Chapter 10:

455 32 11
                                    

Dedicated to KyeoptangWens

Aloney POV

‘Grim Reaper.’

Unti unti kong iniangat ang tingin ko at lumingon kaya nagsalubong ang mga mata namin ni Grim Reaper na papalapit na ngayon sa akin. Para bang slow motion ang ginagawa niyang paghakbang. At bawat hakbang niya ay nadidinig ko ang pagtambol ng puso ko.

Para bang anumang oras ay makakalabas ang puso ko dahil sa tindi ng pagwawala nito.

Nang makalapit siya sa akin ay lumuhod siya at tinignan ako sa mata ngunit umiwas ako. Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakakawawang tao lalo na at siya ang makakakita sa akin sa ganitong sitwasyon.

Hinawakan niya ang baba ko at muli akong tinignan sa mata. Iiwas pa sana ako ngunit hindi niya pinayagan na makaiwas ako.

Wala akong mabasang emosyon sa mata niya. Blangko lang siyang nakatingin sa akin. Partikular sa mata ko na ngayon ay namumula at daig pa ang may sore eyes.

“Who are you?!” nagtatakang tanong ni Angelica ngunit hindi siya pinansin nito.

“Are you okay?” tanong niya matapos ang mahabang sandali.

“Y-Yes.” sagot ko.

I am okay because you are here. I am okay compared earlier because you’re already here.

“Well I am not okay.” sabi niya na ikinagulat ko, lalo na noong tumayo siya at hinarap sina  Demonica.

Isa isa niyang tinignan ang mga alipores ni Demonica bago natuon ang pansin niya sa babae.

“Who the hell are you?!” tanong muli ni Angelica kay Grim Reaper na nakapamulsa ngayon sa harap niya.

Nakita ko ang pag ngisi ni Grim Reaper bago niya sinagot si Angelica. “I am a person you can’t mess with.”

“Are you trying to make me laugh?” natatawang tanong ni Angelica na pinagtaasan pa ng kilay si Grim Reaper.

Tumawa naman si Grim Reaper na lalong ikinainis ng itsura ni Angelica. “No I’m not but I’m trying to scare you. But I’ll a sure you kapag tinotoo ko ang pananakot sayo ay magsisisi ka.” seryosong wika niya na nagbigay ng kilabot sa akin.

Ang tono ng boses niya ay nakakatakot.

Napaatras si Angelica at ang mga alipores niya nang maglabas  siya ng baril at itinutok iyon sa kanila.

‘Baril?’

Parang lalong kumabog ang dibdib ko. Nangatal ang mga kamay ko at napaatras sa gulat.

‘Bakit may baril siya.?’

“Oh my gosh! Ayoko pang mamatay.”

“Me too! I’m so bata pa kaya! Wahhh!!”

“OMG!! Mommy!”

Hiyawan ng mga alipores ni Angelica na tinignan niya lang ng masama.

“Try messing again with her and you’re all dead.” huling sabi ni Grim Reaper bago kumaripas ng takbo ang mga alipores ni Angelica dahil sa takot. Habang ang huli ay masamang nag palipat lipat ang tingin kay Grim Reaper at sa akin ngunit kakabakasan din ng takot.

“Swerte ka lang ngayon Sadako. Sa susunod sisiguraduhin ko na hindi lang yan ang aabutin mo.” wika ni Angelica at binigyan ako ng nakakamatay na tingin.

“Kung may susunod pa.” wika naman ni Grim Reaper.

Hindi siya pinansin ni Angelica at tuluyan na siyang umatras palayo sa amin.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon