Chapter 33

202 7 0
                                    

Aloney POV


Marami ng tao sa DMU nang makarating ako. Ngayon na kasi ang IQ Challenge kaya nandito rin ang mga estudyante sa iba pang University bilang pagpapakita ng suporta sa mga pambato nila.

May ibat ibang grupo ng estudyante akong nakikita na nagkukwentuhan sa hallway. Ang iba ay pinag uusapan ang tungkol sa IQ challenge ang iba naman ay nagkukwentuhan ng tungkol sa kung gaano kagaling ang school nila.

“Yes I knew him. Nakita ko siya kanina. Ang gwapo niya.”

“Sinabi mo pa girl. Siya ata ang representative ng DMU sa IQ challenge.”

Parang nanlaki ang tenga niya noong marinig niyang pinag uusapan si Royce ng isang grupo ng mga babae.

“Yeah. I wonder kung may girlfriend na siya ang gwapo niya kasi talaga.” kinikilig pang wika ng isang babae kaya napairap na lang ako.

‘May girlfriend na siya kaya wag ka ng magpantasya. Masasaktan ka lang.” sa isip ko at binilisan na ang paglalakad.

Matapos ang pa birthday nila sa akin noong linggo ay pare-pareho kaming hindi pumasok kinabukasan dahil napagod kaming lahat pero lamang ang enjoyment na nararamdaman namin.

Medyo nangitim lang kami ng konti dahil nagbabad talaga kami sa sikat ng araw. Nag overnight pa kami doon kaya hindi talaga kami nakapasok noong lunes. May hang over pa kami sa beach.

Napahinto ako sa paglalakad nang may pares ng paa ang humarang sa akin kaya napatingala ako.

May matangkad na babaeng nasa harap ko. Maputi , mahaba ang kulot na medyo brown ang buhok at posturang postura.

“Are you Aloney?” tanong niya sa akin kaya napatango naman ako.

“I need to talk to you.” sabi niya at una ng tumalikod at naglakad paalis.

Hindi ko alam kung sino siya kaya nag aalangan ako kung susunod ba o hindi pero sa bandang huli ay sumunod na din ako sa kanya.

Pagdating namin sa may gilid ng university ay hinarap niya ako. Humalukipkip siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

“Sino ka? Bakit kilala mo ako?” takang tanong ko sa kanya.

“I’m Veronica Ramirez Ex-girlfriend of Royce.” aniya kaya nagulat ako.

Naaalala ko siya. Siya ang tumawag kay Royce noon at nagbanggit ng pangalang ayesha pero bakit gusto niya akong kausapin?

Mukhang nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya muli siyang nagsalita.

“I’ve learned na ikaw ang bagong Girlfriend ni Royce.” wika niya kaya tumango ako. “Do you really know who Royce is? How about yourself? Do you know who you are?”

Oo nga kilala ko ba si Royce? Kilala ko ba talaga siya? Pero ano ang ibig niyang sabihin na kilala ko ba ang sarili ko?

Hindi ko alam kung ano ang nais niyang sabihin pero sa tono ng boses niya ay masama na ang gusto niyang iparating. “Ano bang gusto mong sabihin?”

“Royce is the Son of Mr. William De Montfort. He is the sole heir of De Montfort Group of Companies.” sabi niya na talagang kinagulat ko.

Kaya ba maganda ang bahay niya? May sports car siya at marami siyang card sa wallet niya? Kaya ba malakas ang loob niya na sagutin si Mr. Nobles, ang guidance councilor at ang administrator?

Bakit? Bakit hindi sinabi ni Royce sa akin?

“Nagtataka ka siguro kung bakit ko sinasabi to ngayon sayo.” patuloy niya.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon