Sixteenth Dish

89 2 0
                                    

DALAWANG linggo na mula nung binigyan ko ng cookies ulit si Cross. Dalawang linggo na rin siyang hindi nakikita. Pinagbakasyon kasi siya ng dalawang linggo pagkatapos ng boards kaya umuwi muna ito sa Roppin.

Dalawang linggo na rin akong nababagabag sa nangyari sa amin ni Cross. Masyado ba akong naging harsh? Naging honest lang naman ako sa feelings ko sa kanya eh. Gusto ko na kasing maliwanagan. Gusto ko ng malaman talaga kung ano bang nararamdaman niya sa akin para hindi naman ako mukhang tanga na naghihintay sa kanya.

"Uy, Nat!" tawag sa akin ni Kailyn.

"Ano ba yun?" tanong ko.

"Kanina pa ako nagkekwento pero ang layo ng tingin mo. Iniisip mo pa rin ba siya?" nagtataka niyang sabi.

"Wala. Ano na nga ulit yung kinekwento mo?" tanong ko.

"Si Freid, nagyayaya na pumunta sa Hong Kong para makapag-out of the country sila ni Ate Krizell. Papayag ba ako?" tanong niya.

"Kai, masyado ka naman ata magiging martyr nyan. Ano naman gagawin mo dun? Third wheel? Lalo mo lang sasaktan ang sarili mo." sabi ko sa kanya at uminom na ng milkshake.

Nandito kami ngayon sa pool ng palasyo. Napagdesisyunan naming magswimming ngayong araw habang busy si Kinnosuke sa training niya sa basketball. Nakapasok na kasi ito sa varsity.

"Eh gusto kong makasama si Freid. Gusto ko alam ko lagi ang ginagawa niya. Lalo na kapag kasama niya si Ate Krizell." sabi niya at uminom ng mango juice.

"Pero kasi Kai... Lalo mong sasaktan ang puso mo sa gagawin mo. Kung sa tingin mo ay mag-iiba ang feelings ni Freid sa'yo ay malayo pa sa katotohanan na mangyari iyon. Alam naman natin kung gaano siya ka-inlove sa pinsan mo." sabi ko.

"I'm digging my own grave, Nat. Ang hirap magmahal kapag alam mong hindi ka naman niya talaga mahal." yumuko siya.

Tinapik ko lang ang likod ni Kai to comfort her. Kung masakit na yung mga nangyari sa akin, mas masakit ang pinagdadaanan ni Kailyn. Sa mata ng lahat ay siya ang fiancée ng lalaking pinakamahahal niya pero hindi naman siya ang nagmamay-ari ng puso nito. Kailyn really loves him na kahit sarili niyang kasiyahan ay kaya niyang isakripisyo para sa taong mahal niya.

Pagtapos naming magswimming ay umuwi na rin si Kailyn. Bigla kasi itong pinatawag ng Papa niya dahil magpaplano daw ito para sa Hong Kong trip nila. Bagsak ang mga balikat naming dalawa nung ihatid ko siya sa pinto ng palasyo. Ayaw pa sana niyang umalis dahil pangsamantala ay gusto niya munang kalimutan ang nagpapasakit sa kanya.

Dinner time na nung nagkita kami nila Kuya Kael. Galing kasi sila nila Sarang unnie sa isang event sa Girin.

"Kamusta naman ang bakasyon mo, Nathalie?" tanong ni Kuya Kael.

"Okay naman, Kuya. Nandito si Kailyn kanina. Nagswimming kami." sagot ko.

"About Kailyn, I heard from her mom na may fiancé na siya. Totoo ba yun?" tanong ni Sarang unnie pagkatapos subuan si Tavi.

"Yes po, unnie. Si Freidrich Zhang po ang kanyang mapapangasawa." sabi ko at kumuha ng vegetables.

"Zhang? Zhang Corporation?" tanong ni unnie.

"He came from a good family kaya siguro ganun na lang sila ka-excited na ikasal sila." sabi naman ni Kuya Kael.

"Excited?" taking tanong ko.

"They are already processing their wedding registration. Umakyat na sa office ko ang request nila. Hindi ko pa napipirmahan pero naibigay na sa akin ni Butler Lee ang papers kanina." sabi niya at kumain.

Kaya ba minadali siyang pauwiin kanina? Nalulungkot ako para kay Kailyn. Matatali siya sa kasal na siya lang ang nagmamahal. Kaya ayaw ko ng arranged marriages!

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon