Chapter 16:

417 20 0
                                    

ALONEY POV

Maaga akong nagising at gaya ng nakagawian ay maaga akong nakarating sa University. Iba iba ang scehdule per course pero sanay talaga akong pumasok ng maaga. Mamayang nine pa ang pasok ko pero alas siyete palang ay nandito na ako. Hindi na ako masyadong naiilang sa bangs ko pero still nakayuko parin ako kung maglakad. Old habits are hard to die ika nga.

Papunta na dapat ako sa Garden para tumambay ng tawagin ako ng pamilyar na boses sa likod ko kaya naman huminto ako at lumingon sa kanila. Kinawayan ko sina Caleesha na ngayon ay papalapit sa akin.

“Anong oras ang pasok niyo?” tanong ko sa kanila nang makalapit sila sa akin.

“8:30 pa bakla. Ikaw anong oras ang pasok mo?” si Vicente na naghihikab pa.

“Mamaya pang nine. ” nakangiting wika ko.

“Buti naman at masasamahan mo kami sa Canteen.” sabi ni Katniss at tinulak ako patungo sa Canteen habang ang dalawa ay nakahawak sa magkabilang braso ko. Hindi na ako umangal dahil mukhang wala na akong kawala sa kanila.

“Kanina pa ako may napapansin sayo bakla.” panimula ni Vicente na ngayon ay kumakain ng palabok.

“Ano?” tanong ko bago sumubo ng binili kong sandwich.

“Para kasing iba ang aura mo ngayon kumpara kahapon na pumunta kami sa inyo. Para kasing may Something na nangyari. Care to share bakla?” malanding sabi niya at winagayway pa ang kamay sa malanding paraan.

Napatawa naman kami nina Katniss dahil sa kinilos niya.

“Oo nga Girl anong balita? Para kasing napaka positive ng aura mo ngayon?” sulsol naman ni Caleesha at sinundot sundot pa ang tagiliran ko kaya mas lalo akong napatawa.

“Hahaha Wala.” maikling sagot ko lang at ngumiti ng matamis sa kanila.

“Wala? Talaga lang Aloney ah? Kaya pala kung makangiti ka parang wala ng bukas.” natatawang sabi ni Kantiss at pakunwari pang umirap sa akin. Ngumiti lang ako habang sila naman ay nagtatawanan pa rin.

“Hayaan niyo na siya twinie ganyan talaga kapag inlababo.” nakangising sabi ni Vicente at inilapit kay katniss ang kutsara niyang may palabok na isinubo naman ng huli.

Natawa lang ako sa sinabi niya at inabot ang inumin na hawak ni Caleesha.

Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sa kanila ang nangyari kagabi kaya lang ay gusto ko munang namnamin ang pangyayaring iyon. I want to treasure that moment with the Grim Reaper. Alam ko naman na naiintindihan nila.

*****

Matapos naming kumain ay sandali pa kaming nanatili sa Canteen at nagkwentuhan. Nanggunguna sa kwentuhan ay si Vicente na ikinukwento ang tungkol sa crush niya na hindi daw siya crush kaya lalo kaming natatawa. Hindi rin naman nagtagal ay sabay sabay kaming lumakad paalis sa Canteen dahil papasok na sila at ako naman ay pupunta ng Garden.  Thirty minutes pa ang aantayin ko kaya doon muna ako tatambay.

Malapit na ako sa garden nang matanaw ko na nakaupo sa may ugat ng puno si Grim Reaper habang nakapikit.

‘Natutulog ba siya? Ang aga aga natutulog? Baka iba ang trip niya ngayon.’

Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Tinitigan ko ang buong mukha niya. Parang noong unang beses ko siyang makita. Mukha siyang anghel habang nakapikit.

Hinawi ko ng dahan dahan ang buhok niya na nakaharang sa may noo niya. Best asset niya para sa akin ay ang mga mata niya. Para kasing lagi siyang naka eyeliner dahil makapal ang pilik mata niya. Pero ngayong nakapikit siya ang gusto ko naman ay ang makakapal niyang kilay.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon