Chapter 12:

393 23 5
                                    

Dedicated to A_T_H_E_A

Aloney POV

"Fuck off the two of you! Ang ingay niyo!"

Sabay sabay kaming napalingon dahil sa boses na iyon.

Bakit siya nandito?

"Grim Reaper?! / Kuya?!" Ako/Kambal.

Napatingin ako sa kambal dahil sa sigaw din nila.

"Kuya?! /Grim Reaper?!" Ako/ Kambal.

Muli ay sabay naming bulalas nina Kambal kaya maging si Vicente ay nagpalipat lipat ng tingin sa amin habang si Grim Reaper ay iritang nakatingin lang sa amin.

"Geh kayo na ng duet! Yung totoo mga bakla?" Vicente.

"Tss. Katniss order me some food too." Utos ni Grim Reaper at hinila na ako papunta sa isang mesa.

“Bakit nandito ka?” takang tanong ko sa kanya habang hila niya ako.

Geh hilain mo lang ako, Yun naman talaga ang role ko sa istoryang ito e. (Insert sarcasm)

Iilan lang ang tao dito sa Canteen dahil oras na ng pasok. Hindi ko nga alam bakit nandito si Grim Reaper e may pasok kami ngayong umaga.

“You, why are you here?” balik tanong din niya sa akin.

“Diba ako ang naunang mag tanong? Sagutin mo muna ako.” sabi ko.

Huminto siya at nilingon ako.

“Bakit? Nanliligaw ka ba?” nakangising tanong niya na ikinalaglag ng panga ko.
Naiiling na nauna na siyang naglakad papunta sa mesa kaya nang makabawi ako ay mabilis na akong sumunod sa kanya. Pero kinilig ako don, konti lang.

"Kuya! Bakit kilala mo si Aloney?" Tanong ni Caleesha na sumunod pala sa amin.

"We're classmates." tipid na wika ko at naupo na. Ako na ang sumagot dahil mukhang walang balak sumagot si Grim Reaper. "Kayo? Bakit kuya ang tawag niyo kay Gri- Royce?"

"We're cousins. His father and our Mother were siblings." sagot ni Katniss na dumating na kasunod si Vicente na may hawak na tray ng pagkain.

"I see, nag enroll ka nga pala ulit kuya. Pero teka bakit Grim Reaper ang tawag mo kay Kuya?" sabi ni Caleesha at hindi pinansin ang pagdating ng kambal niya at bumaling sa akin.

"Ah kasi mukha siyang Grim Reaper noong unang kita ko sa kanya. Naka all black kasi siya."
Tinawanan lang nila ako dahil sa sagot ko.

Sasabihin ko sana na dahil nababasa niya ang nasa isip ko kaya napagkamalan ko siya pero naalala ko ang sinabi ni Grim Reaper na ako lang ang nakakaalam na mind reader siya.

"Kung lahat ng Grim Reaper ay gwapo baka maubos ang mga buhay sa mundo dahil lahat sasama lalo na kung ganyan kagwapo ang susundo sa mga namatay na hihi" kinikilig na wika ni Vicente.

Pero hindi ko pinansin dahil lutang ang isip ko.

'Hihi Special kasi ako kaya ako lang ang may alam ng sikreto niya.' sa isip ko kaya napangiti ako.

"Wag ka. Lahi kasi kami ng magaganda at gwapo." proud na wika naman ni Caleesha.

"Tss. Special Child." tinignan ko ng masama si Grim Reaper dahil sa sinabi niya. Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya. Nakalimutan ko na naman ang ability niya. Asar.

"Ano yon kuya?" tanong ni Caleesha na narinig din ang sinabi ni Grim Reaper.

"Tss. Special Child ka." sagot niya na ikinatawa namin nina katniss at Vicente.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon