PAGTAPOS ko I-compose ang sarili ko at maligo, nagprepare na ako ng meryenda. Hindi pa rin umaahon si Cross at mukhang enjoy na enjoy pa rin siya doon.
Paano siya nakakapag-enjoy dun after nung nangyari kanina?! Ako lang ba ang naka-feel ng kakaiba?!
Nawala ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nung biglang kumulog ng pagkalakas-lakas.
"Ah!!!" tili ko at napaupo ako sa sahig.
Takot ako sa kidlat at kulog. Mukhang babagyo ata ng malakas ngayon.
"Anong nangyari?!" nagmamadaling pumasok si Cross sa cottage para samahan ako.
"Kulog... Takot ako sa kulog..." sabi ko sa kanya habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga.
"Hush... Nandito ako..." sabi niya at inalo ako.
"Maligo ka na, Cross. Para makaalis na tayo. Mukhang uulan ng malakas." sabi ko.
Tumayo naman siya at nagmadaling pumasok sa banyo. Niligpit ko naman ulit ang mga pagkain na inihain ko sa table. Habang naliligo si Cross ay bumuhos na ang malakas na ulan. Kabado akong nagliligpit dahil kapag umulan dito sa Shillim ay hindi biro.
Habang hinihintay ko si Cross ay biglang nag-ring naman ang cellphone ko.
"Hello?" sagot ko.
"Nathalie, this is Mama Cate." sagot ni Mama.
"Mama, pauwi na po kami ni Cross." paalam ko.
"Nat, I was advised that you should stay there. Kumpleto naman ang supplies diyan sa cottage. Mas safe kung mananatili kayo diyan. Malayo pa ang rest house diyan sa ilog." alalang sabi ni Mama.
"Pero Ma..." sabi ko.
"Just listen to us. Okay? Kasama mo naman si Cross kaya safe ka diyan. Just know your limits, okay?" paalala ni Mama.
"Mama naman. I know. Just stay safe as well." sabi ko.
Hindi na narinig ang sagot ni Mama dahil biglang nawala na ng signal. Saktong lumabas naman si Cross sa banyo.
"Makakaalis pa ba tayo? Mukhang sobrang lakas ng ulan." sabi niya habang pinapatuyo ang buhok gamit ang twalya.
"Sabi ni Mama Cate ay huwag na daw muna. Dito na muna daw tayo. May kuryente naman dito at kapag nawalan ng kuryente ay may generator naman. Kumpleto rin ang supplies dito." sabi ko sa kanya habang nilalabas ulit ang pagkain.
Tahimik kaming kumain habang background music ang ulan. Siya na rin ang naghugas ng pinagkainan. Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakitang malapit na palang mag-alas siyete. Nagpunta ako sa isang cabinet para tingnan ang mga supplies.
Iisang tulugan lang ang nandito?! Isang set lang ng beddings ang meron! Dalawa kaming matutulog. Hindi naman pwede ang isa sa sofa dahil malamang ay sobrang lamig ngayong gabi. Hindi naman kami makakuha ng punong kahoy para sa fire place.
"Anong tinitingnan mo diyan?" tanong niya.
"Kukunin ko na sana yung beddings. Kaya lang para sa isang tao lang ang nandito." sabi ko.
"Ikaw na ang gumamit niyan. I'll sleep sa sofa." sabi niya at nagpunta na sa maliit na living room.
"Sira ang heater ng cottage. I tried it kanina. Wala na ring punong kahoy para sa fireplace. Magiging malamig ang gabi." sabi ko sa kanya.
"Habang may control pa ako, Princess. Kaya ko ang sarili ko." at humiga na siya sa sofa.
Masyado pang maaga para matulog pero inayos ko na ang beddings malapit sa sofa. Nakita ko siyang nakapikit na. Mukhang pagod siya dahil kanina.
BINABASA MO ANG
Love Me, Chef!
Roman d'amourSabi nila, the way to a guy's a heart is through his stomach. Pero paano kapag nangyari ito the other way around. Because of his yummy cooking and yummy looks, I was captivated. But what if it is more than that? Can you love me, chef? *The Cross and...