Chapter 17:

363 18 0
                                    

Aloney POV

Nandito kami ngayon nina Vicente sa bahay namin. Kanina pa ako iyak ng iyak at maging sina Caleesha at Vicente ay ganon din habang si Katniss naman ay nakangiwi lang na nakatingin sa amin. Para kaming baliw na ngumangawa dito.

"Hindi ako perfect and kahit kailan ay hindi ko hihilingin na maging perfect ka, ang hihilingin ko ay subukan mong baguhin ang sarili mo para maramdaman mo na karapat dapat ka. But you never tried." ulit ko sa linya ni Bea sa movieng She's the one. Feel na feel ko pa ang pagbitaw ko ng mga salita na parang ako talaga ang nasaktan at may pasinghot simghot pa akong nalalaman.

Nagulat ako ng bigla akong hinarap ni Vicente sa kanya at umiiyak na nagsalita. "She loved me at my worst,  You had me at my best but binalewala mo lang ang lahat and you choose to break my heart." malanding paggaya naman niya kay John Loyd sa One more chance kaya lalo akong naiyak na may kasamang pagtawa.

Naiiyak ako sa linya pero natatawa ako sa kalandian ng pagkakasabi niya.

Babaeng babae ang putik.

"Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako? o Kailangan mo ako kaya mahal mo ako?" sabi naman ni Caleesha habang todo din ang pag iyak niya sa tabi ni Vicente at yumakap dito.

Inilayo ni Vicente sa kanya si Caleesha at tinitigan sa mata. "Oh yes, Kaibigan mo ako,..Kaibigan mo lang ako! And I'm so stupid to make the biggest mistake of falling inlove with my bestfriend!" sabi ni Vicente at inalog alog pa ang balikat ni Caleesha.

Inalis ni Caleesha ang braso ni Vicente sa balikat niya at sinabing, "Pero  bogs, shinota mo ko eh. Shinota mo ang bestfriend mo."

"Bakla wag kang assuming, Hindi kita shoshotain." Sabi ni Vicente at malandi pang nagpunas ng mukha.

Napanguso ai Caleesha at inirapan si Vicente.

"Hindi pa ako tibo para pumatol sayo baks!" sabi naman ni Caleesha at sumingha ng sipon gamit ang tissue.

Kaninang umaga pa kami nanonood ng mga filipino movies dito sa bahay at kanina pa din bumabaha ng luha dito dahil sa iyak naming tatlo habang si Katniss ay nakatingin lang sa amin at kumakain ng pizza.

Si Vicente ang nag suggest na manood kami dahil broken hearted daw siya sa crush niya. Nasabi ko naman sa kanila ang nangyaring confession ko kay Grim Reaper at kung paano niya ako nireject kaya naiintindihan ni Katniss kung bakit ako pumayag na manood ng movie. Si Caleesha ay wala namang pinag dadaanan pero todo din makaiyak mahina daw siya sa drama.

Naalala ko tuloy si Grim Reaper. Tapos ko ng iyakan ang rejection niya sa akin pero hindi ibig sabihin non ay kakalimutan ko na siya.

Sabi nga ni Chinggay sa The Achy breaky heart. "Kapag nahanap mo na yung taong palagay mo ay para sayo, huwag mo nang pakawalan , ipaglaban mo."

"Adik kasi kayo sa pag asa, try niyo kayang lumaklak ng realidad" wika ni Katniss kaya napalingon kami sa kanya.

Ginaya lang naman niya ang line ni Beauty sa Starting over again. Ilang sandali kaming tahimik habang nakatingin sa kanya pero ilang sandali lang ay humagalpak kaming tatlo sa kakatawa.

Hindi namin ine expect na makikigaya sa amin si Katniss kasi kanina pa siya nakangiwi habang pinapanood kami.

Natigil lang ang pagtawa namin ng binato kami ng chips ni Katniss na ngayon ay pairap kaming tinignan.

Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa mesa kung nasaan ang mga pagkain. Kinuha ko ang baso ko at akmang iinom nang makita kong wala na sa kalahati ang laman niyon at wala na ding laman ang pitsel.

"Wala na tayong juice, bibili ako. Anong gusto niyong flavor?" tanong ko sa kanila at pinunasan ang luha ko.

"Apple." sabay sabay na sabi nila kaya napatawa na lang ako. Sa pagkain talaga ay madalas kaming magkasundo sundo.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon