CHAPTER 2:

816 36 5
                                    

CHAPTER 2

ALONEY POV

Hila hila parin ako ni Kamatayan habang naglalakad kami sa hindi ko alam kung saan.

Binubundol narin ng kaba ang dibdib ko dahil baka kung saan ako dalhin nito.

‘Saan ba ako mapupunta? Sa impyerno o sa langit? Huhu wala naman akong inagrabyadong tao e. bakit ba kasi ako ang kinukuha ni Kamatayan?’

“Tss. Tanga! Hindi ako si Kamatayan.” biglang sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad.

Napahinto rin siya at lumingon sa akin bago bitawan ang kamay kong kanina niya pa hila.

‘Paano niya nalalaman ang nasa isip ko? Baka isa siyang anghel?’

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka hoody siya na kulay black, black pants at black converse. Pero ang sabi niya hindi siya si Kamatayan, hindi naman siya pwedeng maging anghel dahil dapat nakaputi ang mga anghel.

Tinignan ko siya ng mapaghinala.

*0.0*  Nanlaki ang mga mata ko. ‘Hindi kaya Men in black siya?’

‘Teka ano bang ginagawa ng mga men in black? Nag a-assassinate ba siya? Gangster? O baka naman Mafia?’

“Tsk. Wala sa nabanggit. I am not a gangster, an assassin nor a Mafia.”

Lalong nanlaki ang mga mata ko.

‘B-Bakit alam niya ang nasa isip ko? Oh my gosh! Baka engkanto siya!’

“FUCK IT! Wala ka na bang ibang maisip na dahilan kug bakit nababasa ko ang nasa isip mo? Hindi ako engkanto!” sigaw niya kaya napalayo ako ng konti sa kanya.

“E-Eh A-Ano ka?” kinakabahang tanong ko.

‘Hindi siya gangster,hindi assassin, hindi Mafia, hindi engkanto at lalong hindi daw siya si KAMATAYAN eh ano siy-’

“I’m Royce a mind reader.”

‘Mind reader lang pal---WHAAATTT?!’

“I’am a mind reader. Nababasa ko ang nasa isip ng bawat tao kapag tinititigan ko ang mga mata nila pero bakit ikaw, Kahit hindi ko tignan ang mga mata mo ay nababasa ko ang nasa isip mo. Naririnig ko ang nasa utak mo.  Sino ka?” kunot noo niyang tanong habang nakapamulsa sa harap ko.

“Sino ako? Nagpapatawa ka ba? Mas katanggap tanggap kung sabihin mong ikaw si Kamatay-”

“Isang tawag mo pa sa akin ng kamatayan makakatikim ka talaga!” asar na wika niya at hinawakan pa ang braso ko.

‘Edi Grim reaper na lang ayaw niya ng kamata-’

Napakurap kurap ako.

‘A-Ano b-bang g-ginagawa niya?’

Parang namula ang buong mukha ko ng ayusin niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

‘oh my! Ito na ba? Kukunin na ba niya ang kaluluwa ko?’

“I told you. Isang tawag mo pa sa akin ng kamatayan makakatiikim ka.” bulong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at

At

At

At

Hinalikan niya ako!!

LUBDUB.LUBDUB.LUBDUB.

Parang gusto ng lumuwa ng mata ko sa sobrang gulat. Hinahalukay din ang sikmura ko na para bang nagsasayaw ang mga bulate sa tiyan ko. At ang puso ko ,para ding gusto ng lumabas sa dibdib ko.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon