Chapter 9:

442 30 2
                                    

Aloney POV

Nakayuko lang ako habang nakaupo sa loob ng Classroom. Ilang minuto na lang at mag uumpisa na ang klase ngunit tahimik lang ako na sinasaksak ang note book ko habang iniisip na si Grim Reaper iyon. Inis pa rin ako sa kanya dahil sa pag iwan niya sa akin. Pagkatapos niya akong pilitin na sumama sa kanya iiwan niya din ako?

Ramdam ko ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko iyon pinapansin. Manigas siya! Beast mode ako kaya wag siyang ano!

Patuloy parin ako sa ginagawa ko habang nakatingin ng masama sa notebook ko. Para akong tanga dito sa ginagawa ko pero paki ko? Naaasar ako!

“Tss. Baliw.”

Unti unti kong nilingon si Grim reaper habang nakangiti ng nakakakilabot at patuloy sa ginagawa ko sa kawawa kong notebook.

‘Damhin mo ang ganti ng isang api! Hahaha!!’ sa isip ko habang tumatawa ng parang mangkukulam.

Gulat ang ekspresyon sa mukha niya pero kaagad din iyong napalitan ng pagkakunot noo.

“Ayusin mo ang mukha mo, nakakatakot!” sabi niya at iminuwestra pa ang palad niya sa tapat ng kanyang mukha.

Nawala ang nakakatakot kong ngiti at napalitan iyon ng inis na mukha.

“Edi wag mo kong tignan!” sabi ko at tinutok pa ang ballpen na hawak ko sa kanya na para bang sasaksakin ko siya.

Kunot noo niya lang akong tinignan bago siya sumagot. “Tss. Weirdo.”

Sinamaan ko lang siya ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa ko habang pabulong na kinakanta ang Nanay, Tatay. Para akong Psycho ngayon pero wala akong pakialam. Nabubwisit ako!

Napahinto ako sa pagkanta ko nang may tumikhim mula sa harap ko kaya napaangat ang ulo ko.

“A-Aloney.” tawag sa akin ni Shara na ngayon ay nakatayo sa harap ko at mukhang nag aalangan.

Napakunot noo ako ng makita ko siya sa harapan ko.

“B-Bakit?” takang tanong ko at napahinto sa ginagawa ko.

First time may lumapit sa akin at tawagin ako sa pangalan ko pwera kay Grim Reaper. At mula pa iyon sa pangalawa sa pinakatahimik sa klase. Huwag niyo ng itanong kung sino ang una dahil obvious naman na ako. Paano ako mag iingay kung walang gustong kumausap sa akin?

“A-Ano k-kasi, b-baka gusto mong sumama s-sa a-akin m-mamaya ititreat s-sana kita ng m-meryenda.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya at tinignan siya ng matiim.

‘Ako ititreat niya ng miryenda? Kailan pa kami naging close?’

Mukhang nabasa niya ang nasa isip ko kaya muli siyang nagsalita.

“A-Ah K-kasi g-gusto s-sana k-kitang maging k-kaibigan. K-Kaya kung p-papayag ka ay gusto sana kitang I-ilibre mamaya.” dahilan niya habang hawak ang magkabilang gilid ng kanyang palda na para bang tense na tense.

Gusto niya akong maging kaibigan? Parang biglang kumabog ang puso ko. Ito ang unang beses na lapitan ako ng isang tao at sabihing gusto niya akong maging kaibigan. Oo ilag ako sa mga tao pero hindi ibig sabihin ay ayoko ng magkaroon ng kaibigan. Gusto ko ng kahit isa o dalawang kaibigan na pwede kong makasama.

‘Ito na ba yon? Magkakaroon na ba ako ng kaibigan?’

Parang biglang nagningning ang mga mata ko at sunod sunod na napatango.

“O-Oo gusto ko!” walang pagaalinlangang  saad ko at bahagya pang hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko. This is it na ba? First step na ba ito? Kaibigan na ang lumalapit tatanggi pa ba ako? Bwahahah!

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon