Chapter 27:

271 11 1
                                    

Aloney POV

“Tss Childish.” Napasulyap ako kay Grim Reaper dahil sa sinabi niya.

“Childish? Bakit naman aber?” tanong ko sa kanya at tuluyan siyang hinarap. Binitawan ko ang hawak kong notebook at humalukipkip sa harap niya.

As usual nandito kami sa Garden. Wala pa ang tatlong maiingay kaya kami lang ang nandito pero maya-maya lang ay pupunta din sila dito.

“Tss. Its Pooh.” Sabi niya at ininguso ang notebook ko na Pooh ang Cover.

“Cute naman si Pooh ah!”

“Yes he’s cute but pervert.”

“P-Pervert? Anong pervert! Mas manyak ka pa nga kay Pooh!”

“Tss. Like you pervert. Look he’s shortless.” Sabi niya pa at itinuro ang pangbaba ni Pooh.

Kasalanan ba ni Pooh na ginawa siyang shortless ng creator niya? Ipinapakita lang ni Pooh na hindi lahat ng nakahubad ay dapat pagnasaan.

Napairap ako sa kanya. Pervert daw  si Pooh! ‘Luh! Ano ngayon kung shortless siya? Wala namang makikita. Kahit nga hubarin niya pa ang damit niya ay wala siyang maaakit.’

Hindi na ako umimik at nagsimula na akong magsulat. May mga lectures kasi ako na hindi nakopya kanina. Nakahingi kami ng soft copy sa lesson pero may mga key points pa kasing isinulat ang Prof sa White board.

Talino nga ni Grim Reaper eh. Biruin mo nagpapakahirap akong magsulat kanina tapos siya pinicturan niya lang ang board. Sa bandang huli ay hindi rin ako natapos kaya hiniram ko na lang ang phone niya.

Napatalon ako sa gulat ng biglang mag vibrate ang cellphone niya na hawak ko. Mabuti na lang at hindi ko naihagis.

Diego.

Iyan ang nakaregister sa screen. Hindi ko kilala kung sino si Diego baka kaibigan niya.

“Grim Reaper may tumatawag sayo.”Sabi ko at ipinakita sa kanya ang screen.

Mabilis niya iyong kinuha at sinagot. Lumayo siya ng konti sa akin pero may pagkatsismosa ako kaya lumapit ako ng konti para mapakinggan ang pinag uusapan nila.

“Did You find her?…. I need to know asap.. Yeah…Lets talk at home.”

‘Sino ang pinapahanap niya? Her daw, edi ibig sabihin babae?’ Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang mapagtanto ko na babae talaga ang pinag uusapan nila.

Bakit naman siya magpapahanap ng babae? ‘Hindi kaya may kapatid siyang babae na matagal ng nawawala? O baka naman ex girlfriend niya ang pinapahanap niya! Oh no!’

“Tss. Its none of the above.” Napatingin ako sa kanya ng mapaghinala.

“Sigurado ka hindi mo ex girlfriend ang ipanapahanap mo?”

“Tss. Yes. Chismosa.” Nailing na sabi niya at ibinalik sa akin ang cellphone niya.

Kinuha ko naman yon at nagsimula ng magsulat ulit hindi pa ako nagtatagal magsulat ng bigla siyang tumayo. “I’ll buy some snacks.” Sabi niya kaya tumango nalang ako at nagsulat ulit.

Ilang sandali pa ay natapos na ako ngunit wala pa rin siya kaya ginamit ko muna ang cellphone niya. Inayos ko ang buhok ko at hinawi ang bangs ko upang Makita ang mukha ko  bago ako nag selfie. Nakailang pose na ako kaya naisipan kong tignan ang mga selfie ko.

‘Hihi ang cute ko dito.’ Mayroon kasi akong isang pose na  naka heart finger habang nakanguso. Ang cute kaya naisipan kong gawing wallpaper ni Grim Reaper. Hindi naman siguro siya magagalit kung papalitan ko ang plain niyang wallpaper ng picture ko diba?

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon