Chapter 25:

278 12 5
                                    

CHAPTER 25

Aloney POV

Pagkatapos magpakilala ni Fhiarra ay pinaupo na siya sa likod ni Royce. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang o talagang nakatitig siya kay Grim Reaper.

Napalingon ako kay Royce. Nakatuon ang paningin niya ngayon sa mga daliri ko habang hawak niya ang mga iyon.

Sana ay hindi niya na bitawan ang kamay ko para sa iba. Alam ko nagiging selfish ako ngayon pero ayoko ng may kaagaw sa kanya. Ayokong hinahawakan siya ng iba. At mas lalong ayokong bibititiwan niya ang kamay ko para sa ibang babae.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ang pakiramdam na may gusto akong protektahan at angkinin.

Sa buong buhay ko ay tinago ko ang sarili ko sa likod ng buhok ko. Pinagtawanan at kinatakutan ako ng iba pero wala akong pakialam sa kanila. Nanatili akong nakatago pero dumating siya. Dumating si Royce at siya mismo ang humawi ng buhok ko para makita ko ang dati ko na dapat makita.

Ipinakita niya sa akin kung ano ang dapat kong harapin. Ipinakita niya din sa akin na hindi ko kailangan magbago para matanggap ako ng ibang tao. Na may taong handa akong tanggapin sa kung sino ako even with my flaws. Ipinarealize niya sa akin na kailangan ko munang tanggapin ang sarili ko bago ako matanggap ng ibang tao.

Marami siyang ipinakita sa akin pero ni Minsan ay hindi niya sinabing magbago ako. Akala ko noon ay sasabihin niya na duwag ako dahil ayaw kong magpakita sa ibang tao pero hindi. Hindi niya sinabi yon bagkus ay sinabi niya na napakatapang ko upang ipakita talaga kung sino ako, kung ano ang kinatatakutan ko.

Kaya hindi niyo ako masisisi kung gusto kong protektahan at angkinin ang isang tao na nagparamdam sa akin ng ganito.

“I love you.” bulong niya.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya. Ngumiti ako at pinagsalikop ang mga daliri namin bago bumulong. “I love you more.”

Nginitian niya din ako at muling tumingin sa harapan.

Hindi ko bibitawan ang kamay niya kahit na anong mangyari. Kakapit at kakapit parin ako sa kanya.

****


“Good morning Mam. May I excuse Mr. Taquines and Ms. De Guzman to go in the guidance office right now?” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang apelido namin ni Grim Reaper.

‘Oh my holy gracious God!’

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng sumulpot ang isang babae na nagkatawang lalaki sa may pinto ng room. Nakatayo siya doon at nakataas ang kilay habang iniisa isa ng tingin ang mga kaklase ko.

“Mr. Taquines and Ms. De Guzman lumabas na kayo.” utos ng prof namin.

Tumayo na si Grim Reaper pero ako ay nananatiling naka upo. Nanginginig ang mga tuhod ko at kumakabog ang dibdib ko sa sobrang nerbyos.

‘Bakit ba kami ipapataawag sa Guidance? Wala naman kaming ginawa diba?’

“Tss. Tatayo ka ba o bubuhatin pa kita?” napaangat ang tingin ko kay Grim Reaper at nagtatanong ang mga matang tinignan siya.

“Tss. Hindi natin malalaman kung hindi tayo pupunta.” sagot niya sa tanong na nasa isip ko.

Tama siya. Hindi namin malalaman kung hindi namin pupuntahan.

Tumayo na ako at nakasunod na naglakad kay Grim Reaper. Nauna ng umalis ang babaeng nagkatawan na lalaki sa amin.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko kaya pinagsalikop ko sila.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon