Chapter 28

219 10 0
                                    


Aloney POV


“WHAT?!” gulat na sabi ni Caleesha pagkatapos kong  ikuwento ang nangyari kahapon sa pagitan ni Royce at Fhiarra.

Matapos ang nangyari kahapon ay naging ok din kami ni Grim Reaper. Naniniwala ako na hindi naman talaga niya gusto ang halik ni Fhiarra.

At saka kita ko naman na si Fhiarra ang humalik at hindi si Royce kaya hindi naman ako nagalit ng todo sa kanya.

Napatingin ako kay Vicente na  ngayon ay nasa likod ni Caleesha at tinitirintas ang buhok nito.

“Nako girl dapat hinila mo ang buhok ng Fhiarra na yon! Malantod pala siya!” Nanggigigil na sabi ni Vicente habang hinihigpitan pa ang paghawak niya sa buhok ni Caleesha na parang nananabunot.

“Hoy bakla wag buhok ko ang panggigilan mo!” suway ni Caleesha kay Vicente at tinapik pa nito ang kamay ng huli.

“Dapat hindi ka tumakbo! Sinubsob mo sana ang mukha niya sa Pader! Ang lakas manghalik ng boyfriend ng may Boyfriend!” galit din na sabi ni Katniss.

“Grabe, ang bubrutal niyo naman.” naiiling na sabi ko sa kanila.

“Ay nako girl, kapag hindi ka naging tigre sa mga babaeng umaaligid kay kuya ay masusulot siya sayo!” babala ni Caleesha.

Napaisip ako sa sinabi ni Caleesha. Ayokong ma agaw siya ng iba sa akin pero ayoko din namang mag karoon ng kaaway. Kapag naiisip kong maghihiwalay palang kami ni Royce ay parang maiiyak na ako.

“Minsan girl kailangan mo ding maging matapang para maprotektahan kung ano ang sayo.”Katniss.

“ Hindi naman masama yon bastat wag lang sosobra at isa pa kung kagaya ng Fhiarra na yan ang sasabunutan mo ay  nako papalakpak pa si God dahil matuturuan mo ng leksyon ang kampon ni satana.” pabirong sabi ni Vicente kaya napatawa kaming tatlo.
Saktong pagkatapos itirintas ni Vicente ang buhok ni Caleesha ay saka ko naalala ang laban ni Royce ngayon.

Ngayon na ang Competition para sa magiging official Representative ng De Montfort University at kasama sa mga maglalaban si Grim Reaper.

Bigla akong napatayo kaya napatingin sila sa akin.

“Nakalimutan ko! Ngayon pala ang competition para sa pipiliing maging official representative ng IQ challenge!” bulalas ko at mabilis na kinuha ang bag ko.

“Oo nga pero alas tres pa yon girl.” paalala ni Katniss.

“Pero alas dos na oh! Baka mag umpisa na yon.” sabi ko at hinila ko patayo si Katniss habang ang dalawa ay tumayo na din.

Aangal pa sana ito ngunit hinila ko na siya paalis sa garden.

“Bilisan niyo Vicente. Magsisismula na!” tawag ko kina Vicente habang nangunguna ako sa pagpunta sa Gym.

“Atat lang girl? Hindi pa yan nag iistart, CR muna tayo.” sabi ni Vicente at hinila ako patungo sa gawi ng CR.

Magpoprotesta sana ako kaya lang ay nakisingit din si Katniss at Caleesha.

“Oo nga, mamaya pa mag iistart yan. Mag Cr muna tayo at mag aayos lang ako ng konti.” Katniss.

“Ako naiihi na kanina pa.” sabi naman ni Caleesha kaya napapayag na ako.

Malapit na kami sa CR ng biglang lumitaw si Fhiarra sa harap namin at nakahalukipkip na nakatingin sa akin kaya otomatikong napahinto kami.

Kita ko ang sabay sabay na pagtaas ng kilay ng tatlong kasama ko at ang paghalukipkip din nila kaya napailing nalang ako sa isip ko.

That Introverted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon