LAHAT ng pagpipigil ko ng dalawang buwan ay tila nasira. The wall that I built to guard my heart from Cross is slowly crashing down. Matapos nung nangyari sa concert ay lagi na naman siyang tumatakbo sa utak ko.
Feels like I am back to square one.
"I am really sorry, Nathalie. Sinubukan kitang balikan nun pero hindi na kita mahanap." paghingi ng tawad ni Kinchan sa akin.
"Okay lang, Kinchan. Nagtext naman ako sa'yo nun na umuwi na lang ako di ba?" sabi ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa Hell's Kitchen. Second date na kasi namin ngayon. Pagtapos ng klase ay pinagpaalam niya ako kay Kuya Kael. Ang dami pang kwento ni Kinnosuke habang kumakain kami.
Matagal ko nang kilala si Kinchan. I should not feel awkward. Siguro si Kinchan, hindi nakakaramdam ng awkwardness pero ako ay ramdam na ramdam ko. Normal naman na nag-uusap kami ni Kinnosuke dahil kasama ko siya araw-araw sa IBU pero iba na ngayon. I am dating him and it feels so wrong.
At lalo pang nagiging awkward dahil feeling ko wala akong control sa kung anong mangyayari sa amin. Katulad na lang sa date na ito, he didn't ask me kung okay lang ba na lumabas kami pero si Kuya Kael ang tinanong niya. Paano naman ang gusto ko? Eh yung gusto ko lang sana ay umuwi na dahil ngayon lang ako may pagkakataon na matulog dahil ilang araw na akong puyat sa kaka-edit ng mga short films namin sa Film 100.
"Hey, Nat. Okay ka lang ba? Nakikinig ka ba?" tanong ni Kinchan na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Ha? I'm sorry. May naisip lang kasi ako na idea para dun sa short film." pagsisinungaling ko.
"Ah. Akala ko kung ano na iniisip mo. Kanina ka pa nakakunot eh." sabi niya at ngumiti.
"Kain na lang tayo." sabi ko at nagsimula ng maghati ng steak.
Si Kinnosuke lang ang nagsalita buong dinner. Nakinig lang ako. I really tried my best to be mentally present sa date pero lumilipad talaga ang utak ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na hinahayaan na sumunod na lang sa gusto ni Kinnosuke.
Pagtapos namin mag-dinner ay nagpahatid na ako sa kanya sa palasyo. Gusto pa niya atang magstay dahil ang tagal niya bago umalis pero sinabihan ko na lang siya na umuwi na at magpahinga.
"Welcome home, Princess Nathalie." bati ni Butler Kim at nag-bow naman ang staff ng West Palace.
"Nakahanda na po ang dinner." sabi ni Lady Sarah.
Sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng sakit ng tiyan. Mukhang hindi ako natunawan sa kinain ko kanina. Napapikit na lang ako at hinawakan ang tiyan ko.
"Lady Sarah, aakyat na ako. I think I have stomach flu." sabi ko.
"Alalayan na kita. Butler Kim, padala ng mga gamut at sabihin sa royal kitchen na magluto ng mainit na sabaw para kay Princess Nathalie." sabi niya at inalalayan niya ako paakyat sa 3rd floor.
Pagdating namin sa kwarto ay diretso niya naman akong pinahiga sa kama. Pagkaayos niya ng kumot ko ay hinawakan niya ang noo ko.
"May lagnat ka. Kukunin ko lang ang thermometer." sabi niya at lumabas ng kwarto.
Sobrang lala ng nararamdaman ko at hilong-hilo na ako. Umiikot ang paningin ko kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko. Pagbalik ni Lady Sarah ay nagmadali naman siyang nagcheck ng aking temperature.
"39. May lagnat ka na, Nathalie. Kukuha lang ako ng bimpo." sabi niya.
Lumipas ang ilang sandal ay nilamon na ako ng dilim.
"Princess, gising na. Nandito na ang sabaw." gising sa akin ni Lady Sarah.
Pinilit kong buksan ang mata ko at umupo. Inalalayan naman niya ako at naglagay ng mga unan sa likod ko. Sinubuan niya ako ng sabaw. Sobrang init nito at kahit masakit ang tiyan ko ay tinatanggap ito ng sikmura ko. It is slowly giving me relief and comfort.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
Любовные романыSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...