PASUKAN na ulit. Second year na ako habang si Cross naman ay nagtratrabaho na sa Royal Kitchen. Parang naging normal na rin ang lahat para sa akin. Normal na rin na araw-araw ko siyang nakikita sa kusina kahit sobrang busy nila. Lalo na sa umaga. Minsan pa nga ay ako na ang napapagod para sa kanila.
Pero kahit ganun ay nakikita ko ang saya sa pagtratrabaho nila. Kita ko yung passion nila sa pagluluto at pagsisilbi kaya sobrang proud ako sa staff ng aming royal kitchen.
Hinatid ako ni Kuya Ben sa Isle Bellagio University. Kakaiba na rin ang atmosphere ngayon dahil wala na ang Fire 3. Marami na rin sa fans nila ang grumaduate kaya wala na masyadong maririnig na natitilian.
"Si Freidrich!!!" sigaw nung isang babae.
Napalingon naman ako at nakita nga ang convertible ni Freid. May sakay itong babae. Naningkit ang aking mga mata na makita na dalawa ang sakay nitong babae. Bumaba ang isa at kung hindi ako nagkakamali, si Kailyn iyon at si Ate Krizell! Bumaba na si Kailyn kakaway pa sana ito pero biglang humarurot ang sasakyan ni Freid.
Kasabay ng pag-alis ni Freidrich ay ang paglapit ko naman sa kinaroroonan ni Kai. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya habang pinapanood ang paglayo ng sasakyan ni Freid.
"Kailyn..." tapik ko sa kanya at ngumiti.
"Nat! Nandito ka na pala!" pinilit niyang ngumiti.
"Alam kong hindi ka pa nagbebreakfast. Tara sa cafeteria?" hinawakan ko na ang braso niya at hinila na siya.
Alam kong malungkot ang best friend ko kasi hindi naman nagpapakita ng pagkagusto si Freid. Kahit saan sila magpunta ni Ate Krizell ay ginagamit nila si Kai. Kahit sa Hong Kong trip nila. Ka-chat ko araw-araw si Kailyn noon at naiiwan lang daw siya sa hotel.
Hindi na siya ang Kailyn na nakilala ko.
The Kailyn I knew was happy-go-lucky. She is confident and brave. Kaya niyang magsurvive sa kahit anong sitwasyon pero ngayon sinasaktan niya ang sarili niya. Kung nagbakasyon siya sa Hong Kong mag-isa ay malamang nagpunta na ito sa iba't ibang lugar kahit mag-isa siya.
Ako na ang bumili ng pagkain niya at dinala ito sa table namin. Nakita ko na rin si Kinnosuke na papalapit sa table namin.
"Kinchan!" bati ko.
"Nathalie! Hi, Kailyn!" bati niya at nagtaka din kaagad sa itsura ni Kai.
"Hayaan mo na." bulong ko sa kanya.
"Salamat sa breakfast, Nat." sabi niya at kumain na ng sandwich.
"How was your vacation?" tanong ni Kinchan.
"Okay na... sana." sabi ni Kailyn.
"What happened?" kunot noong tanong ni Kinnosuke.
"I'm a laughingstock. Ako na ata ang pinaka-martyr na tao dito. Pwede niyo na akong gawan ng rebulto." she laughed sarcastically.
"Hindi kita ma-gets. Anyway, ikaw naman, Nat?" tanong ni Kinnosuke.
"Okay naman. Nagbakasyon ako kela Mama." sabi ko.
Nagkwento lang si Kinchan about his vacation habang kumakain kami bago pumasok sa subjects namin. Pare-pareho na pala kami ng schedule kaya sobrang laking saya ko dahil hindi na ako mahihiwalay sa kanila.
After ng huli naming klase ay kinausap kami ni Kailyn ng aming professor na si Prof. Javier.
"Nathalie, Kailyn. I need to talk to you about your performance last semester." sabi niya.
"May mali po ba kaming ginawa?" tanong ni Kailyn.
"Wala naman. Actually, you both did great. That is why, I found an opportunity for the both of you to enrich your talents. It will just be for two months. It is an exchange student program with Seoul University. Before mag-midterm ay makakabalik na kayo rito and you will be exempted from the midterm exams." sabi ni Prof. Javier.
![](https://img.wattpad.com/cover/155812938-288-k49042.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
RomantikSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...