Chapter 7:

510 41 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas matapos naming pumunta sa University.

Inihatid lang ako ni Grim Reaper sa bahay namin at nagmamadali na ulit siyang umalis. Badtrip kasi ang lolo niyo sa hindi ko malamang dahilan.

Pero mula ng araw na iyon na narealize kong crush ko siya ay hindi na naging tahimik ang utak ko. I mean, alam kong maingay ang utak ko pero mas lalong umingay ang utak ko dahil kay Royce.

Matapos ang araw na iyon ay lagi ko na siyang naiisip. Kapag nanonood ako ng K-Drama mukha niya ang nakikita ko sa Screen. Kapag naman nagbabasa ako ng wattpad siya ang naiimagine ko na lead Character at kahit saan ako humarap ay mukha niya lagi ang nakikita ko.

Naghahallucinate na ata ako dahil laging mukha niya ang nakikita ng mga mata ko.

Alam ko! Aminado naman ako na Crush ko siya pero ganito ba talaga pag may Crush? Parang naloloka na ako. Kagaya na lang ngayon, nandito na ako sa Classroom. Lagi naman akong maagang pumapasok pero ngayon lang ako nainip ng todo at dahil iyon sa kakahintay kay Grim Reaper.

Parang ang isang oras na paghihintay ay katumbas ng sampung taon para sa akin.

Kanina pa ako nakatingin sa pinto at nag aabang kay Grim Reaper.

Unti unti ng dumadami ang mga kaklase kong pumapasok pero wala sa kanila ang hinahanap ko.

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa may bintana.

‘Bakit wala pa si Grim Reaper? Namimiss ko na siya.’

Nangalumbaba ako sa mesa at parang tanga na hinipan hipan ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha.

Bakit ba ang tagal niyang dumating?

‘Namimiss na talaga kita.’

“Sinong namimiss mo Weirdo?”

“Ikaw.” wala sa sariling sagot ko ngunit mabilis din akong natigilan.

Napalingon ako sa tabi ko at gayon na lang ang gulat ko ng makita si Grim Reaper na nakangisi sa akin.

Umupo siya sa katabi kong upuan at isinabit niya ang kanyang bag sa likod ng kaharap niyang upuan.

“Namimiss mo ako?” nakangising tanong niya at inilapit pa ang upuan niya sa akin.

Napaatras ang ulo ko nang pati mukha niya ay bigla niyang inilapit sa mukha ko.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Para akong matatae na maiihi dahil sa pagkakalapit ng mga mukha namin.

Ewan ko at parang tumigil na naman ang puso ko sa pagtibok. At mukhang nakalimutan ko na namang huminga dahil sa pagkakalapit namin.

“H-Hindi! H-Hindi ikaw ang tinutukoy ko!” Pagsisinungaling ko at inilayo ang mukha niya sa akin gamit ang palad ko.

Kung hindi ko iyon ginawa ay baka mamatay ako dahil mismong utak ko ay nakalimutan kung paano huminga.

Naiinis na inihilamos ni Grim Reaper ang kamay niya sa kanyang mukha at tinignan ako ng masama.

Nag peace sign naman ako sa kanya. “Maysado kasing malapit ang mukha mo sa mukha ko. Baka magkapalit tayo ng mukha.” nakangiwing dahilan ko.

Tinignan niya lang ako ng masama at umayos na siya ng upo bago nagbawi ng tingin.

Parang tanga na napapangiti nalang ako. Nangalumbaba ako at tinitigan siya.

Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko lalo pa at nakasuot na siya ng Uniform. Bagay na bagay sa kanya ang suot  niyang puting uniform. Lalong umaangat ang kagwapuhan niya kumpara sa iba.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon