Sabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated.
But what if it is more than that?
Can you love me, chef?
*The Cross and...
TWO months have passed. Naging masaya ang program na ginawa namin ni Kailyn. Sobrang naging busy kami doon kaya wala kaming naging oras para isipin ang mga iniwan namin sa Isle Bellagio. Marami kaming nakilala na mga kasing edad namin at mga kaklase. May mga nagparamdam pero hindi namin in-entertain dahil mas focused kami sa program. Nakadalawa kaming short film ni Kailyn doon at nakakuha ng mataas na marka. Ang sabi pa nung prof namin doon ay kailangang ipalabas daw iyon sa IBU pagbalik namin.
"Is he going to fetch you, Kai?" tanong ko sa kanya habang naghihintay na mag-board ng eroplano.
"No. Hindi nila alam na babalik na ako ngayon. Ikaw ba?" tanong naman niya.
"Kuya knows our itinerary. Malamang pagbaba natin ng eroplano ay nakaabang na si Butler Kim sa atin." sabi ko.
"Can I hitch? Alam mo naman na sinagad ko ang pera ko sa pagshoshopping kahapon." nakangiti niyang sabi.
"Walang problema. Ubos yung allowance natin sa skin care at mga damit." natatawa kong sabi.
"Balik tayo dito sa bakasyon, Nat." sabi niya.
"Kapag hindi ka pa kasal. Sana ay hindi pa napipirmahan ni Kuya ang wedding registration niyo." sagot ko.
"Sana nga. Hindi na ako binalitaan ng mga magulang ko eh." sabi niya habang tinitingnan ang cellphone.
"Hindi rin sinasabi ni Kuya kung napirmahan na niya eh. Pagbalik natin ay malalaman natin yan." sabi ko sa kanya.
"Ikaw ba? Handa ka na bang makita siya?" tanong niya.
"Sinong siya?" walang gana kong sagot.
"Stop pretending. You know who I am talking about." sabi niya at ngumisi.
"Whatevs. Empleyado ko siya. Yun lang yun." sabi ko sa kanya.
Alam kong nagtatrabaho pa rin siya sa palasyo. Sa West Palace pa rin siya naka-assign. Pero dahil wala nga ako ng dalawang buwan, sa main palace muna siya nagtrabaho. Ganun rin ang ibang katiwala sa West Palace.
Simula nung gabing yun ay wala na akong naging balita kay Paulina. Akala ko ay may maririnig pa akong balita tungkol sa kanya kahit ang paglabas niya sa ospital pero wala talaga. Hindi ko na masyadong inusisa iyon dahil paninindigan ko ang sinabi ko. Pinutol ko ang koneksyon ko sa kanya.
"Teka lang ha. Look!" turo ni Kai sa upuan na limang rows ang layo sa amin.
"Anong meron?" tanong ko sa kanya.
"That cute guy is looking at you. Kanina pa." sabi niya at ngumiti.
Napatingin naman ako at mukhang cute nga si kuya pero binalik ko na lang ang atensyon ko sa librong hawak ko.
"Iba ka, Nat. Totoong humaba nga ang buhok mo." sabi niya.
"Totoo namang humaba talaga ang buhok ko." hinawakan ko ang buhok ko.
Sa dalawang buwan ay humaba na ang buhok ko. At para mas lalo pang humaba ay nagpakabit ako ng hair extensions. Marami kasi ang nagsabi sa akin na mas bagay daw ang mahabang buhok.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.