Chapter 18:

346 23 2
                                    

Dedicated to AprilyDyosa
Thank you for reading.

Aloney POV

Dalawang araw na mula noong manggaling sa amin si Royce at dramahan ko siya ng mala Toni Gonzaga. Sa loob ng dalawang araw na iyon ay iniiwasan niya ako. Una ay lumipat na siya ng upuan. Dati ay nasa tabi ko siya nakaupo ngayon ay nasa likuran ko na siya. Pangalawa, kapag magkakasalubong kami sa hallway ay bigla nalang siyang lilihis ng daan. At pangatlo ni hindi na niya ako tinitignan.

Dati naman ay kahit nireject niya ako ay hindi niya ginawa ang mga yon.  Ano bang trip niya talaga sa buhay? Dapat ako ang umiwas sa kanya pero nabaliktad ata ang mundo at siya ngayon ang umiiwas sa akin. Sa mga pinanood namin na movies ay leading lady lagi ang umiiwas pero bakit ngayon ay siya pa ang todo iwas sa akin? Ano yon, Gusto niya ring maging leading lady?

Napakagat ako ng labi para mapigilan ang mga luha ko.

Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang boses niya, ang pagsusungit niya, ang pagtawag niya sa akin ng weirdo, lahat ng tungkol sa kanya ay namimiss ko na. Para na nga akong baliw sa kakaisip sa kanya.

Bigla akong napatingin kay Vicente dahil pumitik siya sa harap ko na nakaagaw ng atensyon ko.

"Bakit?" tanong ko dahil nakatingin silang tatlo sa amin.

"Kanina ka pa namin tinatawag bakla. Naglakbay na naman ang utak mo sa outer space." Vicente.

"Anyare sayo? Para kang nalugi." Puna naman  ni Katniss.

Wala sa sariling nahawakan ko ang mukha ko.

Siguro nga nalugi ako. Luging lugi ako dahil kay Grim Reaper. Wahhhh!

"Iniiwasan ako ni Royce!" parang batang sumbong ko sa kanila.

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Katniss.

Ikinuwento ko sa kanila ang ginawang pag iwas sa akin ni Grim Reaper habang sumisinghot singhot pa.

"Baka nadala sa acting mo girl. Dapat kasi hindi linya ni Toni Gonzaga ang ginamit mo." sabi ni Caleesha na para bang nag iisip pa ng ibang dahilan dahil nakatingala siya at nakahawak ang hintuturo sa kanyang sentido.

"Right day! Dapat kasi linyahan muna ni Andi Eigenman-- I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng puso ay kasing tibay ng sa akin." wika ni Vicente at nag feirce pa.

"Ah! Bet ko yan baks!" tili naman ni Caleesha at nag apiran pa silang dalawa habang ako naman ay napanguso lang.

"Hindi kayo nakakatulong." sabi ni Katniss at sinamaan pa ng tingin ang dalawa bago bumaling sa akin. "Kung iniiwasan ka niya edi iwasan mo din siya." seryosong sabi niya kaya maging ang dalawa ay napatingin sa kanya.

Napakunot ang noo ko at akmang magsasalita ng unahan ako ni Caleesha.

"Oo nga no, para quits na kayo edi iwasan mo din siya." bulalas niya kaya nabatukan siya ni Katniss. "Masakit ah!" angal niya at inirapan ang kanyang kambal.

"Iwasan mo din siya para makita niya na balewala lang siya sayo. Sa pamamagitan non ay malalaman natin kung may gusto talaga sayo si kuya."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Katniss. Sabagay may punto si Katniss pero paano kung wala siyang gusto sa akin?

Mukhang nabasa ni Vicente ang nasa isip ko kaya siya na mismo ang sumagot.

"Edi kung wala siyang gusto Goodbye papa Royce na."

"Ha?! Hindi pwede!" sigaw ko dahil sa kaisipang iyon.

"Chill girl! Paano kung meron edi happy ending?" Caleesha.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon