I am inside my room right now. I'm getting ready for my first day as a university student. As a 17 year old girl, I wanted to have a simple life... at least. But reality strikes when I see the necklace that I am wearing. It has a crown pendant. It was my 16th birthday gift from my Mama. Hinakawan ko ito at napangiti habang nakaharap ako sa salamin.
Okay lang naman sa akin na maging isang prinsesa. At least, hindi ako nakapila sa crown. Medyo mas may kalayaan ako compared noon kay Kuya Kael. Gusto ko talaga mag-film kaya buti na lang at suportado ako nila Kuya, Unnie pati na rin nila Mama at Papa. Kahit prinsesa pa rin ako, mas gusto ko talaga lahat simple lang. Ganito siguro ang nasa isip ko dahil buong buhay ko, everything needs to be worthy for a royalty.
Kaya okay lang din sa akin na magmahal ng isang commoner.
"Princess Nathalie Ysobel, asan ka na?" sigaw ng isang lalake sa may pinto ko.
"Kuya! Teka lang ha!" Nagmadali naman akong magsuklay ng buhok at lumabas na ng kwarto.
"Ang tagal-tagal mo. Kanina pa naghihintay si Tavi." pagalit ni Kuya Kael sa akin.
"Eh kasi naman kuya, nagfafly away yung buhok ko." sabi ko sa kanya habang sinusuklay ang aking bob na hair.
"Bilisan mo na. Pumasok na kayo ni Tavi at baka ma-late pa kayo." sabi niya sa akin.
"Ma-mimiss ko rin ako kuya pagnag-18 na ako." pang-aasar ko sa kanya habang tumatakbo pababa papuntang dining area.
"I can't wait for you to be 18! Next next month na yun kaya lilipat ka na sa West Palace." natatawa niyang sabi habang nakasunod sa akin.
Dumating na ako sa dining area at nakita ko ang aking pre-school na pamangkin. Nandun na rin si Sarang Unnie at Kuya Liam.
"Bilisan mo na, Nat at baka ma-late pa kayo." sabi ni Sarang Unnie.
"Good morning, Unnie, Kuya Liam, and Baby Tavi!" bati ko sa kanila at hinalikan sa ulo si Tavi.
Nagbreakfast lang kaming pamilya. Sila Mama Cate at Papa Nathan ay naiwan sa Shillim. So much for their second honeymoon. Kung hindi ko iisipin ang edad nila Mama at Papa, iisipin ko pang magkakaroon ako ng bunsong kapatid. After kasi manahin ni Kuya ang pagiging hari ng Isle Bellagio ay pumunta na sila sa aming rest house. Doon na nga halos sila nakatira. Okay lang din naman dahil napupuntahan namin sila at nakakapagbakasyon kami.
Habang kumakain ako ay napansin kong iba ang luto ngayong breakfast.
"Butler Kim, bakit parang iba ang luto ngayon?" tanong ko sa butler ko.
"Yes, Princess Nathalie. Ang nag-luto po ngayon ay ang bagong intern ng royal kitchen. Hindi po ba masarap? Sasabihin ko po sa kanila." sabi naman niya.
"Ay hindi. Actually, I really liked it. Masarap po ang luto. Pasabi na lang po sa kanila." sabi ko.
"I agree. Naubos din ni Tavi ang pagkain niya. Please tell the kitchen na siya na ang magluto ng breakfast namin everyday." sabi naman ni Kuya Kael.
"Me likey the pancakes, Mommy!" masayang sambit naman ni Tavi.
Dali-dali namang nagpunta si Butler Kim sa royal kitchen para ibalita ito. Pagtapos namin kumain ay hinatid na kami sa eskwela. First day ko ngayon kaya excited akong pumasok sa Isle Bellagio University. Nakakatuwa dahil ang gusto kong major talaga ang kukunin kong course. Excited na akong gumawa ng mga pelikula pagkatapos.
"Nat!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
"Kinnosuke?!" takang tanong ko.
"Yes! The one and the only!" he smirked.
![](https://img.wattpad.com/cover/155812938-288-k49042.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...