Chapter 5:

623 42 10
                                    

CHAPTER 5

Aloney POV

Naalimpungatan ako dahil sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Nararamdaman ko din ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Isang ngiti ang kumawala sa akin at dahan dahan kong inangat ang kamay ko patungo sa pisngi ni Grim Reaper at marahan iyong hinaplos.

“Grim Reaper.” bulong ko at muling pumikit bago ko muling binaba ang kamay ko.

Lagi ko na lang nakikita si Grim Reaper sa panaginip ko. Masamang pangitain ba yon?

“How long will you sleep? Nabibigatan na ako sa iyo.”

Binuksan ko ang isang mata ko at gayon na lamang ang gulat ko ng makita si Grim Reaper na buhat buhat ako. Dahil sa pagkabigla kaya napatalon ako palayo sa kanya kaya nakaalis ako mula sa mga braso niya. Muntikan pa kaming mawalan ng balanse dahil sa ginawa ko. Mabuti na lamang at una siyang nakabawi at nahawakan niya din ang braso ko bago ako tuluyang matumba.

Akala ko panaginip lang yon. May pahaplos haplos pa akong nalalaman. Nakakahiya!

“Tss. Clumsy.” wika niya at mabilis na binitawan ang kamay ko.

Inirapan ko na lang siya at nagpalingon lingon sa paligid ng bigla akong matigilan.

‘Oh my gracious God! Diba nasa lumang classroom kami kanina?! paano kami nakalabas?! nagteleport ba siya? Oh no! Hindi nga siya si kamatayan kaya paano siya makakapagteleport?’

“Tss. Crazy. May napadaang tao kanina kaya tayo nakalabas.”

Napatingin ako sa kanya na inuunat unat ang mga braso niya.

“Y-Yung kasama natin kanina nasaan na?”

“Naiwan doon.”

“ha?! Bakit iniwan mo doon?!” napasigaw kong tanong.

Tinignan niya ako ng masama bago sumagot. “Anong gusto mo buhatin ko din siya? Sayo pa nga lang bigat na bigat na ako magbibitbit pa ba ako ng aso?”

‘ha? Aso? Aso ba ang inutusan nila para manakot sa akin? Pero tao kaya ang nakapa ko kanina. Oh my-- hindi kaya nag eevolve ang inutusan nila? Parang Pokem-’

“AISHHHHH!” nagulat nalang ako ng bigla nalang guluhin ni Grim Reaper ang buhok niya at sumigaw.

‘Napano siya?-’

“Pwede ba tigilan mo na ang pag iisip ng mga walang kwentang bagay?! Naririndi na ang utak ko sayo!” sigaw niya sa akin kaya napaatras ako mula sa kanya.

‘Walang kwenta ba na isipin ang taong gusto akong patayin sa takot?’

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya napatingin ako sa kanya. Frustrated niyang sinabunutan muli ang kanyang buhok at  tumingin sa akin ng nakamamatay.

“He-he joke lang yon. Gusto mo bang gumawa tayo ng movie? Ang title ay ‘Patayin sa sindak si Aloney’ hehe ganda diba?” parang tangang wika ko at nag peace sign pa sa kanya bago naunang maglakad paalis.

“Weirdo.” dinig ko pang sabi niya bago sumunod sa akin sa paglalakad. Gabi na at iilan nalang ang napapadaan sa kalsada.

I wonder kung anong oras na. Panigurado ay nag aalala na si Mama dahil ito ang unang beses na ginabi ako ng uwi. Kasalanan lahat ito ni Demonica! Pa thank you siya sa akin at ayoko ng away kung hindi ay baka niresbakan ko na siya.

Buti na lang at sabado bukas at walang pasok. My rest day! My Charging day! Yep! Irerecharge ko muna ang sarili ko mula sa mga tao. Magkukulong ako sa kwarto ko ng buong maghapon at magdamag. Magbabasa ng Wattpad, Magdo drawing, mag pipinta at manonood ng k drama at anime. Sa paraang iyon narerecharge ang sarili ko kaya I call it Charging day!

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon