SA SOBRANG abala ko sa school deadlines ay nawala na muna pansamantala ang gulo na ginagawa ng puso ko. Pagtapos nga nung nagkastomach flu ako ay lagi na akong dinadalhan ni Kuya Ben ng pagkain galing sa palasyo. Kapag kumakain kami nila Kailyn sa cafeteria ay inaasar pa niya ako dahil araw-araw ko na daw makakain ang luto ni Cross. Mula umaga hanggang gabi. Kita ko rin ang inis ni Kinnosuke tuwing inaasar ako ni Kai.
I just brushed everything off.
Mas kailangan akong pagtuunan ng pansin. Marami akong kailangang I-edit na school projects kaysa magfocus sa love love na yan. Sabi nga ni Sarang unnie sa akin nung nag-usap kami...
"Ang love, darating yan kapag handa ka na. Kapag wala ka ng excess baggage. Kapag alam mong handa na kayong dalawa ibigay ang lahat. Parang kami ni Kuya Kael mo. Natagalan kami na ma-realize kung kalian na kami handang mahalin ang isa't isa. Ang love, hindi minamadali."
Totoo naman ang sabi ni Sarang unnie. I must displace itong attention ko sa mas importanteng bagay.
Pagkatapos ng klase ay umuuwi ako kaagad. Hindi na rin muna ako pumapayag sa date ni Kinchan. I just told him na marami pa akong ginagawa at naiintindihan naman niya iyon. Sana. Minsan kasi kapag tumatanggi ako ay matagal bago niya ako pansinin.
Hindi ko na sinabi sa kanya ang nangyari sa aking stomach flu ay dahil sa pagkain namin noon.
Nandito na ako sa bahay. May studio man ako pero mas pinili kong mag-edit dito sa sala ng West Palace. For some reason ay hindi ako nagiging productive sa studio kahit wala namang ibang gagawin doon kundi mag-edit. Pag nandun ako ay aantukin lang ako.
"Snacks..." sabi ng isang pamilyar na boses ng maglapag ito ng isang plato ng prutas.
Inangat ko ang aking tingin at nakitang si Cross nga.
"Thanks." sabi ko at bumalik na ang atensyon sa laptop.
Ilang sandali pa pero hindi siya umalis. Tiningnan ko lang siya ulit at napansin kong kanina pa pala siya nakatingin sa akin.
"May kailangan ka pa ba?" tanong ko.
"Hindi ka pa ba matutulog? Malapit na mag-ala una ng madaling araw." sabi niya.
"May ineedit pa akong film. Ipapasa kasi to next week. Isang scene pa lang ang naeedit ko." sabi ko sa kanya.
"Ganun ba? Sige. Akyat na ako." paalam niya.
Tumango lang ako habang pinapanood siyang maglakad paakyat sa second floor. Bumalik na ako sa pag-eedit at kumain ng ilang prutas.
Sabado naman na at wala akong pasok kaya pwede ako magpuyat. I can sleep all day.
Nakailang lipat na ako ng posisyon sa sala. Minsan ay tumatayo ako para magising.
"Kaya pa, Nat. Last 5 scenes..." sabi ko at tumingin sa relo ng laptop ko.
"3:40 na pala." sabi ko sa sarili ko.
Minasahe ko na ang ulo ko. Nakakaramdam na ito ng sakit at alam kong pagod na ang mata ko. Iniinuman ko na lang ng tubig at paminsan-minsan ay pumipikit na ako para ipahinga ang mga mata ko.
"Pikit lang ako. Mga 10 minutes. Ipapahinga ko lang talaga ang mata ko." sabi ko sa sarili at sumandal sa sofa.
"PRINCESS, gising na po..." rinig kong sabi ni Lady Sarah.
Ininat ko ang katawan ko at nagulat na nasa kama na ako.
"Paano ako nakarating dito, Ate?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomanceSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...