Twenty-seventh Dish

100 3 0
                                    

MAAGA kaming nakarating ng Roppin. Nag-eroplano kasi kami ni Kailyn papunta rito. Ayaw niya daw magland travel dahil matatagalan lang kami. Pagdating namin sa airport ng Roppin ay sinundo naman kami kaagad ng aming hotel. Nagcheck-in lang kami tapos lumabas na ulit.

"May free breakfast naman tayo sa hotel. Bakit kailangan pa natin lumabas?" tanong ko kay Kai.

"May nabasa kasi akong article na may relatively bagong restaurant dito. Tapos laging pinupuntahan ng tao dahil masarap ang menu. At Nat, ang specialty nila ay breakfast!" excited na sabi ni Kai.

"Eh bakit tayo naglalakad?" tanong ko.

"Kasi 5 minutes away lang naman ang layo nun dito. Di ba mahilig kang maglakad? Tara na! Nagugutom na ako." hila niya sa akin.

Totoo nga ang sabi ni Kailyn. Limang minuto lang ang nilakad namin at narating namin ang isang simpleng restaurant.

"J'adore Les Pommes?" basa ko sa signage ng restaurant.

"Maaga pa. Wala pa masyadong tao. Tara na sa loob!" hila ulit sa akin ng excited na Kai.

Umupo kami malapit sa bintana. May menu na doon at may pipindutin lang na tablet sa gilid para mag-order. High tech ang lugar kahit ang homey ng feeling sa loob.

"Apple Sausage Breakfast?" I remember Cross' dishes.

"Di ba favorite mo yan? I remember nung college tayo, yan lagi baon mo." sabi ni Kailyn.

"Yeah. That was when he was still around. Kahit anong gaya nila Chef Lou ay hindi nila magawa hanggang sa nasanay na lang ako sa normal na breakfast." sabi ko habang nagpipindot sa tablet ng order ko.

"Mabuti na lang you got over that freaking stomach flu. Naiinis pa rin talaga ako kay Kinnosuke pero sana ay okay siya ngayon." sabi niya at siya naman ang um-order.

Kinnosuke changed universities after what happened. Hindi na rin siya nagparamdam sa amin. Nasasayangan ako sa pagkakaibigan namin. Oo, nagalit ako sa ginawa niya sa amin ni Cross pero I cannot change the fact na naging matalik ko siyang kaibigan. 

Medyo matagal sinerve ang order namin kaya pinag-usapan muna namin ni Kai ang mga pupuntahan namin na pwedeng possible location ng movie namin. Syempre kasama na dito ang magandang beach ng Roppin.

"Sorry kung natagalan ang order. Bumili pa kasi kami ng apples." sabi ng nag-serve sa amin ng pagkain.

"Salamat po..." tingin ko sa nag-serve.

Pareho kaming nagulat. Bigla na lang siya ngumit ng malapad pero ako ay hindi pa rin nag-iiba ng expression.

"Nathalie!" bati niya.

"Tita Stella!" tumayo naman ako at yinakap siya.

"Naku, iha! Mabuti at napadayo kayo dito. Kamusta ka na? Ang tagal na nung huli tayong magkita!" masiglang sabi ni Tita Stella.

"Okay naman po. Naghahanap lang po kami ng location para po sa movie na gagawin namin. Siya nga po pala ang kaibigan kong si Kailyn. Producer din po ng movie." pakilala ko kay Tita Stella.

"Magandang umaga po." bati naman ni Kai.

"Magandang umaga rin, Kailyn. Naku, matutuwa si Cross kapag nalaman niyang nandito ka." sabi ni Tita habang hawak ang kamay ko.

"Nandito po si Cross?" tanong ko.

"Oo naman. Sa kanya tong restaurant na to. Isang taon na nga ito eh." aniya.

Nilibot ko ang paningin sa paligid ng restaurant. May sarili na siyang restaurant.

"Sayang nga at umalis siya sa Royal Palace agad. Yun pa naman ang pangarap niya noon pa. Ang makapagluto sa Royal Kitchen. Pero sabi niya ay okay na rin na may sarili siyang restaurant." sabi ni Tita Stella.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon