Sabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated.
But what if it is more than that?
Can you love me, chef?
*The Cross and...
PAGKATAPOS nung nangyari sa clinic ay parang bumalik na naman kami sa dati ni Cross. Kapag magkakasalubong kami ay matipid siyang magbabow tapos aalis na. Kainis. Parang wala kaming pinagsamahan sa clinic ah.
May pinagsamahan nga ba?!
Dalawang buwan na lang ay patapos na ang first semester. Dalawang buwan na lang din ay matatapos na ang internship niya sa royal kitchen. Busy man ako sa school ay naglalaan talaga ako ng oras para sa pagtuturo ni Cross sa akin magluto.
Matagal ko ng nirequest ito kay Chef Lou dahil gusto ko talagang matuto magluto para hindi naman puro cookies ang ginagawa ko. Natuwa rin sila Kuya Kael nung nalaman nilang si Cross ang magtuturo sa akin baka daw kasi ay kapag wala raw si Cross ay pwedeng ako na lang mag-luto ng breakfast ko dahil nga sa stomach flu ko.
Sabado ngayon kaya may session kaming dalawa. Paunti-unti ko na ring pinapahaba ang buhok ko. Feel ko lang din kasi maging girly. Nabasa ko sa isang relationship guru book na para daw magkagusto sa'yo ang crush mo ay kailangan mong magmaganda. Eh dahil mukha pa rin high school student sa buhok ko dati ay naisipan kong pahabain ang buhok ko. Nagulat pa nga sila Lady Sarah dahil matagal kong pinaglaban kela Mama Cate na magpagupit ng buhok. Na-inspire kasi talaga ako sa buhok ni Sarang Unnie noong bumalik siya dito. Pero hindi ko naman in-expect na magiging parang bunot ang buhok ko pero dahil convenient ay nagustuhan ko na rin ito.
"Now, chop the apples." sabi niya sa akin.
Sinunod ko naman lahat ng sinasabi niya. Tahimik lang akong sumusunod sa sinasabi niya tapos tuloy lang kami sa pagluluto. Tinuturuan niya akong magluto ng Maple Apple Sausages na isa sa mga paborito kong niluluto niya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang oras ang inabot ng pagtuturo niya sa akin ngayon. Lihim din akong sumusulyap sa kanya habang pinapanood ako sa ginagawa ko. Tatlong recipe kasi lagi ang tinuturo niya sa akin. Tunay nga na top student itong si Cross kasi ang bilis niyang magluto pero kahit ganun ay hindi niya pinapabayan ang pagtuturo niya sa akin.
Pagtapos ng session namin ay kinain naman namin ang niluto namin. Share kami sa plato. Ang sweet namin... sa panaginip ko. Kakainis naman kasi. Na-reject ako sa una kong confession.
Pero kung tutuusin ay hindi siya sumagot dun sa letter ko.
Pagtapos namin kumain ay nagligpit na siya. Habang nagliligpit siya ay huminga ako ng malalim. Wala kasing nag-open ng conversation sa amin pagkatapos magluto.
"Cross." tawag ko sa kanya at tumabi sa kanya habang naghuhugas siya ng pinagkainan.
"Yes, princess?" tanong niya.
"Sabi ko sa'yo ay drop the formalities kapag tayong dalawa lang eh." sabi ko sa kanya.
Napalingon naman siya sa paligid. Sabi ngang kaming dalawa lang ngayon eh.
"Ano ba yun?" tanong niya.
"About kasi... dun... nung gabi na yun..." I was stuttering. Ano ba, Nat!