Chapter 8:

499 34 8
                                    

Dedicated to MissJavlaPein

Aloney POV

“Sino ka ba Royce?”

Kung nagulat si Royce sa tanong ko ay mas lalong nagulat ako. Hindi ko akalain na maitatanong ko iyon. Pero may bahagi ng utak ko na gustong makarinig ng sagot mula sa kanya ngunit may parte rin na ayaw.

Para bang nahahati ang utak ko sa gusto at ayaw ko.

Tahimik lang siyang nakaharap sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya. Ito ang naging unfair para sa aming dalawa. Siya nababasa ang nasa utak ko habang ako ay hindi ko malaman laman kung ano ba ang tumatakbo sa utak niya.

“I’m Royce Taquines a mind reader and a mistaken Grim Reaper by a weird Girl named Aloney.” sagot niya matapos ang mahabang sandali.

Natahimik ako ngunit napangiti din.

Yeah! Tama, siya si Royce isang mind reader na napagkamalan kong si kamatayan. Hindi na dapat ako mag isip ng kung ano ano. Iyon lang ang dapat kong tandaan.

“Tama ikaw si Grim Reaper. Isang masungit, Bipolar at pala-sigaw na si Kamatayan.” sabi ko habang nakatingin lang sa mga mata niya.

Wala na ang seryosong anyo niya bagkus ay napalitan iyon ng pag kairita na mas lalo kong kinatawa.

“Do you want to cut class?”

Biglang tanong niya sa akin matapos ang ilang segundo naming pagtititigan.

“Ha?” gulat na bulalas ko.

‘Ano daw? Cutting Class?’

“Tss. Lets go.” wika niya at hinila na ako.

“T-Teka-”

“Shut up and just follow me.” wika niya habang hila pa rin ako palabas sa university. Hilig talaga niyang manghila no?

“P-Pero k-kasi-”

Pinutol niya ulit ang sasabihin ko na talaga namang nakapag pahinto ng puso ko. “One more word from you and I’ll kiss you.”

Kiss?!

‘oh my gracious God! Hindi pa ako nagtooth brush! Kakatapos lang naming kumain.’

Paano kung may amoy na pala ang hininga ko? Baka maturn off siya sa akin!

‘No! Hindi pwede!’

“Tss Silly.” natatawang wika niya habang pailing iling pa.

Naging tanga nanaman ba ako? Wahhh! Kailangan ko ng iuntog ang ulo ko sa pader para hindi ko makalimutan na mind reader nga pala siya!

****

“Bakit dito tayo nagpunta?” takang tanong ko sa kanya.

Nandito kami ngayon sa harap ng Convenience store kung saan kami unang nagkita. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito. Akala ko pa naman ay dadalhin niya ako sa amusement park o kaya ay sa mall o di naman kaya sa mga matataas na lugar kagaya ng mga Love story na napapanood ko sa TV.

Nakangusong tumingin ako sa kanya.

‘Date sa Convenience store?!’

“Tss. Hindi ito date.” sabi niya at nauna ng pumasok sa loob.

“Sabi ko nga hindi ito date. Sino bang nagsabing date to?” pabulong bulong na wika ko at sumunod na sa kanya papasok.

“Weirdo. Kumuha ka na diyan ng bibilhin mo ako na ang magbabayad.” sabi niya at nagtingin tingin na ng bibilhin niya.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon