First Dish

158 5 1
                                    

Tatlong buwan simula nung pumasok ako sa Isle Bellagio University ay hindi maikakailang naging busy ako kaagad. May mga major subjects na kasi ako kaagad kaya kailangang mag-focus sa pag-aaral. Naeenjoy ko rin naman ang pag-aaral dahil masayang mag-aral kapag mahal mo ang ginagawa mo.

Tatlong buwan na rin akong hindi inaatake ng stomach problem ko sa umaga. Araw-araw na masarap ang pagkain ko.

At tatlong buwan na rin akong nahuhulog sa lalaking gusto ko.

Simula nung makita ko siya sa food festival ay hindi na siya mawala sa isip ko. Kapag weekends ay palihim akong pumupunta sa royal kitchen para kumuha ng prutas, masilayan ko lang ang kagwapuhan niya. Lagi naman siyang naka-straight face at ngingiti lang ng pagkatipid-tipid pero kahit ganun ay ang gwapo niya pa rin. Kinikilig ako kapag nagluluto siya. Nakikita ko pa ang pag-flex ng muscles niya. Haaaaay. Baliw na talaga ako.

Pasimple ko rin siyang ini-stalk.

Siya si Clifford Ross Alfieri. Ang top student ng culinary department. Isang scholar ng Royal Foundation kaya iniingatan niya talaga ang kanyang grado. At dahil top student siya, binigyan siya ng offer na mag-intern sa Royal Kitchen at kapag maganda ang naging resulta ng kanyang internship ay pagka-graduate ay magiging sous chef siya sa Royal Kitchen.

Simple lang si Cross, mas kilala siya sa pangalang iyon. Lumaki siya sa isang simpleng pamilya sa probinsya ng Roppin, ang pinaka-norteng probinsya ng Isle Bellagio. May dalawa pa siyang kapatid na puro lalaki. Napapagitnaan siya. Ang kuya niya ay may sarili ng pamilya habang ang nakakabatang kapatid niya ay nasa elementary pa lang. Simula nung mag-aral si Cross dito ay dito na rin tumira ang kanyang buong pamilya.

Ang galing ko sa paghahanap ng info niya di ba? Professional ako sa ganyang mga bagay.

Lihim akong napatawa sa pag-alala kung paano ko nakuha ang mga nalaman ko about sa kanya ng bigla akong tinapik ng katabi ko.

"Nat, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Kinnosuke.

"Nandito ka na pala. Salamat, Kinchan!" Nginitian ko ito at nagsimula ng kumain.

Si Kinchan kasi ang bumili ng pagkain ko. Araw-araw naman. Nagagalit na nga ako sa kanya minsan kasi hindi naman niya kailangan gawin iyon pero sabi niya ay hayaan ko lang daw siya. Gusto niya daw akong alagaan. Kulit talaga.

Lakad takbong pumunta sa table namin si Kailyn.

"Gahd! Gutom na ako." sabi niya at kumain ng French fries ko.

"Hoy Kailyn! Pagkain yan ni Nat!" pagsaway naman ni Kinchan.

"Hay nako, Kinnosuke! Hindi rin naman mauubos ni Nat yan eh! Diet ang best friend ko!" kumuha naman ulit si Kailyn.

"Magsitigil na nga kayo." natatawa kong sita sa kanila.

Nagtawanan lang kami habang nag-aasaran pa rin sila Kinchan at Kailyn ng biglang may mga babaeng nagtilian habang nakatingin sa pintuan ng cafeteria. Dahil doon, napalingon ako kung bakit pero parang gusto kong sumama sa kanila.

"Kinnosuke! Ang gwapo talaga nila!" sambit ni Kailyn na namangha na rin sa papasok na grupo.

Gwapo talaga sila. Kilala sila bilang Fire 3. Sila ang tatlong heartthrob ng IBU at lahat sila ay galing sa Culinary Department. Sila lang naman si Freidrich Zhang, Ysaac Von Adaire, at siyempre si Clifford Ross Alfieri.

Ngayon ko lang nakita ng personal si Freidrich dahil mailap ito sa mga tao. Si Ysaac naman ay nakita ko na dahil siya ang bumati kay Cross noon sa food festival. Sobrang crush ng bayan ang tatlong ito. Ilang babae na rin ang nakita kong umiyak dahil rejected naman silang lahat.

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon