CHAPTER 36

259 8 1
                                    

CHAPTER 36

Limang araw. Limang araw na ang nakalipas noong huling kita ko kay Royce. Hindi na siya pumapasok. Alam na ng lahat kung sino siya, madalas ngayon ay tinatanong nila sa akin kung nasaan siya pero hindi ko sinasagot at iniiwasan lang.

Hindi na gaya ng dati na madalas akong tuksuhin at tawaging sadako. Ngayon ay wala ng nang aaway sa akin. Si angelica? Lumipat na ng school kasama ang mga alipores niya. Si Fhiarra din ay hindi na dito nag aaral.

Alam ko na bago niya ako iwanan ay inayos na niya lahat dito sa University. Alam ko na siya ang dahilan kaya lumipat sina Angelica at Fhiarra.

Sina Caleesha naman ay hindi ko na madalas makasama dahil iniiwasan ko sila. Wala silang kasalanan sa akin pero ayoko muna silang makasama sa ngayon dahil naaalala ko si Royce.

Hindi na ako sa garden kumakain dahil mas ginugugol ko ang oras ko sa pagbabasa sa room namin. Bahay school ulit ang routine ko.

Kagaya ngayon nandito na naman ako sa Room at magisa dito habang nagbabasa.

Napaangat ang tingin ko ng may tumikhim sa harap ko.

Bigla akong napatayo. “M-Mr De Montfort.” naiusal ko.

Ngumiti siya sa akin at tinignan ako ng matiim. “Kamukhang kamukha ka ng Nanay mo.”

Muling nanubig ang mga mata ko pagkabanggit niya sa nanay ko. Mukhang nasabi na sa kanya ni Royce na alam ko na ang lahat. Tumikhim ako at pilit na ngumiti. “Bakit po kayo nandito?”

“Iimbitahan sana kita sa bahay ko.” wika niya at inilahad ang kamay niya sa akin.

“Bakit po?”

“Gusto kong makita mo ang Mama mo.” sagot niya kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanya.

***

“She’s your mother. Franceska Taquines.” panimula niya habang nakatingin ako sa picture na inabot niya sa akin.

Masasabi kong siya nga ang nanay ko dahil para kaming pinagbiyak na bunga.

Nandito kami ngayon sa Library ng bahay nila.

Kanina habang papasok kami ay kita ko ang karangyaan ng buong bahay. Mula gamit nila ay nagsusumigaw ng karangyaan. Para akong nasa isang palasyo. Kung maganda na ang bahay ni Royce ay mas maganda at mas malaki ang bahay na ito.

“Ang sabi ni Royce sa akin ay Fine arts ang kinuha mo.” aniya at umupo sa kanyang swivel chair.

Tumango naman ako.

“Ang Mama mo ay magaling sa Arts. Fine arts din ang kinuha niya at marami na siyang naipinta pero hindi niya pinagbili ang mga ito. Gusto mo bang makita?”

“Pwede po ba?”

“Always. Anak ka ni Franceska at karapatan mong makita ang mga gawa niya. Tara na.” sabi niya at lumabas kami sa library.

Napakunot ang noo ko nang makasalubong namin si Veronica.

‘Anong ginagawa niya dito?’

“Hi.” bati niya sa amin at kumapit sa braso ni Mr. De Montfort kaya napatingin ako sa matanda.

“She’s my sec-”

“I’m his wife.” putol niya sa sasabihin ng matanda kaya nagulat ako.

“Veronica!” suway ng matanda at inalis ang pagkakakapit ni Veronica sa kanyang braso.

“Why? Totoo naman diba?” pa inosenteng sabi ni Veronica at pinagtaasan pa ng kilay si Mr. Demontfort.

“Shut up. Tayo na Aloney.”baling niya kay Veronica bago niya ako muling inakay patungo sa isang kwarto.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon