Chapter 38

476 16 9
                                    


“Aloney.”

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

Sina Caleesha. Papalapit na sila sa akin. Habang tinitignan ko sila ay parang gusto kong tumakbo at yakapin sila. I miss them. Namimiss ko na sila. In a short period of time ay naging kaibigan ko sila, sila ang nagtanggol at sumuporta sa akin.

“Kung iiwasan mo ulit kami then wag mo ng subukan. Kukulitin ka pa rin namin.” sabi ni Katniss at humarang pa sa daraanan ko. Seryoso ang mukha niya.

“Are you still mad at us? Dahil ba hindi namin sinabi ang tungkol kay kuya?” wika naman ni Caleesha.

“O baka naman may nagawa kaming hindi mo nagustuhan?”

Mabilis akong umiling. “I’m sorry-.” naiusal ko lang dahil mabilis nila akong niyakap.

“Friends parin tayo diba?” Tanong naman ni Vicente habang yakap nila ako.

Napangiti ako. Ilang araw ko silang hindi pinansin at iniwasan pero heto sila at gusto pa rin akong maging kaibigan. Tama nga si Mama hindi solusyon ang pag iwas ko. Dahil doon ay mas lalo ko silang pinag alala.

“You will always be my friend.” wika ko at humiwalay sa kanila. “I’m sorry dahil iniwasan ko kayo. Sa sobrang pag iisip ko ng mga nangyari sa akin ngayong huling ilang araw ay nakalimutan ko na may tunay pala akong kaibigan na nakahandang sumuporta sa akin. I’m sorry dahil inisip ko lang na nasasaktan ako at hindi ko naisip na masasaktan din kayo dahil sa pag iwas ko.” naiiyak na paghingi ko ng tawad sa kanila.

Hindi nila ako hinusgahan noon at ngayon ay inintindi pa rin nila ako. I’m lucky to have them. Tama si Mama kaibigan ko sila kaya kahit anong gawin ko ay magaalala at mag aalala pa rin sila.

“It doesn’t matter. Kaibigan ka namin at hindi ka namin pababayaan. Karamay mo kami lagi. Juan for all, all for juan tayo diba?” sabi naman ni Vicente kaya napatawa na talaga kami.

***

“May balita ba kayo kay Royce?” mahinang tanong ko sa kambal.

“Wala. Hindi namin alam kung kamusta na ba siya. Tinatawagan namin siya pero hindi siya sumasagot.” sagot ni Katniss kaya napatango na lang ako.

“Gusto naming puntahan si Kuya pero hindi namin alam kung saan siya nakatira.” sabi naman ni Caleesha.

Nabanggit nga ni Royce sa akin dati na ako palang at ang kasama niya sa bahay ang nakakapunta doon.

Namimiss ko na si Grim Reaper. It’s almost two weeks. Hindi pa rin siya pumapasok. Hindi ko alam kung kamusta na ba siya.

“Miss De Guzman.” napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa akin.

“Sir.” bati ko ng makita ang administrator ng De Montfort.

“Pwede bang iwan niyo muna kami Katniss?” tanong niya sa mga ito kaya tumango lang sina Katniss at naiwan kami dito sa Garden.

“Kailangan ka ni Royce.” wika niya kaya napakunot ang noo ko.

“Ano pong ibig niyong sabihin? Anong nangyari sa kanya?” kinakabahang tanong ko.

“Here’s the Key. Puntahan mo siya sa bahay. Ilang araw na siyang hindi lumalabas sa kwarto niya.” wika niya at inabot ang susi ng bahay.

Nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Siya ba ang tinutukoy ni Royce na kasama nito sa bahay?

“Nakapunta ka na sa bahay hindi ba? Puntahan mo siya. He needs you.” aniya pa bago niya ako iniwan.

****

Hindi na ako nag aksaya ng oras at pinuntahan ko si Royce sa bahay nila. Ayaw ko ng pigilin ang sarili ko. Tama ang papa ni Royce, si Royce lang ang nagdesisyon kaya ngayon ako naman ang gaggawa ng sarili kong desisyon. Isang beses pa lang ako nakapunta doon pero tanda ko naman ang daan.

Hindi naman nagtagal ay nakarating ako. Hindi na ako nagdoorbell at ginamit ko ang susing binigay ni Sir Diether.

“Royce.” tawag ko sa pangalan niya pagkapasok ko ng bahay nila.

Mabilis kong tinalunton ang daan patungo sa kwarto ni Royce at kinatok siya doon.

“Royce!” ulit ko pa pero walang sumasagot kaya inikot ko ang door knob pero nakalock yon.

Huminga ako ng malalim at kinalampag ang pinto niya. “Royce!”

“Buksan mo ang pinto.” sigaw ko pa pero walang sumasagot.

“Kapag hindi mo binuksan ngayon ang pinto, magsisisi ka.”

“Go away.” mahina ngunit malinaw kong narinig kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Lumabas ka dyan mag usap tayo.”  sagot ko pa at muling kinalampag ang pinto.

“Leave me alone. Umalis ka na.”

“G-Gusto mo ba talaga a-akong u-umalis?” tanong ko pero hindi na siya muling nagsalita kaya napasandal ako sa pinto.

“Kapag pinaalis mo ako ngayon hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan.” wika ko at mabilis na pinahid ang luha sa pisngi ko. “Kapag pinaalis mo ako…kapag pinaalis mo ako ibig sabihin hindi mo na ako mahal.” sabi ko pero nanatili siyang tahimik.

Silence means yes. Sunod sunod ang naging buhos ng luha ko. Talaga bang gusto niya akong kalimutan? Talaga bang gusto na niyang tapusin ang lahat sa amin?

Humakbang na ako paalis pero nakakatatlong hakbang palang ako ay naramdaman ko na ang yakap niya mula sa likod ko kaya napangiti ako kasabay ng pag iyak ko.

“I can hurt you. Emotionally.” mahinang wika niya.

Humarap ako sa kanya at tinignan siya.

Pumayat siya at maputla ang labi niya. Medyo mainit din siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at tinitigan siya sa Mata.

“It’s part of loving.”sagot ko at pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi niya.

“I don’t want you to suffer because of me.”

“Kaya gusto mo ikaw na lang ang masaktan? Sa palagay mo ba ang pag iwan mo sa akin ay nakagaan sa loob ko? Hindi Royce kasi araw-araw naiisip kita. kasi sa tuwing naiisip ko na iniwan mo ako ay nasasaktan ako ng sobra.” sagot ko sa kanya at isinandal ang pisngi ko sa dibdib niya.

“Its painful and difficult. Ang iwan ka at piliin ko na ako na lang ang masaktan. Mas masakit pala na iwanan kang umiiyak. Can you bear suffering with me?” tanong niya.

Tumango ako. “I can. Basta kasama kita. Mas masakit at mas mahirap kasi na harapin ang lahat ng nag iisa kaya huwag mo na ulit akong iiwan.”

“Let’s find it together.” wika niya at hinalikan ang sentido ko.

****

Napatingin ako kay Royce na nakahiga sa kama at nakapikit. Maputla pa rin siya. Inilapag ko ang tray ng pagkain sa may side table niya at hinaplos ang pisngi niya.

“I love you.” bulong ko sa kanya.

“I love you more.” mahinang bulong niya at nagmulat ng mga mata.

“Kumain ka na at uminom ng gamot.” wika ko sa kanya at tinulungan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

“I-Ikaw ang nagluto?” tanong niya pagkalapag ko ng tray sa harapan niya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Akmang kukunin niya ang kutchara pero inunahan ko siya. Ako na mismo ang nagsubo sa kanya ng pagkain.
“I can do it.” sagot niya na akmang kukunin sa akin ang kutchara pero iniwas ko.

“Ako na.” sagot ko at iniumang sa kanya ang kutchara na may pagkain.

Wala siyang nagawa kung hindi isubo iyon kaya napangiti ako. Mag uumpisa palang kaming harapin ang pinakamalaking dagok sa relasyon namin at hindi ko hahayaan na masira kami dahil lang doon.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon