tatawaging abnormal. Abnoy na lang.” sabi ko sa kanya at nagpeace sign bago siya lagpasan.

‘Hehe asar talo.’

Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay hinila na niya ang braso ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

Pasimple ko siyang tinulak  pero hindi siya nagpatinag kaya tumingin ako sa mga estudyante na nasa paligid. May iilang nakatingin sa amin at ang iilan naman ay walang pakialam.

“Hoy! Grim Reaper bitawan mo nga ako. Ang daming tao oh.” bulong ko sa kanya at yumuko.

“Tss. Kinahihiya mo ba ako?” busangot na tanong niya.

‘Kinahihiya ko daw siya? Sa gwapo niyang yan kinahihiya ko siya?Hindi ah!’

“Mas maganda na ang malinaw weirdo.” sabi niya. Hindi na nakabusangot ang mukha niya bagkus ay nakangisi na siya sa akin.

Napatampal ako sa noo ko dahil sa naisip ko. Yeah right! Nababasa nga pala niya ang nasa isip ko huhu.

“Tse! Tara na kasi.”

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero nilipat niya lang iyon sa kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

“Later after we made a Deal.”

“Deal?”

“Yep. Kapag nanalo ako mamaya kiss me three times.” bulong niya ulit sa tenga ko.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon