Chapter 6:

552 39 7
                                    

CHAPTER 6

"Mag aayos kana ba o ako pa ang mag aayos sayo?" tanong niyang muli at bahagya pang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Napaawang ang labi ko at tumriple ang kabog ng dibdib ko.

'May sakit na ba ako sa puso? Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko?'

"The time is running Aloney." Bulong ni Grim Reaper sa may tenga ko.

Dahil sa bilis ng tibok ng puso ko ay napasagot nalang ako.

"M-Mag a-aayos n-na a-ako!" mabilis na sabi ko kahit medyo nauutal pa at yumuko upang lumusot sa ilalim ng braso niya na nakahawak sa pader.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at ang paglilikot ng mga bulate sa tiyan ko. Hindi ako magkamayaw kung paano ako aakyat patungo sa kwarto ko. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin habang ako ay parang timang na mabilis na naglalakad paakyat.

'Oh my Gracious God! Mamamatay na ata ako sa atake sa puso.'

Napalingon ajo kay Grim Reaper ng marinig ko siyang tumawa.

"Hindi ka mamatay sa atake sa puso Weirdo. May crush ka lang sa akin kaya ganyan ang tibok ng puso mo." Tumatawang sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Mas lalong pumula ang mukha ko at kita ko sa mukha niya na naaaliw siya sa nakikita niya sa akin.

"H-Hindi kita C-Crush no!" sigaw ko sa kanya at tuluyan ng tumakbo habang hawak ng dalawang kamay ko ang mukha ko.

I think My charging day is ruin. Wala na! Nasira na ang araw ko dahil sa pesteng si Kamatayan. Hindi ko na magagawa ang plano kong magwattpad at manood ng mga k drama. Saan ba niya balak pumunta at isasama niya pa ako? Close ba kami? Hindi naman diba?!

Isa lang naman siyang Grim Reaper / Kiss stealer/ Mind reader/ Invader at slash savior ko, na pa cool na nagtrespass sa bahay namin at sasabihan ako na ag ayos dahil aalis kami! Ang galing niya diba? Sa kanya na ng korona!!

Saludo ako sa kanya!! Note the sarcasm.

********

Matapos kong mag ayos ay tinignan kong muli ang sarili ko sa salamin. Nakalugay na ulit ang itim kong buhok na umabot hanggang bewang ko. Naka puting t shirt ako at maong na pantalon na tinernuhan ko ng itim na converse.

Napangiti ako ng maalala ko ang suot ni Grim Reaper. Naka t-shirt din siya na kulay itim, itim na pantalon at itim ding converse.

Mapagkakamalan kaming couple dahil sa ternong get up namin.

'Couple? May sinabi ba akong couple? Erase. Erase. Erase. Nababaliw na ata ako.'

Akmang papalitan ko ang suot ko ng marinig ko ang sigaw ni Grim Reaper mula sa ibaba.

'AIIISSHH! Excited? Wala pa ngang sampung minuto nang umakyat ako. Ni hindi na nga ako naligo dahil baka mainis pa siya sa tagal ko. Asar.'

Hindi na ako nagpalit at kinuha ko na lang backpack ko sa kama bago bumaba.

Pagkababa ko ay naabutan ko siyang nagtitingin tingin ng mga pictures ko noong bata pa ako.

"Ehem." agaw ko sa pansin niya.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Napasimangot na lang ako sa inakto niya. Napaka niya!

Sumunod na ako sa kanya sa paglabas ng bahay. Nilock ko muna ng maayos ang mga pinto at binatana pagkatapos ay tinext ko muna ang mama ko at sinabing umalis ako ng bahay.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon