Chapter 37

181 8 0
                                    

Aloney POV


Matapos akong manggaling sa bahay ng mga De Montfort kahapon ay pinahatid nila ako . Ang sabi ni Mr. De Montfort ay ipapadala niya sa akin ang ibang painting ng totoong nanay ko.

Nalaman ko din sa kanya na nasa France pa ang Lolo ko pero alam na nito na nakita na ako.  Siya na lang daw ang natitirang kamag anak ko sa side ng Nanay ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Pooh at isinubsob ko ang mukha ko sa may tiyan niya.

‘I miss you Royce.’

“Anak.” wika ni Mama mula sa pinto  kaya napalingon ako sa kanya.

Alam na ni Mama na anak si Royce ni Mr. De Montfort. At alam na din niya na nakipaghiwalay sa akin si Royce.

“Kakain na.” wika niya at lumapit pa sa tabi ng kama ko.

“Wala akong gana Ma.” matamlay na sagot ko.

“Namimiss mo siya?” biglang tanong ni Mama kaya natigilan ako.

Masyado atang obvious na namimiss ko si Royce. Gusto ko na siyang makita at mayakap.

Napabuntong hininga si Mama at tinignan ako ng matiim. “Kung mahal mo siya huwag mo siyang sukuan. Desisyon niyo lagi kung sasaya ba kayo sa bandang huli. You can be selfish sometimes Anak. Importante ang nakaraan pero nasa kasalukuyan ka na.”

“Ano pong ibig niyong sabihin? Kalimutan namin ang nakaraan?”

Ngumiti muna si Mama bago niya ako sinagot. “Hindi. Huwag mong kalimutan ang nakaraan. Hanapin mo ang sagot dito sa kasalukuyan. Hindi ako naniniwala na si Dianna ang pumatay sa totoong M-Mama mo.” aniya kaya napaupo ako.

“A-Anong ibig mong sabihin Ma?” kinakabahang tanong ko.

“Malakas lang ang kutob ko na hindi magagawa ni Dianna ang pumatay ng tao lalo na at walang dahilan.” sagot niya kaya napaisip ako.

Kung ganon ay may malaking tsansa na hindi Mama ni Royce ang pumatay sa Mama ko?

*****

Isinara ko ang notebook ko at mabilis na tumayo. Kakatapos lang ng last subject namin sa araw na ito. Iniligpit ko ang mga gamit ko at mabilis na lumabas ng classroom.

Napahinto ako ng makita sina Caleesha na nag aabang sa akin sa labas ng room. Ilang araw na nila akong tinatangkang kausapin pero lagi akong umiiwas. Kahit mga tawag nila ay hindi ko sinasagot.

Hindi ako galit sa kanila. Ayoko lang silang madamay sa komplikadong buhay ko. I don’t want to burden them. Masyado silang masayahin para hawaan ko ng kasentihan. At isa pa ay pinsan nina Caleesha si Royce ayokong madamay sila sa kung anong meron kami ngayon.

“Can we talk?” tanong ni Katniss habang seryosong nakatingin sa akin.

Napalunok ako bago umiling. Not now. Hindi pa ako handang kausapin sila. Ayokong mag open ng problema sa kanila dahil ayoko silang madamay at ang naiisip ko lang na paraan para wag muna silang madamay ay layuan sila. Wala akong ginawa kung hindi bigyan sila ng problema.

“I’m sorry. Kailangan ko ng umuwi.” sagot ko at mabilis silang nilagpasan pero natigilan din ako dahil sa sinabi ni Vicente.

“Pwede mong sabihin sa amin ang lahat ng problema mo aloney. Were friends right? Dadamayan ka namin kahit ano pa yan.”

‘That’s why gusto ko munang lumayo sa inyo. Ayokong madamay kayo sa problema ko, namin. Masyado na kayong maraming ginawa para sa akin at ayokong maging pabigat sa inyo.’

“Uuwi na ako.” sabi ko at hindi na sila nilingon at mabilis na umalis.

Swerte ako at nagkaroon ako ng kaibigan na gaya nila. Tinanggap nila ako ng buong buo. Tinanggap nila ang kahinaan ko at kaweirduhan kaya nagpapasalamat ako na kaibigan ko sila.
Pero sa ngayon ay gusto ko munang sarilinin ang problema ko. Ayoko silang madamay.

*****

“anak may diniliver na painting dito kanina. Ang sabi ay para sayo daw iyon kaya nilagay ko sa loob ng kwarto mo.” bungad sa akin ni Mama pagkapasok ko ng bahay.

Tumango lang ako at pumanhik sa kwarto ko. Gaya ng inaasahan ko ang painting ng totoong Mama ko ang nandoon. Lumapit ako doon at tinitigan iyon.

“Totoo ba? Totoo bang ang Mama ni Royce ang pumatay sayo? Bakit? Ang dami kong tanong pero walang may alam ng sagot at kung meron man ay ikaw lang yon pero wala kana.” umiiyak na pagkausap ko sa may painting at hinaplos ang mukha ng Mama ko.

Kahit nakaside view siya ay maganda parin siya.

“Sana nandito ka pa. Sana ay may magbigay ng sagot sa mga tanong ko. Sana hindi na kami nahihirapan ni Royce ng ganito.”

Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko at tinitigan ang picture namin ni Royce doon.

Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak. Ang sakit kasi. Ang sakit kapag naghiwalay kayo ng taong mahal mo kahit na alam niyo sa sarili niyo na mahal niyo pa rin ang isat isa. Ang iba ay naghihiwalay dahil hindi na nila mahal ang isat-isa, ang iba naman ay dahil nagkakaroon ng third party at ang iba ay dahil hindi na nagkakasundo pero bakit kami naghiwalay kahit na mahal namin ang isat-isa? Bakit naghiwalay kami kahit na wala namang nagloko sa aming dalawa?

It’s unfair. Naiiinis ako, nagagalit ako pero higit sa lahat hindi ko alam kung paano papawiin ang lungkot sa puso ko. Noon kahit na mag isa lang ako ay hindi ako ganito kalaungkot. Pero ngayon ay parang sinasakal ang puso ko at bigla bigla na lang lumuluha ang mga mata ko.

“Anak gusto mo bang lumabas tayo?” tanong sa akin Mama mula sa pinto ng kwarto ko kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.

“Ayoko Ma. Dito lang ako sa bahay.” sabi ko at niyakap si Pooh.

“Puntahan mo na si Royce kung hindi mo na kaya. Nasasaktan ako na nakikita kitang ganyan. Tumatawag sina Caleesha sa akin at lagi ka nilang kinakamusta dahil hindi mo daw sila pinapansin.” wika niya kaya napabuntong hininga ako.

“Ayoko silang madamay sa problema ko Ma. Masyado ko na silang naaabala. Wala na akong ginawa kung hindi bigyan sila ng problema at-”

“Pero kaibigan mo sila. Sa tingin mo ba dahil sa pag iwas mo sa kanila ay masaya sila? Hindi anak kasi nag aalala sila para sayo. Mas lalo mo silang binibigyan ng isipin. Kausapin mo na sila at puntahan mo na si Royce.” wika niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

May parte sa akin na nagsasabing tama ang sinabi ni Mama pero may parte naman sa akin na ayaw maging pabigat sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam ang susundin ko. Nalilito na ako.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon