Chapter 13:

388 26 5
                                    


Kanina pa ako nakatingin sa salamin at sinusuri ang buhok ko. Hindi talaga ako makapaniwala na sa simpleng bangs lang ay nag iba ang itsura ko. Kahit si Mama ay nagulat kaninang pag uwi ko. Matapos ko kasing pumayag sa suggestion nina Caleesha ay wala na silang sinayang na oras at dinala kaagad nila ako sa isang parlor. Pinalagyan lang nila ako ng bangs.
Sabi nila ay kahit na iyuko ko pa ang ulo ko ay wala ng mahabang buhok na haharang sa mukha ko. Medyo hindi lang ako sanay pero ok na din ito. Naging maaliwalas ang pakiramdam ko.
Pumunta na ako sa may kama ko at nahiga.

May gusto nga kaya sa akin si Grim Reaper kagaya ng sinabi nila katniss? Dahil sa sinabi nila kaya lumakas ang loob ko. Gusto ko din kasing magustuhan ako ni Grim Reaper.

Kinuha ko ang unan sa may tabi ko at niyakap iyon.

Paano kung di niya magustuhan ang bangs ko? Paano pala kung mali ang akala ko? Ang akala namin? Paano kung wala naman pala talaga siyang gusto sa akin? Paano kung mabalewala ang ginawa ko para mapansin niya?

Napabuntong hininga na lang ako.

Kinuha ko ang Cellphone ko at nagtype ng itetext kay Grim Reaper.

To Grim Reaper:

Hi! May gagawin ka ba bukas? Pwede ba tayong magkita?

Hindi kaya masyadong feeling close ito? Binura ko iyon at nagtipa ng panibago.

Grim Reaper, magkita tayo bukas libre mo ko.

Napailing ako at muli iyong binura. Ahhh! Ano ba ang sasabihin ko? Atsaka bakit kailangan ko pa pala siyang itext? Eh may pasok naman talaga bukas?

‘Gusto mo lang magkaroon ng dahilan para itext siya’ bulong ng isang bahagi ng isip ko.

Yeah! Sabi ko nga! Binitawan ko ang Cellphone ko at tumitig sa kisame. Sana talaga ay maging maayos ang mangyayari bukas.

****

Naglalakad na ako papunta sa una naming subject. Medyo naiilang ako dahil  halos lahat ng estudyanteng nadadaanan ko ay nakatingin sa akin. Walang sumisigaw ng sadako at wala ring mga nagtatawanan.

“Dude transfer student ba yan? Cute niya.”

“Oo nga.”

“Para ngang may ka built siya ng katawan.”

“Napansin mo din pala pre. Akala ko nga si Sadako kasi laging nakayuko e.”

“Lol haha ang cute naman ni Sadako!”

Napayuko nalang ako dahil sa pagkahiya. Nagpabangas lang hindi na nakilala, ano to? Nagevolve ba talaga ako?

“Aloney!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Halatang nagulat din ang mga nakarinig dahil sa tinawag ako ni Vicente. Hindi ko alam kung kilala nila ako sa pangalan ko o kilala lang nila ako sa pangalang sadako kaya nagkibit balikat na lang ako. “Vicente!” bati ko sa kanya at inintay siyang makalapit sa akin.

“Girl! Ang ganda mo! Nagbangs ka lang nag transform ka na!” nakangiting wika niya at inayos ayos pa ang bangs ko.

“Hehe Naiilang nga ako. Kanina pa kasi nila ako pinagtitinginan.”

“Masanay ka na girl! Ang ganyang ganda inilalabas hindi tinatago.”

Numiti na lang ako dahil sa sinabi niya.

“Wait Aloney. May kulang sayo para maging Diyosa ka ng kagaya ko.” pigil sa akin ni Vicente kaya napahinto ako. May kinuha siya sa bag niya pagkatapos ay hinarap na ako.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon