Chapter 22:

342 17 0
                                    

Aloney POV

"Sige na."

"No."

"Please?"

"No."

"Please? Sagutin mo lang naman e." pagpapapayag ko kay Grim Reaper.

"No."

Kanina pa kami nandito sa Garden kasama sina Caleesha. Kanina ko pa din siya pinipilit na sagutan ang slam note ko.

Tinatawanan na rin nila ako dahil sa pangungulit ko kay Grim Reaper. Paano ba naman para lang itong tuod na nakasandal lang sa puno. Malayo ito sa Royce na nakadate ko at nag confess sa akin. Bumalik ito sa tahimik at pa-ngisingising Grim Reaper.

"Sagutin mo lang naman ang slam note ko. Ano bang mahirap don?" naiiritang tanong ko sa kanya.

"Everything." sabi niya at pumikit lang.

"Everything?! Mahirap bang isulat kung anong pangalan mo? Kung ilang taon ka na? Mahirap bang magsulat ng tungkol sa pagkatao mo?" nakangusong sabi ko at lumayo sa kanya.

Gusto ko lang naman na sagutin niya ang slam note ko para naman kahit papaano may alam ako sa kanya.

"I have to go." halatang umiiwas na sabi niya at tumayo pero bago pa siya tuluyang makatayo ay napansin ko ang lungkot sa mga mata niya.

Bakit naman siya malulungkot? Dapat nga ako ang malungkot dahil ayaw niyang sagutin ang slam note ko e.

"See you in class." sabi pa niya bago siya tuluyang umalis.

Tinanaw ko lang siya habang papalayo siya sa akin.

'May Problema kaya siya?'

"Girl, Sigurado ka bang boyfriend mo na si Papa Royce? Para kasing nabigla lang siya sa pag amin sayo." biro ni Vicente nang tuluyan ng makaalis si Royce.

Tinignan ko siya ng masama kaya naman tinawanan niya ako.

"Biro lang girl. Huwag mo kong tignan ng ganyan nakakatakot haha." sabi niya at hinampas pa ang balikat ko.

Napasimangot na lang ako at humalukipkip na sumandal sa puno.

"Pagpasensyahan mo na si kuya Aloney. Ganon lang talaga siya. Hindi expressive." Katniss.

Napatango na lang ako kahit na medyo nagtatampo ako kay Grim Reaper. Bakit ba ayaw niyang sagutin ang mga simpleng bagay sa kanya? Alam ko naman na may tinatago siya sa akin. Ayoko lang magtanong dahil gusto ko na siya mismo ang magsabi sa akin ng mga iyon.

“Ai siya nga pala mga bakla may ibibigay ang diyosang si ako sa inyo!” pag iiba ni Vicente ng usapan at excited na hinalungkat ang bag niya.

Kinuha niya mula doon ang tatlong pouch na ibat iba ang kulay.

“Ano yan?” unang tanong ni Katniss.

“Bigay ito ni Mommy para sa inyong tatlo. Alam niyo naman na Cosmetics ang business namin diba? I told her about you guys and she cant wait to meet all of you.” maarteng wika ni Vicente at isa isang inaabot sa amin ang mga pouch.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Hindi niyo pa ba nakikita ang mommy ni Vicente?” tanong ko kina katniss at inabot ang color blue na pouch.

“Hindi pa. Lagi kasing busy ang mom niya at laging out of the country pa. Yayamanin din sina Bakla e.” nakangiting sabi ni Caleesha at inabot ang color pink na pouch.

“Soon girl makikilala niyo din si Mommy. Masyado kasi siyang private person at very busy sa mga negosyo niya kaya wala siyang masyadong time.” sabi ni Vicente at malawak na nakangiti sa amin.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon