Fourteenth Dish

98 2 0
                                        

IT'S been a month since Lolo Michael died. Ang buong pamilya namin ay dumaan sa pagluluksa pero kailangan namin umusad sa aming mga buhay. Alam kong si Mama Cate ay minsan umiiyak pa rin pero masaya ako na nasa tabi niya si Papa Nathan para alalayan siya.

Isang buwan na lang din ay matatapos na ang klase namin. Gagraduate na rin si Cross. Nagpaalam din siya ng temporary leave dahil magiging busy siya sa kanyang finals. Kailangan kasi nilang makapasa sa National Culinary Board Exam para maging isang ganap na chef. Isang pribilehiyo ang makapasa rito at kailangan na credentials din kasi ito para makapasok siya sa Royal Kitchen.

Isang buwan na rin akong hindi nagbebreakfast.

Simula nung nawala si Lolo, itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aaral. May ilan na kasi kaming short film projects na ginagawa sa school kaya minsan ay maaga akong umaalis at late na kung umuwi sa bahay. Kapag sabado at linggo ko na lang halos nakakasama ang pamilya ko pero naiintindihan naman nila ako.

Maybe this is my way of coping up.

Sabado ngayon at nandito lang ako kay Pipay. Dito ko naisipang gawin ang isa sa mga film review ko. Nakasandal lang ako kay Pipay. Sakto naman na hindi ganun katirik ang araw kaya hindi ganun kainit. Naging paborito ko nang lugar si Pipay dahil kay Cross. Palagi kong naaalala ang nangyari nung araw na iniwan kami ni Lolo.

Pagmulat ko ay nakita ko ang nagsasayaw na dahon at sanga ni Pipay. Napatingin naman ako sa kaliwa at nakita ko ang mapayapang mukha ni Cross. Natutulog siyang nakasandal kay Pipay habang ako naman ay nakaunan sa kanyang binti.

Teka? Paano ko hindi naramdaman ang pagtulog ko kanina? Bakit hindi ko maalala?

"Princess..." tawag naman ng isang pamilyar na boses.

Napalingon ako sa pinanggalingan nito at nakita si Lady Sarah. Dali-dali naman akong umupo at napansing nagising na rin si Cross sa ingay na nilikha ko.

"Hinahanap na po kayo sa loob. Dumating na po ang mga labi ni King Michael." sabi niya at yumuko.

Napatingin ako sa aking relo. Alas tres na ng hapon? Gaano ako katagal natulog?!

Naramdaman ko namang tumayo na si Cross at nilahad niya ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko naman yun at inalalayan niya akong tumayo.

"Salamat." sabi ko sa kanya.

"Kumain ka muna pagbalik mo sa palasyo." sabi niya.

"Ikaw din. Pasensya na kung nakatulog ako. Nalipasan ka ng gutom." sabi ko at napayuko.

"May natira ka pang sandwich kanina at yun ang kinain ko." tipid siyang ngumiti.

"Mabuti naman. Salamat ulit, Cross." sabi ko sa kanya at tipid na napangiti.

"Your lolo loves you and he is happy wherever he is. Sabi niya sa akin yun." sabi niya at tinapik ang balikat ko bago umalis.

I just felt warm and comforted because of what he did. Kaya rin siguro naging maluwag sa kalooban ko ang paglisan ni Lolo dahil alam kong masaya na siya.No more pain.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng may nagtakip ng aking mga mata.

"Guess who?" tanong niya.

"Kinchan!!!" sabi ko at inalis ang mga kamay niyang nasa mga mata ko.

"Surprise!" sabi niya at nag-abot ng isang bouquet ng flowers.

"Wow! Thank you, Kinchan!" tinanggap ko ito at inamoy ang mga bagong bulaklak.

"I'm glad you liked it. Nga pala, manonood ka ng game ko next week ha? Freshmen versus Seniors yun!" sabi niya.

Sumali kasi sa sportsfest si Kinchan. Nagulat na lang kami ni Kailyn nung ibinalita niya sa amin iyon. Nakalaro niya kasi ang mga ibang freshmen ng basketball nung nagkaroon kami ng tampuhan noon. Noong nalaman niyang si Cross ang gusto ko.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon