I FELT so warm and cozy. Pinilit kong sumiksik sa katabi ko. Ngayon lang ako nakatulog ng sobrang kalmado at payapa.
I tried moving hanggang sa mapangiti ako sa sensasyon na dala ng pagsisiksik ko. I felt happy kapag mas lalo akong sumisiksik.
"Hmmm..." sabi ng katabi ko.
Sa narinig ko ay awtomatiko naman akong nagising. Bumilog ang mata ko sa nakita ko. Walang pangtaas ang katabi kong si... si...
Cross!
Tiningnan ko rin ang sarili ko at nagulat dahil ang pangloob kong sando na lang ang suot kong pang-itaas. Nagmadali naman akong hanapin ang damit ko at nakasampay ito sa sofa. Nakahiga pala kami sa carpet ng bahay niya.
Sinubukan kong hindi gumawa ng ingay para hindi magising si Cross. Kita ko ang himbing ng tulog niya... at dahil sa itsura namin ngayon ay alam kong wala akong mukha na ihaharap sa kanya.
Nakalabas naman ako ng bahay niya na nasa second floor pala ng restaurant niya. Dahan-dahan akong bumaba sa kabilang hagdan. Mabuti na lang at may isa pa itong hagdan na nasa labas ng building. Pagbaba ko ay lakad takbo ang ginawa ko para makabalik sa hotel. Mabuti na lang at malapit lang ito.
Pagpasok ko ng kwarto ay nagulat si Kai sa akin.
"Bakit ngayon ka lang!?" saway niya sa akin.
"Nalasing ako kagabi!" inis kong sabi at tinapon ang sarili ko sa kama.
"Nalasing ka?! Saan ka tumuloy?" tanong niya at tumabi na sa kama.
"Kay Cross! Sa unit ni Cross! Nakakahiya!" sabi ko sa kanya.
"Anong nangyari kagabi?" tanong niya.
"Uminom kami nung apple wine... tapos..." pinipilit kong maalala ang mga nangyari.
"Nabaliw na ako. Nakikita kita oh!" tawa ko habang nagdadrawing sa hangin.
"Lasing ka na." sabi niya.
"Aaaaah!" sumigaw lang ako nung naalala ko ang mga nangyari kagabi!
"Uminom ka ng tsaa. Mabuti na lang at nagpadala ako kanina sa room service. Bilisan mo at nandiyan na sila Direk Voltaire." sabi niya.
"Ha? Anong ginagawa niya dito?" tanong ko.
"Nakalimutan mo na ba?! First shooting day natin ngayon!" hila niya sa akin papuntang banyo.
"Shoot!!!" nagpatulak na ako sa banyo at nagmadaling maggayak.
Paglabas ko ay nilipat na ni Kai ang tsaa sa isang tumbler. Pagbaba namin sa reception ng hotel ay nandun na ang team namin.
"Oh? Bakit ka naka-shades?" tanong ni Direk sa akin.
"Puyat lang, direk. Tsaka tirik ang araw." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...