Chapter 29:

241 11 2
                                    

CHAPTER 29

ALONEY POV

“WHATS HAPPENING HERE?!” ulit muli ng lalaking dumating sa mas lalong lumakas na boses. “The two of you! Hindi niyo ba bibitawan ang isat isa?” madilim ang anyong tanong muli nito kina Katniss at Fhiarra.

Parang natauhan naman ang dalawa at nagbitaw sila ngunit nanatili parin ang talim ng tingin nila sa isat isa.

“Now tell me, anong nangyari dito?” tanong ulit ng lalaki na tinapunan lang ng tingin si Katniss at tumingin kay Royce na nakapamulsa lang.

“That girl.” turo ni Royce kay Fhiarra. “Expel her.”

Parang gustong lumuwa ng mata ko sa sinabi ni Royce. Luh sino ba ang lalaking bagong dating para utusan ni Royce na iexpel si Fhiarra? Sino din ba si Royce para mag utos sa lalaking nasa harapan namin ngayon?

“Tsk. I want to know what happened. Now tell me.” utos niya na ngayon ay kay Katniss na nakatingin at hindi pinansin ang sinabi ni Royce.

Kita ko ang pag irap ni Katniss sa lalaki kaya napakunot ang noo ko. ‘Magkakilala kaya si Katniss at ang lalaking to? Bakit parang kilala nilang lahat ang taong nasa harapan namin?’

“Hi po. Sino po kayo?” hindi ko napigilang tanong dahil ako lang ang clueless kung sino ang nasa harapan namin.

Natuon ang pansin ng lahat sa akin at parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

“Hoy bakla! Ano ka ba? Transferee?! Siya ang Administrator ng DMU.” bulong sa akin ni Vicente na ikinalaki ng mata ko.

Tinignan ko ulit ang lalaki sa nanlalaking mga mata. Hindi ko namukhaan ang lalaki dahil isang beses ko lang siyang nakita at iyon ay two years ago pa noong ipinakilala siya na bagong school administrator. ‘Oh my gosh! Bakit ang ignorante ko?!’

“Mukhang kilala mo na ako Ms. De Guzman pero magpapakilala pa rin ako. The name is Dither Riego Linux the school Administrator.” wika niya kaya parang nahiya ako dahil sariling school administrator namin ay hindi ko kilala.

“S-Sorry po.” hingi ko ng paumanhin at kinurot si Vicente dahil hindi niya kaagad sinabi sa akin huhu.

“Aray! Bakla wag ako ang tirisin mo! Ang babaeng haliparot ang tirisin mo!” bulong ni Vicente.

“Sir I want these group of trash to be suspended. Pinagtulungan po nila ako.” Napalingon kaming lahat dahil biglang nagsalita si Fhiarra habang umiiyak.

‘Kami? Pinagtulungan siya?’

Pero sabagay pinagtulungan nga namin siya. ‘Pero siya naman ang nagsimula. psh!’

“Drama queen! Kahit umiyak ka pa ng dugo dyan hindi kami pwedeng isuspende! Tama si Kuya Royce dapat I expel ka dito!” bwelta naman ni Katniss at hinarap muli si Fhiarra na talagang nagpapaawa pa.

“Pinagtulungan niyo ako kayong apat! Bakit hindi niyo po tanungin ang mga nandito kung hindi totoo ang sinabi ko.” hagulgol nito at tinakip pa ang dalawang kamay sa mukha niya na para talagang inaapi siya.

‘Drama queen talaga ang babaeng to! Nako kapag ako naasar sa kanya ipapasundo ko na siya kay Satana!’

“Tigilan mo ako sa kadramahan mong babae ka baka ibalibag kita pabalik sa impyernong pinanggalingan mo!” nagtitimping wika ni Katniss.

“Oo nga wag mo kaming dramahan baka makatikim ka ng 360 degrees na sampal sa akin.” tanggol naman ni Caleesha sa kambal niya.

“Ano bang ginawa ko sa inyo at ga-”

“The two of you shut up! The involve parties come to my office right NOW!” sigaw muli ni Sir Linux kaya napatalon pa ako sa gulat.

‘Lagot na kami huhu.’

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon