Chapter 34

178 6 0
                                    

Aloney Pov

Hindi ko na hinintay pa ang awarding at mabilis na akong umalis at umuwi sa bahay. Kailangan kong kumpirmahin kung totoo na hindi ako tunay na anak ni Mama.

“Mama.” tawag ko sa kanya na kakauwi lang din at nasa may pintuan pa.

Halatang nagulat siya sa nakita niyang itchura ko. Hilam sa luha ang mukha ko.

“Anong nangyari sayo? Bakit umiiyak ka?” tanong ni Mama at nilapitan ako pero umatras ako kaya natigilan siya.

“T-Totoo ba? T-totoo bang hindi mo ako tunay na anak?” nauutal na tanong ko.

Nagulat siya sa tanong ko at hindi kaagad nakakibo. Sa reaksyon palang niya ngayon ay alam ko na ang sagot niya kaya napaupo ako.

“S-Sinong nagsabi sa iyo niyan?” tanong niya.

Umiling ako at pinigil ang paghikbi ko. “H-Hindi na importante yon M-Ma. Ang gusto kong malaman ay kung bakit ako napunta sayo? Kilala mo ba ang totoong magulang ko?”

Umiiyak na umupo din si Mama sa tabi ko at inayos ang buhok ko. “I’m sorry kung hindi ko sinabi sayo.”Umpisa niya at humagugol. “Pitong taon ka noong mapunta ka sa akin. Anak ka ng Kuya David ko kay Ate Franceska. Dahil may asawa na si Ate Franceska kaya hindi sila nagkatuluyan ni Kuya pero nagpatuloy ang relasyon nila.”

“At ako ang naging bunga ng relasyon nila?” hindi ko mapigalang idugtong.

Tumango siya at nagpatuloy. “Pitong taon ka na noong tinawagan ako ni Kuya. Sabi niya ay sunduin ko kayo sa pampanga dahil may humahabol sa inyo. Ang sabi niya din ay papunta na si Kuya William ang asawa ni Ate Franceska para paalisin ang humahabol sa inyo kaya kailangan niya ang tulong ko para mabilis kayong makaalis.”

“William? Bakit? Hindi ba sinabi niyo po na asawa ni-”

“Tama ka anak. Alam ni Kuya William ang relasyon nila Franceska at Kuya David pero hindi siya tumutol dahil may relasyon din siya kay Dianna. Isang arrange marriage lang ang naganap sa pagitan ng dalawa kaya sila napilitang magsama pero pareho silang may ugnayan pa rin sa kanilang mga kasintahan.”sagot niya sa tanong ko na hindi na niya pinatapos kaya tumango na lang ako at muling nakinig.

“Pagdating ko ng pampanga ay hinanap ko kayo kaagad ni Kuya pero isang malakas na pagbusina ang narinig at doon ko na nakita si Kuya na nakahandusay sa lupa at wala ng buhay. Nakita ko ang mga humahabol sa inyo kaya imbes na lapitan si Kuya ay hinanap kita. Nakita kita sa may gilid ng mga basura at tahimik na umiiyak. Nakayuko ka at pilit mong tinatago ang sarili mo. Alam mo ba kung bakit ayaw mo sa maraming tao?”

Umiling ako.

“Matapos ang gabing iyon ay hindi ka na muling nagsalita. Lagi kang takot at hinahanap mo ang papa mo kaya pinatignan kita sa Psychiatrist. Ang sabi ng tumingin sayo ay mayroon kang Enochlophobia. Noong bata ka pa, takot na takot ka sa maraming tao at sa maingay na lugar. Nagkakaroon ka ng panic attack kapag nasa paligid ka ng maraming tao dahil natrauma ka sa nangyari sa inyo.” lumunok muna siya at pinunasan ang luha niya sa mga mata.

‘Ibig sabihin kaya ayaw ko talagang nakikita ang mukha ko dahil sa takot at trauma na inabot ko noong bata pa ako?’

“Kalaunan ay naging okay ka din, hindi ka na nagkakaroon ng panic attack at nakakasalamuha mo na ang maraming tao dahil sa treatment na binigay ng Psychiatrist na tumingin sayo pero hindi nawala sayo ang takot na magpakita sa ibang tao. Nakakasama mo ang maraming tao pero hindi mo magawang magpakita sa kanila kaya lagi kang nakayuko na para bang nagtatago. Ang sabi ng Psychiatrist mo ay maaaring hindi na matanggal sa’yo yon dahil parte na yon ng pagkatao mo.” patuloy ni Mama sa pagitan ng paghikbi kaya muling bumuhos ang luha sa mga mata ko.

Kaya pala. Kaya pala ganon na lang ang takot ko na magpakita sa mga tao. Akala ko weirdo lang talaga ako pero may dahilan pala.

“Akala ko ay hindi ka na magkakaroon ng kaibigan. Pero nagkaroon ka, at nagkaroon ka pa ng nobyo. Laking tuwa ko noong malaman ko na hindi ka na mag iisa, na may dadamay na sayo at iintindi kapag natatakot ka. Sorry at ngayon ko lang sinabi. Gusto lang kitang protektahan sa mga humahabol sa inyo.”

“Sino? Sino ang mga humahabol sa amin?”

“Ang Lolo mo. Gusto ka niyang makuha mula kay Kuya pero ayaw ni Kuya. Hindi sila pumayag ng totoong Mama mo. Noong gabing iyon ay nalaman ko na lang na namatay na din si Ate Franceska. Ang sabi ay pinatay siya ng karelasyon ni Kuya william na si Dianna.”

Parang sinaksak muli ang puso ko noong mabanggit ang pangalan na iyon. Pangalan ng taong posibleng pumatay sa totoong ina ko at ang taong nagbigay buhay sa taong mahal ko.

Bakit napakakomplikado? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kami? Bakit kailangan ko pang malaman to?

***

Pang Labing-limang beses ng nag riring ang cellphone ko pero hindi ko yon sinasagot. Tumatawag sa akin sina Royce at Caleesha pero wala akong sinasagot.

Paano ko ba haharapin si Royce? Magagwa ko ba siyang harapin kung alam ko na ang nanay niya ang pumatay sa nanay ko? Makakaya ba ng konsensiya ko na patuloy siyang mahalin gayong alam ko na ang totoo?

Ayoko munang sumagot ng tawag ng kahit na sino ngayon. Gusto kong magpahinga at matulog para maiwasan ang pag iisip ko ng mga bagay bagay.

Ipinikit ko ang mga mata ko pero mabilis din akong napamulat dahil sa inagay na narinig kong pagbato sa bintana ng kwarto ko.

Tumayo ako at sumilip doon ngunit mabilis din akong natigilan.

‘R-Royce.’

Nasa tapat siya ng bintana at akmang babatuhin ulit ito pero nakita niya ako.

Sumenyas siya na bumaba ako pero nanatili akong nakatingin sa kanya. Iniiwasan kong mag isip ng kung ano-ano habang nakatingin sa kanya dahil ayokong malaman niya na  alam ko na ang totoo.
Hindi pa ako handang bitiwan siya.

Muli siyang sumenyas na bumaba ako kaya mabilis akong tumalikod at pinunasan ang luhang sumungaw sa mga mata ko bago bumaba.

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

“Nag alala ako sayo. Bakit wala ka kanina sa IQ Challenge?” wika niya habang yakap ako.

Pilit akong ngumiti. “S-Sumama kasi ang pakiramdam ko.” dahilan ko.

Inilayo siya ako sa kanya at tinignan niya ako ng matiim bago siya bumuntong hininga. “Anong nangyari?” tanong niya at tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at umiling. “W-Wala. Sumama lang talaga ang pakiramdam ko.”

Tumango siya at niyakap ako. “I love you.” wika niya kaya mabilis na nanubig ang mga mata ko ngunit mariin ko iyong pinigilan.

Hindi ako umimik at niyakap lang siya ng mahigpit. It was agony in silence. Pwede bang huwag ko na siyang pakawalan? Pwede bang pang habang buhay na to?

Humiwalay siya ng yakap sa akin at tinitigan ang mga mata ko. “Let’s have a date tomorrow. Laht ng gusto mong gawin na magkasama tayo gawin natin.” aya niya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Ngumiti ako at tumango. “Gawin natin.”

Ngumiti siya at muli akong niyakap. Gusto kong gawin iyon para makalimutan kahit sandali ang sakit na nararamdaman ko.

Kahit sandali lang.
   

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon