Special Dish

238 2 0
                                    

Cross

"Hoy, Cross! Titig na titig ka ha. Nagseselos na ako!" kalabit sa akin ni Pau.

"Ikaw naman. Hindi naman ako titig na titig eh." inakbayan ko lang siya at nginitian.

"Crush mo siya?" tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot dahil ang lapit lang ng mga labi namin. Nandun pa rin ang epekto niya sa akin pero gumawa na siya ng linya para sa aming dalawa. Hindi na kami pwedeng maging higit pa sa kaibigan.

Ulit.

Pero dahil mahal ko si Pau, kung ang pagiging kaibigan niya ang paraan para mapalapit pa rin sa kanya ay tatanggapin ko.

"Huy! Kanina pa kita tinatanong! Ano na? Crush mo ba si Princess Nathalie? Ang ganda niya nu? Balita ko ay sa IBU daw siya mag-aaral ng college. Edi magkikita na kayo palagi!" sabi ni Pau.

"Hindi ko nga siya crush. Tigilan mo na yan, Pau." natatawa kong sagot sa kanya.

"Alam mo kung paano ko nalaman na crush mo siya kahit ayaw mo naman aminin sa sarili mo?" tanong niya sa akin.

"Oh sige nga, paano?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Kasi... Hindi mo ko tiningnan ng katulad ng pagtingin mo sa kanya kanina. I know, Cross. I know that in your heart, she made her mark." sabi niya at ngumiti.

Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ito ang gusto kong isagot ni Pau. She knew me too well na kahit ang nararamdaman ko ay nababasa niya.

"Now, if you really like her, chase her. Chase your heart that she stole from you today." sabi niya at tinapik ang balikat ko.

Hindi na ako sumagot sa kanya at tinuloy na lang ang panonood sa kanya. Nandito ang buong Royal Family sa Roppin para sa Royal Parade. Kasama niya si Prince Constanine sa karwahe at kumakaway sa mga tao. Nakita ko ang kakaiba niyang ngiti na tunay ngang nag-iwan ng marka sa akin.

Nagtagpo rin panandalian ang aming mga mata habang kumakaway siya sa aming mga nanonood sa kanila. Narinig ko pa ang pagkamangha ng ibang kalalakihan sa kagandahan at simplisidad niya. Maganda talaga siya pero ang kakaibang ngiti niya kay Prince Constantine ang mas nakapukaw sa akin ng atensyon. Kita ko ang pagiging mapagmahal niya sa pamilya niya at isa yun sa una kong nagugustuhan sa babae.

Sinundan ko na lang ang papalayong karwahe ni Princess Nathalie at yun na ang huling beses na Nakita ko siya bago ako bumalik sa Isle Bellagio University.

~after 2 months~

"Dude, nagpasa ba kayo ng application para sa internship sa Royal Kitchen?" tanong ni Ysaac sa amin ni Freid habang nakatambay sa labas ng IBU.

"Nope. Sa company namin ako mag-iinternship." sabi ni Freid habang nakatingin sa cellphone niya.

"Dude, bawal yun di ba?" tanong ko.

"Yeah. But you know my parents. They can pull some strings just to get what they want." sagot ni Freid.

"Ikaw ba, Ysaac?" tanong ko.

"Hindi. Sa Phoebe's Kitchen ako nag-apply at natanggap na ako kanina." sabi niya at ngiting-ngiti.

"Hindi ka pa rin ba over kay Ate Phoebe?" tanong ni Freid.

"Phoebe's my one and only. Parang si Cross kay Pau." sabi naman ni Ysaac.

"I applied sa internship." sagot ko na lang sa kanila.

"What?! Sobrang hirap ng exam nila na tipong mga known chefs nga bumabagsak!" gulat na sabi ni Ysaac.

"I know pero gusto ko. Pangarap ko to. Alam niyo naman na gusto kong may marating kaagad para sa pamilya ko di ba?" sabi ko sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me, Chef!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon