Chapter 20:

380 21 0
                                    

Aloney POV


“GRIM REAPER?!”  gulat na gulat na sigaw ko habang nakatingin sa kanya na umiilag sa pag hampas ni Mama.

Napabalikwas ako ng bangon kanina dahil sa ingay na narinig ko sa baba. Dali dali akong bumaba at tinignan kung anong meron doon. At ang nabungaran ko ay si Mama habang pinapalo ng sandok si Grim Reaper.

“Ah—ray!” sigaw ni Grim Reaper ng matamaan siya ng sandok ni Mama sa braso.

“Ikaw na bata ka! Ano bang pinagsasabi mo ha?! Anong ligaw ligaw ka diyan? Sa tanda kong ito liligawan mo pa ako?!” sigaw ni Mama at hindi man lang inintindi ang pagsigaw ko.

Mabilis akong bumaba at pinigilan si Mama. “Ma, Tama na.” sabi ko at pilit na kinukuha sa kanya ang sandok.

Tumigil naman siya at nameywang sa harap namin ni Grim Reaper. Napalingon ako sa katabi kong si Grim Reaper na hindi maipinta ang mukha habang himas-himas ang braso niyang napalo ng sandok ni Mama.

“Nag aadik ka sigurong bata ka at kung ano ano ang pinagsasabi mo! Alam ko maganda parin ako kahit matanda na pero  may asawa na ako! Pinapahigh blood mo ako! Umalis ka dito!” sigaw ni Mama at akmang hahampasin niya ulit ng sandok si Grim Reaper pero mabilis na nakailag ang huli.

“I’m sorry Mam. Mali po kayo ng intindi-.”

“ANO?! Ako pa ngayon ang mali ng intindi? Ang sabi mo kanina ay liligawan mo ako?!”

“Opo pero hindi niyo naman ako pinatapos. Ang ibig kong sabihin, liligawan ko po kayo para mapapayag kayo na maging kami ng anak niyo.” Nakasimangot na sabi ni Grim Reaper kaya napatawa na lang ako ngunit mabilis din akong tumahimik ng samaan niya ako ng tingin.

“Ha? Yun ba yon?” tila nag iisip na sabi ni Mama at ngayon ay mukhang kalmado na. “Bakit kasi may pa english english ka pa? Pwede mo namang diretsuhin ng tagalog para mabilis yan tuloy napalo kita.” Nakangiti ng wika ni Mama at lumapit pa kay Royce para tignan ang braso nito.
Pagpasensyahan na natin ang Mama ko minsan kasi may pag ka OA yan hehe.

Napakamot nalang ako ng ulo dahil kay mama.

“I’m alright Mam.”

“Sorry Hijo, nadala lang ako ng emosyon.” Sabi ni Mama at Hinampas pa ng pabiro ang braso ni Royce.

Kanina parang tigre siya na mangangain ng tao tapos ngayon parang pusa siya na kinikiliti.

Akala ko ay okay na pero biglang tumahimik ulit si Mama at “ANO? KAYO NI ALONEY?”

Okay! Late reaction! Kanino pa ba ako magmamana? Like mother like daughter kasi!

“Yes Mam. I want to have your permission to court Aloney.”

“ANO?!” Sigaw ulit ni Mama kaya napangiwi na lang ako. Kailangan Ma ulit ulitin ang ANO? Yung totoo?

Gusto ko mang sumabat sa usapan nila ay mas pinili ko nalang manahimik. Baka kasi ako pa ang mapalo ng sandok. Sakit kaya non.

“I want to have your-” Naputol ang sasabihin ni Grim Reaper dahil mabilis na sumabat si Mama.

“Naintindihan ko. Gusto ko lang ulit ulitin para intense hahaha.” Parang tanga na sabi ni Mama at humalakhak pa.

Napanguso na lang ako. “Ma-.”

“Okay lang hijo! Ok na ok! Kahit hindi ka na nagpaalam. Magluluto pa ako maiwan ko muna kayo.” sabi ni Mama at hindi ako pinansin. Tumalikod na siya sa amin ni Royce at pumunta ulit sa kusina habang malawak ang ngiti.

Ganon lang yon? Hindi man lang niya ako sisitain? Pagsasabihan?
Napailing na lang ako.

Napatingin ako kay Royce na hindi parin maipinta ang mukha. “Bakit ang aga mo?” tanong ko sa kanya at hinila siya paupo sa sofa.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon