NGAYON kukuha ng National Culinary Board Exam si Cross at nandito kami sa labas ng testing center ni Kailyn. Gusto niya kasing suportahan si Freid. Tapos na rin ang klase namin at ang graduation nila Cross. Summa Cum Laude si Cross kaya hindi ko pinalampas ang graduation nito. Panauhing pangdangal din kasi si Papa Nathan at Kuya Kael kaya nandoon din ako sa graduation. Nagkita rin kami nila Tita Stella at Tito Juan noong graduation. Nagpasalamat sila sa akin sa binigay kong picture. Niyaya pa nga nila ako sa celebration ng graduation ni Cross pero sabi ko ay sila muna ang magcelebrate.
"Patapos na sila..." bulong sa akin ni Kailyn.
"Oo nga." tingin ko naman sa orasan ko.
Tahimik kaming nagdadasal ni Kailyn. Wishing na makapasa sila ni Freid. Ngayon kasi ang practical exam nila. Kailangan nilang gayahin ang 3 recipes ng mga renowned chef ng walang recipe. Huhulaan nila ang proseso sa pagluto nun pati na rin ang mga ingredients. Buong araw nilang ginagawa iyon.
Biglang tumunog ang bell at isa-isa ng lumabas ang mga examiners. Nagmadali naman kaming pumunta ni Kai sa kitchen nila Cross. Kahit dito sa boards ay may mga tagahanga sila. Sunod-sunod ang mga babaeng pumunta sa kinaroroonan nila.
Freidrich, Cross, and Ysaac walked confidently. Their strides were strong enough to make you fall hard. Really hard. Freid and Cross were wearing their signature poker face while Ysaac was busy smiling and greeting the girls that surrounded them.
Lumapit naman kami ni Kailyn sa kanila para batiin sila.
"How was it?" tanong ni Kai kay Freid.
"Piece of cake." mayabang na sagot ni Freid.
Hindi ko na narinig ang pag-uusap pa nila ni Kailyn dahil nauna na silang maglakad. Ganun din si Ysaac.
"Cross..." hablot ko sa uniform niya.
"Yes, princess?" tanong niya.
"Kamusta?" tanong ko sa kanya.
"Sabi nga ni Freid, piece of cake. Madali lang naman ang exam." sabi niya.
"Mabuti naman kung ganoon. Sige, yun lang naman. Good luck sa results." sabi ko at tumalikod na.
"Wait!" paghabol niya sa kamay ko.
Napalingon ako pero hindi ko maiangat ang tingin ko sa kanya. Nakatulala lang ako sa magkahawak naming mga kamay.
"Ano... Ano yun?" I am stuttering!
"Baka gusto mong kumain? Naghanda kasi si Mama sa bahay." paanyaya niya.
"Pwede naman siguro..." sabi ko.
"Tara na." sabi niya.
Magkahawak pa rin ang mga kamay namin pero nagulat na lang ako ng biglang nakarinig ako ng mabibigat na yabag ng mga paa. Napalingon ako at nakita ang paparating na mga babae at mukhang mga fans ito ni Cross.
"Cross!!!" sigaw nila.
Nagulat na lang ako ng biglang hilain ako ni Cross ng patakbo. Pero dahil sa gulat at paglapit ng mga babae ay napabitaw ako sa kanya at napaatras sa kung saan. Sunod-sunod na dumating ang mga babae at pinalibutan siya. Nagtutulakan sila para makalapit kay Cross habang ako naman ay naitulak na palabas ng building.
"Princess!" tawag sa akin ni Kuya Ben.
"Kuya..." sabi ko at napahawak sa braso ko. Marami itong galos dala nung tulakan kanina.
"Nako, Princess Nathalie! Kailangang magamot yan. Tara na po at ihahatid na kita sa palasyo." sabi niya at inalalayan akong sumakay sa sasakyan.
Napalingon ako sa pinanggalingan ko at nakita ko na nagkakagulo pa rin sila kay Cross.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomansaSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...