Chapter 4:

647 45 7
                                    

DEDICATED anaid_secon
CHAPTER 4

ALONEY POV

Friday--- Isang linggo na ang nakakalipas mula noong lumipat si Grim Reaper dito sa University namin. At sa loob ng isang linggo na iyon ay wala siyang ibang alam sibihin sa akin kung hindi-

“SHUT UP! Naririndi ang utak ko sayo!”

“Fuck! Your annoying! Shut up!”

“Can you please shut up?! DAMN IT!”

Namemorize ko na nga ang mga linyahan niya e. At ang isa pang nakakaasar ay sinakop narin niya ang teritoryo ko. Sa garden din siya tumatambay at lahat na lang ng sinasabi ko sa utak ko ay nalalaman niya. Kaya wala na talaga akong privacy.

Hindi naman niya ako kinakausap kapag may ibang tao pero kapag kami lang ay para niya akong kakainin ng buhay. Suplado at laging nakasigaw.

Uwian na namin ngayon. Medyo ginabi na kami dahil nag overtime ang huling Professor namin. Sa kasalukuyan ay nasa third year college na ako kaya naman medyo nagiging busy na.

Naglalakad na ako sa pathway paalis. Nagmamadali ako dahil ayaw kong makasabay si Grim Reaper. Naiinis ako dahil wala akong maitago mula sa kanya.

“Sadako!” Sigaw sa akin kaya napalingon ako. Sakto namang paglingon ko ay tumama sa akin ang isang bola.

Medyo nahilo pa ako at nanlabo ang mata ko dahil sapul ang kanang mata ko sa ginawang pagbato sa akin. Ramdam ko ang paghapdi ng mata ko at ang pagluluha nito ngunit hindi ako nagpakita ng sakit sa mga kaharap ko.

“Ooops Sorry. Hindi ka kasi tumitingin sa dinaraanan mo yan tuloy natamaan ka.” wika ni Angelica habang palapit sa akin kasama ang dalawa niyang alipores.

‘Paano ako titingin eh mula sa likod ko ang bola.’

Si Angelica lang naman ang numero unong kontra bida sa buhay ko pangalawa kay Jonas. Kung gaano ka ganda ng pangalan niya ay ganon naman kapangit ang ugali niya. Hindi nga bagay ang pangalang Angelica sa kanya dahil mas bagay ang Demonica para sa kanya.
Parang ugali niya mala demonyo.

Hindi ko siya pinansin at akmang lalagpasan na siya ng bigla niyang hinigit ang braso ko.

“Wait! Hindi pa ako tapos kausapin ka! Wag kang bastos!” sabi niya at  diniinan ang kuko niya sa balat ko.

Humahapdi na ang parte ng braso ko na hawak niya dahil bumabaon na ang matutulis niyang kuko sa balat ko. Pero kahit ganon ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa kanya. Hindi ko ibibigay ang kasiyahang gusto niya.

‘Ako daw ang bastos? Kung bastos ako anong tawag sa kanya? Eng eng din to e.’

“Ano bang Gusto mo?” tinatamad kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sa akin ng malademonyo at sinenyasan niya ang dalawa niyang alipores bago ako bitawan. Biglang lumapit sa akin ang dalawa at hinawakan ang magkabilang braso ko.

Nagtatakang napatingin ako sa kanila.

‘Ano bang trip ng mga to? May pahawak hawak pa sila sa braso ko. Balak ba nila akong kidnapin?’

‘Oh my gracious God! Wala naman kaming pera para maging ransom money para sa akin. Ano bang tinira ng mga ito at ako pa ang naisipan nilang kidnappin?’

“Let’s play sadako. Bakit kaya hindi mo itry puntahan ang mga kapwa mo multo? Baka mag click pa kayo at magkaroon ka na ng kaibigan.” natatawang wika ni Angelica.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

‘ngayong gabi na doon pa niya naisipang mag laro.’

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon